💕Chapter One💕

135 9 0
                                    

JAPAN 2020

Hindi ko na naisip mag-almusal kahit na nag-iwan naman ng pagkain sila Kuya Pao at Ate Joana bago sila pumasok sa trabaho kanina. Paano ko ba maiisip ang pagkain kung alam ko namang hindi ako matutunawan dahil sa sobrang kaba? Well, hindi ko naman first time itong gagawin pero iba kasi ang taong imi-meet ko today. Namamawis na ang kamay ko kahit kaliligo ko lang.

Ang alam ko, kaya ako nagpunta sa Japan dahil pangarap ko ang isang linggong bakasyon ng walang iniisip na deadline, walang inaalalang matalak at demanding na boss at mga tambak na gawain sa opisina. Kaya lang, unang araw ko pa lang sa Tokyo, nakatanggap na ako ng isang UTOS. Letse. Hindi siya pakiusap na email kung hindi utos. Nakakagalit talaga. Pero ano'ng gagawin ko? Trabaho iyon. Kaya kahit labag sa loob ko, inasikaso ko ang preparations. Offline ang reklamo ko kasi kailangan ko pa ring respetuhin ang boss ko kahit gusto ko na siyang sakalin.

Imbes na masarap na agahan ang ine-enjoy ko ngayon, nag-order lang ako ng kape. Iyon lang kasi ang kaya kong ilaman sa sikmura ko para hindi ako masuka mamaya sa sobrang tensyon.

Pagkatapos ng mainit na kapeng iniinom ko mula sa paborito kong coffee shop, naglakad na ako papunta sa bus stop. Saglit akong naghintay sa waiting area at nagmasid lang sa mga taong naroon. Ang busy nilang lahat. Parang wala yatang tambay sa bansang ito. Pagkaraan ng ilang minuto, dumating na ang sasakyan kong bus. Hindi pa ako magaling sa Katakana at Hiragana pero mabilis naman akong maka-memorize kaya pinagtyagaan akong turuan kagabi ng pinsan ko.

Ilang bus stops ang hinuntuan ng sinasakyan ko bago ko narating ang public working space na inupahan ng kliyenteng kikitain ko. Lakad-takbo ang ginagawa ko ngayon para lang mas mauna ako sa CEO at pakiramdam ko, buwis-buhay ang meeting na ito dahil suot ko ngayon ang pinakamaatas kong stiletto para sa isang madugong business proposal. Imagine a 20-minute walk from the bus stop to the building! Jusko, para akong mamamatay! At para saan? Para lang makuha ko ang "OO" ng Raygun. I have to give their CEO the best first impression. Para naman magkaroon ng dagdag points ang gagawin ko mamaya. Well, I'm always making sure that I will leave the best first impression to people. Iyon lang naman ang tanging paraan para makinig sila sa'yo. Pero hindi na nakakatuwa ang paltos ko sa paa! Tiis-ganda lang talaga!

Imi-meet ko lang naman for the first time ang CEO ng Raygun Publishing. Ang in-demand na webtoon site sa loob ng limang taon mula nang mag-operate sila at ang pinaka-bigtime naming kliyente mula noong magsimula ang Plum three years ago. Bilang isa sa mga batch one ng kumpanya namin, ako ang napili ng magaling kong boss para humarap sa kliyenteng ito kahit pa nga alam niyang nakabakasyon ako. Ilang years kong plinano ito! Whew! Sinira niya lang.

Kailangan ko lang naman magpresent ng mga bagong webtoon ideas at titles dahil papasok na ang February. Ang ibig sabihin noon, lahat sa Plum kailangang magkayod marino. Ako lang talaga ang alay ngayon. Normally kasi, sa ganitong month kami dapat nagre-release ng mga bagong titles. At nasa kontrata na dapat i-present sa client ang mga bagong webtoons bago mai-published online. Siyempre kailangan ng approval. Isa pa, ito yata ang taon ng contract expiry ng Raygun sa Plum. So, nakasalalay sa akin ngayon ang kinabukasan ng lahat ng ka-trabaho ko. This is my only fuel today bukod sa kape at sa bonus na pwede kong makuha kapag naging successful ako sa araw na ito.

For the past years, may representative lang ang CEO kapag nagpe-present kami ng new titles kaya lang iba sa taon na ito dahil nagkataon na nasa iisang bansa kami ng mismong may-ari ng Raygun.

Nakabakasyon lang talaga ako dito sa Japan kaya ang CEO ang nag-adjust. Hahaha chos. Hindi ko alam kung bakit ganoon siya kabait. Well, kidding aside, may conference daw na pinuntahan ang CEO at since nandito naman na ako, bakit nga naman hindi pa ako ang maging alay? Ang nakakatuwa pa sa lahat ay iyong katotohanang saglit lang nag-prepare ang team para dito. Pagkatapos ng storyline presentation na ginawa namin online kagabi, sinabi ni Vic na pwedeng makipagkita sa akin ang CEO ngayong araw dahil nagkataon na nandito ang taong iyon para sa business trip at tapos na ang mga commitment nito kumbaga naisingit ako sa schedule.

OPPA SERIES V1 (Book 2): Mr. Perfection [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon