💕Chapter Eight💕

74 8 0
                                    

BAGUIO 1997

Parehas na kaming nasa first year high school ni Princess at dahil sa pagpupumilit niya, binigyan ako ng Mama niya ng scholarship para makapasok sa Xavier Academy kung saan sila nag-aaral ni Prince. Duon din kasi nag-elementary si Princess.

Dahil natural siyang pogi at matalinong talented, siya na agad ang naririnig naming topic ng mga Sophomores, Juniors at Seniors.

Welcome ceremony iyon para sa amin at magsasalita ang mga representatives ng bawat year level.

Si Prince Santillan ang representative ng fourth year high schools at ito na ang turn niya para magsalita at i-welcome kami. Nang magsimula siyang bumati, madaming nagtilian. Ngumiti lang siya at inilapat ang hintuturo niya sa kanyang labi para patahimikin ang lahat. At ginawa naman ng mga babae 'yon kahit alam na alam kong nahihirapan din silang pigilan ang mga sarili kagaya ko.

Hindi lang ako ang naging breathless habang nagsasalita siya sa stage. Lahat ng babae! Parang gusto ko silang sabunutan lahat. Ako kaya ang fiancée! Kami lang tatlo ang nakakaalam noon kaya hinayaan ko na lang sila. Kung pagagalitan ko silang lahat ngayon, baka makahanap lang ako ng gulo.

Ayoko naman talaga ng away. Binanggit niya in general ang mga katulad kong freshman at transferee sa school. Sinabi niyang hindi kami dapat magdalawang-isip na humingi ng tulong sa mga taong pamilyar na sa school. Pakiramdam ko tuloy, kinakausap niya ako sa pagkakataong iyon para iparating sa aking, naroon lang siya kung kailangan ko.

Sinabi din niyang dapat kaming sumali sa mga organizations sa school para hindi kami mabored sa academics. At lastly, sinabi niyang abutin namin ang mga bagay na magpapasaya sa puso namin.

Hay... Sisiguruhin kong maaabot ko siya pagdating ng araw.

Pagkatapos ng welcome ceremony, nilapitan kami ni Prince at nakita 'yon ng marami. Parang gusto kong manliit sa mga titig nila. "Ihahatid ko na kayo sa classroom." Sabi ni Prince. "Baka kung saan-saan ka pa dalhin nitong babaeng 'to." Pagtutukoy niya sa kapatid niya.

"Hala. Okay ka lang, Kuya? Saan naman kami pupunta?"

"Sa boyfriend mo! Akala mo yata hindi nakakarating sa akin 'yung mga kalokohan mo sa grade school ah!"

Napasimangot na lang si Princess dahil totoo. Kilala ko ang boyfriend niya.

"Mag-aral muna kayo. Mas maganda 'yung mas matalino ang babae kaysa sa lalaki."

Tumatak iyong sinabi niyang 'yon sa isip ko kaya mas sinipagan kong mag-aral. Ayaw niya sa babaeng bobo. At dahil sa ganda ng academic performance ko, nahihila ko rin si Princess. Bilang reward, palagi niya kaming kasama mag-lunch.

Akala ko masaya na lang palagi ang high school life. Halos kumportable na nga ako sa school nila. Kaya lang, hindi pala talaga maiiwasan ang mga bully kahit saan.

Palabas na ako ng banyo nang may biglang humatak sa braso ko.

"Ah!"

Paglingon ko, kaklase namin ni Princess iyon. Kung hindi ako nagkakamali, Monique ang pangalan niya. Nginisihan niya lang ako nang makita niyang nasaktan ako sa paghila niya sa akin.

"Ano'ng kailangan mo?" tanong ko sa kanya.

"Kailangan ko?" ngumisi ulit siya. "Kailangan kong mamatay ka."

Inaano ko ba siya? Sa totoo lang, hindi ko maintindihan kung bakit niya 'to ginagawa. Wala naman akong maalalang ginawan ko siya ng hindi maganda. Ni hindi ko nga siya tinatapunan ng tingin sa classroom. "May ginawa ba ako sa'yo?"

"Nakakairita ka e. Akala mo, porque kaibigan mo sila Princess at Prince, elite ka na din sa school na 'to. Akala mo ba walang nakakaalam na katulong ka lang sa bahay nila?" Mukhang sa mga sinasabi niya, katulad ni Princess, sa Xavier Academy din siya nag-grade school kaya kilala niya ang magkapatid.

OPPA SERIES V1 (Book 2): Mr. Perfection [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon