💕Chapter Nine💕

68 6 0
                                    

   Mabuti at pumayag pa rin si Jack na magkita kami dalawang araw pagkatapos ng insidente. Gumawa siya ng oras para makapag-dinner kaming dalawa. Nagkataon din na iniiwasan ako ni Prince ngayon dahil sa naiinis pa rin siyang sinabihan ko siyang ayaw ko ng pagiging possessive niya sa akin kahit parehas naming alam na ginagamit niya lang ako. Jack still managed to look so dashing with a bruise on his cheek. "I'm sorry." Hindi ko na mabilang kung ilang sorry na ang nasabi ko sa loob lang ng kalahating oras na paginom namin ng red wine habang naghihintay sa in-order naming pagkain.

He laughed. "You've said that for almost twenty times already. Are you aware?"

"Kulang pa ang sorry sa ginawa ng boss ko. Hindi ko din alam kung ano'ng pumasok sa kokote niya."

"He probably like you a lot."

I snorted. "Imposible. Kilala ko kung sino ang gusto niya."

"Is he married?"

"Almost married."

Tumango siya. "Siguro, nagbago na ang isip at nararamdaman niya. Why not give him a chance?" Nakakalungkot naman na parang ayaw na niya sa akin. Nang hilain ba siya ni Zooey nang araw na iyon, nagka-ayos na ba sila? I swear I knew I should be disappointed pero taliwas ang nararamdaman ko sa iniisip ko. Hindi ako disappointed. Sa totoo nga, gusto kong marinig sa kanyang nagkaayos na sila ni Zooey. "Ngayon lang ako nakakita ng lalaking halos handang pumatay pagkatapos niyang makitang hinawakan sa kamay niya ang babaeng gusto niya."

"Stop it. Hindi niya ako gusto." Sabi ko sa kanya. Is he making me feel flattered so he can deliver the news easily? Hindi ko na siya pahihirapan. "Did you and Zooey talked?"

Ngumiti siya. "Nope. Ginamot niya lang ang sugat ko tapos, ayun sinampal niya ako."

"She's probably mad because you're going out with someone else already." I concluded when I remembered what happened that day. Wala sa hitsura ni Zooey na maiinis siya basta-basta sa isang taong una niya pa lang nakikita. Siguradong binangga niya ako noon dahil napipikon siya dahil ako ang kasama ni Jack nang wala man lang akong nagawa.

"I think so."

"Do you still like her?" I asked.

"I think so."

Tumango ako. "Then go after her."

"It's a shame we can only continue to see each other as friends."

Napangiti ako. "I like friends even better."

Mabuti na lang inihatid na sa table namin ang mga pagkain, nagkaroon kami ng ibang topic. Sa totoo lang, natatawa na lang ako na naging magkaibigan pa rin kami sa kabila ng pagkakaroon namin ng saglit na pagkakataon para makilala ang isa't isa.

Pagkatapos naming mag-dinner, sabay pa kaming nagulat nang makita si Prince sa labas ng restaurant, nakasandal sa kotse niya at nakapamulsa. Mukhang pagod na siyang makita akong kasama si Jack pero wala sa hitsura niya ang hihinto sa pagsunod sa akin. Nilapitan niya agad kami at kinuwelyuhan si Jack. "Hindi ka ba talaga lalayo sa babaeng 'to?"

"I don't think we are doing something wrong. Keigh, boyfriend mo ba 'to?" hindi ko alam kung ano ang plano ni Jack at parang gusto pa ulit yata niyang masapak siya ni Prince.

"Tama na 'yan, Prince."

"Tell me, Prince. Is she your girlfriend? Wife?"

Parang gusto kong busalan ang bibig ni Jack. Ano bang ginagawa niya?

"She's mine." Bulong ni Prince.

Ngumisi si Jack.

"What's funny?"

OPPA SERIES V1 (Book 2): Mr. Perfection [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon