As agreed, nasa biyahe na ako ngayon papunta sa opisina ni Henchman sa Makati. Maaga pa lang, nakapaligo na ako para makapag-ayos ng malala. I need to doll up to ensure that he will regret mistreating me back in Japan. Iyon lang naman ang kaya kong gawin laban sa kanya dahil kahit paano lalaki pa rin siya. Wala naman akong planong landiin siya. Gusto ko lang bawiin ang dignidad ko pagkatapos niya akong halikan para lang insultuhin dahil obvious pa rin sa gaga kong mukha na siya pa rin ang gusto ko. Oo, kasalanan ko din, I gave in to his temptations without even thinking. Bakit ko ba kasi ginantihan ang halik niya?! If I had stayed still at that moment, naiba kaya ang sitwasyon?
Iyon lang naman daw ang rason kung bakit hindi ang sagot niya sa proposal ng Plum. Hindi pa rin daw ako nagbabago. Ang pagiging patay na patay ko sa kanya ang problema kaya ayaw niyang um-oo sa proposal.
Pero kahit ilang beses kong isaksak sa utak ko ang bagay na iyon, hindi pa rin ako makaramdam ng kahit na ano'ng klase ng pagsisisi. Why would I feel sorry for something that I had enjoyed for a moment? Although he just kissed me to play with my stupid heart, that kiss still meant a lot to me.
Tatanggapin ko na lang sanang ganoon talaga ang malas, kapag tinamaan ka, sunud-sunod na. Mabuti na lang at nakasabay ko siya sa eroplano at nagkaroon ako ng chance ngayon na i-redeem ang sarili ko. Malaki ang utang na loob ko ngayon sa tadhanang ayaw ko na sanang paniwalaan. Pinatunayan sa akin ng tadhana na totoo siya.
Now here I am, walking beautifully across the building's interior.
I felt proud when I realized that everyone is looking at my direction when I entered his empire. Malaking bagay na nag-invest ako ng sobra sa sarili ko pagkatapos kong mabigo sa Prinsipeng hindi ko maabot. Hindi lang pag-aalaga sa sarili ang ginawa ko kung hindi ang pamimili ng mga damit na mamahalin nang dumating na sa punto 'yung sahod kong kaya ko ng makabili. My dress and stilettos are very elegant just like the building itself. My every cent spent for this dress and shoes are so worth it! Sobrang elegante ng Santi Group at talagang bagay ang suot ko ngayon. Bagay na bagay ako duon! Hahaha...ambisyosa.
Tumayo ako sa tapat ng receptionist's desk at nagpakita ng ID. "I have an appointment with the CEO." Ako na ang nagsimulang magsalita dahil nakatunganga lang sa akin ang lalaking naroon.
"Oh. One moment." Mabilis niyang itinawag sa taas na nasa building na ako at pagkaraan lang ng ilang minuto,"This way, Miss." Iginiya na ako ng lalaking receptionist sa elevator sa likod ng mataas na marble wall sa likod niya pagkatapos niyang makumpirmang may appointment nga ako.
Sumakay ako sa black elevator na mukhang hindi pwedeng gamitin ng ibang taong nasa building na iyon. Mukhang private elevator ng CEO? Well, duon naman ang destinasyon ko so why not use this? Wala na ngayon ang kaba kasi alam ko na ngayon kung sino ang kalaban ko. Hindi ko na kailangan ng background check dahil kilalang-kilala ko na siya pati bilang ng nunal niya sa braso, alam ko! Wala na siyang maitatago sa akin.
Bumungad sa mga mata ko sa 45th floor ang isang magandang receiving area na makikita lang yata sa mga five-star hotel at isa na namang receptionist's desk na mukhang working place ng secretary ni Prince ang naroon. Hindi na ako nagulat nang mamukhaan ang babaeng nasa lamesa. Ngumiti siya sa akin. "Nice to see you again, Miss Henson." Bati niya. Nag-improve siya dahil noong nasa Japan kami, ngiti lang siya ng ngiti sa akin para iwasan ang marami kong sanang tanong noon.
"Hi. Pleasure to see you again! I'm here to see Mr. Santillan." Ayokong magpaliguy-ligoy. I need to get things done immediately, dahil pakiramdam ko, maso-suffocate ako mamaya sa loob ng opisina ng damuho. Hindi ako pwedeng magtagal duon.
Ngumiti agad ang magandang babaeng sekretarya ni Prince. "Please have a seat, Miss Henson. I will inform the CEO."
"Thanks."
BINABASA MO ANG
OPPA SERIES V1 (Book 2): Mr. Perfection [COMPLETED]
ChickLitFirst Love never dies. STARTED: 2April2020 FINISHED: 7April2020 All rights reserved © 2020 Oppa Series 2: Mr. Perfection written by Suzie Kim