💕Chapter Twelve💕

78 6 0
                                    

Nagising akong mugto ang mga mata. Pagtingin ko sa alarm clock sa tabi ng kama ko, alas sais na at padilim na! Hindi man lang ako ginising ni Nanay? Ang sakit tuloy ng sikmura ko. Uhaw na uhaw at gutom na gutom ako.

Twelve hours ako ba naman akong natulog?

Nakakaloka.

Wala namang message pagka-check ko ng phone. First and last message na nga yata iyon ni Prince sa akin kaya mas lalo akong nalungkot dahil duon. After a few minutes, naalala kong pinayagan ako ni Prince na um-absent kaya ngayong araw, no Prince allowed muna. Bukas ko na siya po-problemahin.

Bumaba na ako at dumiretso ako sa CR para magtoothbrush. Iyon ang una kong ginagawa pagkagising habang nagha-hum ng random song na minsan kong napapakinggan. Nakatitig ako sa salamin habang laban na laban sa pagkuskos ng ngipin ko nang may biglang kumaluskos malapit sa inodoro. May tao?

Hindi ko agad napansin kanina nang pumasok ako na nakatakip pala duon ang shower curtain at may nagbabanyo pala. Naisip ko agad si Tatay. Siya lang naman sa aming tatlo ang pala tambay sa banyo. "Tay, ang tahimik mo naman." kantiyaw ko pagkatapos magsipilyo. "Pokus na pokus sa pag-poopoo ah???" natawa ako pero hindi siya nag-react. Nagkibit balikat na lang ako kasi baka naman kailangan niya ng space.

Kapag naroon siya, madalas kasi siyang umiire ng malala, siguro ang dami niyang nakain mula pa kaninang umaga kaya hindi na nakakapag-ingay. O baka naman nakatulog na dahil sa kabusugan? Madalas na ganoon si Tatay, nakakatulog kung saan-saan lalo na kapag busog. At iyon ang matagal na niyang problema kay Nanay, palibhasa kusinera ang nanay ko at sobra talagang masipag magluto. Dahil lumaki naman kaming hindi mahilig kumain ni Ate, si Tatay lang ang palaging biktima ng pagluluto ni Nanay.

Hindi pa rin sumagot ang Tatay ko kaya minabuti kong lumabas na ng CR para makapag-concentrate siya. At ganoon na lang ang panlalaki na mga mata ko nang makitang nakahiga sa sofa ang Tatay ko. Nakabukas ang TV at ang sarap ng tulog niya sa sofa. Naghihilik pa. Habang si Nanay, nasa loob ng kwarto nila at nagbabasa ng pocketbook. Bigla akong natakot. Sino 'yung nasa CR? Sigurado akong may tao duon!

"Nay. Sino 'yung nasa banyo?" histerikal na tanong ko. Lahat yata ng balahibo ko ngayon sa katawan nakatindig. Aba! First time kong maka-encounter ng multo!

"Aysus. Nagulat naman ako sa'yo!" hinubad niya ang salamin sa mata at inilapag ang libro sa bedside table nila. "Hindi ba nakapag-lock si Prince?" tumayo siya at pumunta sa banyo. Sumilip. Habang ako, nakangangang sinundan siya ng tingin. "Prince, may kailangan ka ba? Okay ka lang d'yan?"

P-Prince?

Sino bang sabog dahil nasobrahan sa tulog? Ako ba o si Nanay? Bakit naman papasok sa bahay namin si Prince?

"Opo, okay lang po." Duon ako biglang natauhan. Hindi multo ang nakita ko sa CR.

Pagkasagot nu'n ni Prince, bumalik na si Nanay sa kwarto at nag-ayos ng kama. Parang normal na bagay lang na naroon si Prince. Hindi nga pala nila alam na boss ko na ang kumag. Sinadya kong wag sabihin dahil ayokong magpaliwanag.

Biglang nanlamig ang buong katawan ko. Tama nga ang dinig ko! Si Prince, nasa bahay namin!

Gosh. Anong ginagawa niya dito?

Sumilip din ako sa banyo at nakita ko siyang naghuhugas ng kamay. Hayun ang prinsipe, nakasuot pa rin ng white na long-sleeved polo na may navy vest with tie. Nakatupi lang ng maayos ang long-sleeve niya hanggang siko para hindi iyon mabasa. Nagbanyo siya sa bahay namin nang ganoon ang hitsura niya. Mabuti hindi nabasa ang slacks niya. Nagulat pa siya nang makita akong nakasilip sa kanya.

"Y-You're awake." ang awkward ng pagkakasabi niya. Awkward but cute.

"Bakit hindi ka man lang umimik kanina?" reklamo ko.

OPPA SERIES V1 (Book 2): Mr. Perfection [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon