💕Chapter Seven💕

78 8 0
                                    

Parang gusto kong ibalibag sa kanya ang lahat ng laman ng lamesa pagkatapos i-serve ang mga pagkain ng waitress sa VIP dining room kung nasaan kami ngayon. Obviously, galit ako. Galit na galit. Hindi ko makakalimutan ang paraan ni Ate Florence ng pagtingin sa akin. Para akong isang maduming basurahan na sumalo ng kalat na itinapon ng Ate ko.

Now, it's confirmed. He is definitely using me against my sister.

Tanga lang ang magsasabing hindi.

Aba, hindi naman ako ganoon ka-tanga para hindi ma-realize na ginagawa niya ang lahat nang iyon dahil gusto niyang gumanti sa kapatid ko. Huh. Ang saya saya! Sinasabi ko na nga ba't iyon lang ang dahilan kung bakit niya ako kinuha sa Plum at ni-recruit bilang Account Executive.

Ayoko lang talaga siyang eskandaluhin sa araw na iyon dahil impressed pa rin ako sa bagong office ko. For 2 hours naisip kong baka may natitira pa naman talagang puso si Prince dahil parang naging pabor sa akin ang paglipat ko sa kumpanya niya. Bigla akong umasa na baka na-realize ni Prince na ako ang bagay sa kanya at ginagawa niya lang ang lahat ng ito para mapalapit sa akin. He even invited me for lunch! Oo! Umabot na sa ganoon ang pag-asa ko pero lahat pala ng naiisip ko, kathang-isip lang. At binibiktima ko na naman ang sarili ko sa isang pantasya. Kanina, nang makita ko siya sa labas ng pintuan ng opisina kong bad trip at gutom, parang gusto kong kiligin na hinintay niya talaga ako para lang makasabay niya ako sa pagkain. Tapos, dinala niya lang pala ako sa restaurant kung saan nagtatrabaho ang matalik na kaibigan ng Ate ko? Malamang, habang kumakain kami ngayon, nareport na ni Ate Florence kay Ate Kass ang nakita niya. He planned this to get even. Kailan niya kaya sinimulan ang plano? Baka naman alam niyang ako talaga ang magpe-present sa araw na iyon nang muli kaming magkita sa Japan? O baka nga siya ang nag-request kay Vic na ako ang ialay para masimulan na niya ang paghihiganti.

Alam kong si Ate ang nagloko sa relationship nila at deserve niya ang masaktan pero bakit ako ang dapat na accessory? Oo kasalanan ko ring hindi si Princess ang nabuhay pero dapat ba talaga niyang gawin 'to? Gusto kong maiyak pero hindi ko siya bibigyan ng satisfaction na makita akong umiiyak. I'll cry later. Sa ngayon, magagalit lang ako sa kanya.

Pakiramdam ko, hindi ako matutunawan at kanina ko pa ipinararamdam kay Prince na hindi ako natutuwa sa ginawa niya. Ni hindi ko ginagalaw ang mga pagkaing nasa harap ko pero hindi niya pinansing hindi ako kumain. Mukhang inaasahan na niya iyon.

"Are you okay?" ang kapal ng mukha niyang tanungin ako nang makabalik kami sa kotse niya.

I sarcastically smiled at him. "Boss, are you trying to use me? By the looks of it, mukhang oo."

He looked the other way. "Bahala ka kung ano ang gusto mong isipin."

"So, totoo. In-employ mo ako para i-date at ipangalandakan sa mga kakilala niyo ni Ate na may something sa atin, ganoon ba?" I said all that in one breath.

"What if I say yes? Are you okay with it?" how can he be so cruel?

"Why me?!" I bitterly asked.

"Why not?" he used his cold baritone voice again.

"Ano bang gagawin ko para mapatawad mo ako? Should I die too?"

He brushed his hands on his face. "No." mariin niyang sabi. "This is not about Princess. I never blamed you for her death!" sigaw niya.

Duon na ako naiyak. "Then why? Why do you have to hurt me like this?"

Hindi siya agad nakasagot. Tinitigan niya lang ako. Matagal bago siya nagsalita. "To make it less painful, why don't you just consider this as my way of asking you out on a real date?"

"Ano? Asking me out mo mukha mo! Akala mo yata eight years old pa rin akong tatanga-tanga na in love sa'yo. Hoy, Santillan. Para sabihin ko sa'yo naka-move on na ako, okay? Nung magpropose ka pa lang kay Ate naka-move on na ako!"

OPPA SERIES V1 (Book 2): Mr. Perfection [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon