Hindi na ako naihatid ni Prince sa airport dahil may conference siyang pinuntahan sa Tagaytay pero nangako siyang tatawag pagka-check-in niya sa hotel. Hanggang ngayon, hindi pa rin mahilig sa online or mobile communication ang nobyo ko. Mas gusto niya iyong nagkikita kami ng personal. At dahil gusto niyang masigurong ligtas akong makakaalis, si Grace at Mason ang pinakiusapan niyang maghatid sa akin.
"Mami-miss kita." sabi ni Grace habang hawak ang kamay ko.
"Ako din. Ingat kayo ni Mason papuntang Tagaytay ha."
"Oo. Wag kang mag-alala. Siya nga pala. Hindi ko sure kung makakatulong 'to pero," saglit niyang nilingon si Mason na mukhang abala naman sa kausap sa cellphone na hula ko ay si Prince. "Ang weird kasi ng mga pinahahanap sa akin ni Boss lately. Tungkol sa Ate mo."
Bigla akong dinagsa ng takot nang marinig iyon. Pero hindi ako nagsalita. Hindi ko pinahalata.
"Na-meet ko kasi once yung common friends nila ng Ate mo pati ni Mason. Ang pagkakaintindi ko, na-misunderstood lang ang Ate mo at ang tunay na reason kung bakit niya iniwan si Sir ay ikaw. Hindi ko kasi alam kung i-oopen niya sayo yung totoo kaya kung ang balak mo talaga e yung magkaroon ng closure, sa tingin ko, dapat mong alamin 'yun. Ikaw kasi ang sinisisi ng mga kaibigan ng Ate mo e." hindi alam ni Grace ang mga nangyari sa naudlot na kasal ng kapatid ko at ni Prince, pero nakuha ng sinabi niya ang interest ko. Hindi ko naman nilihim kay Grace ang purpose ng pag-alis ko kaya naa-appreciate ko ang sinabi niya. "Ayaw sana 'yung ipasabi ni Boss dahil alam niyang masasaktan ka pero kailangan mong malaman ang totoo."
"Thank you. Sinong kaibigan ni Ate ang nagsabi?"
"Anne ba? Nakalimutan ko yung pangalan niya. Anne yata or Anna."
Bigla kong naalala si Annie. Tumango ako. "Kailan to? Bakit sinabi nila sayo?"
"Kay Sir niya sinabi na-"
"Keigh, kakausapin ka daw ni Prince." hindi na naituloy ni Grace ang sasabihin niya nang lumapit si Mason para ibigay sa akin ang cellphone niya. Ang daming paalala ng nobyo ko at nangako pa siyang susunduin ako duon after 2 weeks.
"Opo, naiintindihan ko." sagot ko sa mga sinabi niya. "See you in 2 weeks."
"See you, baby. I love you."
Ibinalik ko na ang cellphone kay Mason at eksaktong in-announce na sa buong airport na pinapapasok na ang ang mga pasahero ng eroplanong nasa ticket ko. Mas lalo akong kinabahan pero at least, may ideya ako kung paano ko ba maaayos ang gusot namin ni Ate. Siguradong makakatulong nga sa akin ang sinabi ni Grace.
CANADA 2020
Dumiretso ako sa apartment na address ni Ate sa mga package na pinadadala niya. Naabutan ko siyang umiinom sa loob ng bahay niya nang makarating ako duon galing sa airport. Hindi niya talaga ako sinundo pero hindi na ako nagdamdam.
Mabilis ko siyang sinugod ng yakap. "Ate." pero mukhang hindi siya natuwa sa pagkikita naming muli. At sa hitsura niya mukhang nasabi na ni Nanay sa kanya ang pagpunta ko duon. Napaatras na lang ako.
Tahimik na nagsalin lang siya ng alak sa baso saka tinungga. "Ang sabi ko kay Nanay, wala akong pakialam kung kayo na. Hindi ka ba pinigilan ni Tatay na umalis?"
"Ate, hindi lang naman si Prince ang dahilan kung bakit gusto kitang makausap at makasama. Magkapatid tayo. Gusto kong maayos na natin to kasi malalaki na tayo. Baka naman pwede na nating kalimutan 'yung mga hindi natin pagkakaunawaan noon?"
Ngumisi siya na parang nairita sa sinabi ko.
Pinilit ko pa ring pagaangin ang usapan kaya nagtanong ako. "Ang boyfriend mo? Kung dito din siya nakatira, pwede naman akong umupa pansamantala sa malapit." nagulat na lang ako nang tumayo siya para buhusan ako ng alak.
BINABASA MO ANG
OPPA SERIES V1 (Book 2): Mr. Perfection [COMPLETED]
ChickLitFirst Love never dies. STARTED: 2April2020 FINISHED: 7April2020 All rights reserved © 2020 Oppa Series 2: Mr. Perfection written by Suzie Kim