CANADA 2020
Hindi na ako nag-aksaya ng oras pagkatapos kong makatanggap ng tawag mula sa Ate kaninang umaga. Dumiretso agad ako sa bahay niya. Gabi na iyon at ginamit ko ang oras ko kanina para bilhan siya ng regalo. Ipinagluto ko pa siya ng paborito niyang adobo.
Masayang masaya na ako nang tawagan ako ni Ate at pinabalik sa bahay niya ngayong gabi kaya naman nasugod ko ulit siya ng yakap.
Hinayaan niya lang ako sa pagkakataong ito nang halos isang minuto ko siyang yakapin. Kaya hindi na sumama ang loob ko nang itinulak niya ako palayo. "Hindi kita pinapunta dito para makipag-ayos sayo. Hindi na mababago ang relasyon nating dalawa kahit gaano pa kalaki ang effort na gawin mo, okay?" now she put a period on it.
Nakangiting tumango ako. But I demanded for a reason. "Can you at least tell me why? Para matanggap ko kung bakit. Para hindi na kita kulitin."
She laughed and looked at me like I was the most annoying person in her eyes. "Kaya kita pinapunta dito para sabihin sa'yo ang lahat. Lahat ng gusto mong malaman and I am expecting to never see you again after this kaya makinig kang mabuti."
I texted Grace last night about the thing she wants to tell me when I am leaving the airport. Iyong naudlot naming usapan ay tungkol pala sa araw bago ang kasal ni Ate.
At hindi ako impokrita para itanggi iyon.
Hinalikan ko nga si Prince nang natutulog siya.
I went there on day of their wedding. Nagdesisyon ako noong magpaalam. Ang sabi ko sa sarili ko, magpapaalam lang ako, pero natukso akong halikan siya nang maabutan ko siyang natutulog sa tabi ng swimming pool sa mansion nila. Hindi siya nagising. Pagkatapos noon, umalis na agad ako. Ni hindi ko na sinabi sa bahay na umuwi ako.
Binalak kong umamin na noon kay Prince para lang masabi kong wala akong dapat pagsisihan kapag hinayaan ko siyang makasal sa kapatid ko, pero hindi ko na yun nagawa. Para bang nawalan na rin ako nang lakas ng loob lalo na nang maisip ko ang Ate ko. Hindi ko kayang sirain ang kasal niya.
I left home without saying a word. Kagabi, hindi ko na nagawang tumawag ulit kay Prince dahil sa hiya pagkatapos kong marinig iyon kay Grace. Kung iyon talaga ang dahilan kung bakit siya iniwan ng Ate ko, ibig sabihin, kasalanan ko kung bakit hindi sila nagkatuluyan. Kasalanan kong naging miserable siya at malungkot ng maraming taon.
Inagaw ko sa kanila ni Ate ang happy ever after nila pati ang buhay sana ng mga batang magiging anak nila.
Wala kong ibang maramdaman ngayon kung hindi hiya. Kaya tatanggapin ko ang lahat ng sasabihin niya.
"Ang pinakamalaking kasalanan mo sa akin ay yung nabuhay ka pa." pagsisimula niya. Pakiramdam ko, bagay lang sa akin ang lahat ng sinasabi niya. Hindi simpleng away magkapatid ang meron kami. Sinong Ate ang gugustuhin na mawala ang kapatid niya? Siya lang ang narinig kong ganoon. Hinayaan ko siyang magpatuloy. Dahil alam ko kung saan siya nanggagaling. "Anak ka ng dating kasambahay nila Nanay at Tatay. Ni hindi kita kadugo pero kinupkop ka ng mga magulang ko dahil sa awa. Awang-awa ang lahat sa'yo. Kawawa ka naman daw dahil sanggol pa lang nang naulila. Pati Lolo at Lola ko, halos umiyak nang malaman nilang ang Nanay mong pokpok, namatay. Iniwan kang mag-isa at dahil ayaw kang tanggapin ng Tatay mo, wala kaming magagawa kundi ang ampunin ka." bawat salita niya may diin. Parang sinasaksak ako ng literal sa puso. "Ayoko na sa'yo sa umpisa pa lang. Una, dahil hinaharot ng Nanay mo ang Tatay ko at pangalawa, dahil mang-aagaw ka. Attention seeker at pabiktima. Bata ka pa lang, ganoon ka na. Kaya nga ikaw ang sinama nila Nanay sa Baguio nung magkaroon sila ng trabaho duon. Ikaw ang isinama nila dahil hindi ka raw makakatulog sa gabi kung wala silang dalawa. Feeling mo ikaw lang ang anak."
BINABASA MO ANG
OPPA SERIES V1 (Book 2): Mr. Perfection [COMPLETED]
ChickLitFirst Love never dies. STARTED: 2April2020 FINISHED: 7April2020 All rights reserved © 2020 Oppa Series 2: Mr. Perfection written by Suzie Kim