CHAPTER 1

14 1 0
                                    

Nagpalakpakan lahat ng bumaba si Arleth mula sa platform. Katatapos lamang ng last shooting niya ngayon dahil punong puno ang schedule nya nitong nagdaang buwan. Hanga ang lahat sa ipinakita nitong galing sa entablado dahil kung anong gusto nilang emosyon ay agad nitong naiibigay ngunit pagbaba nito ay balik ito sa walang emosyong babae.

Kilala siya bilang Ae (ey) ng lahat. Sikat na sikat sya dahil sa taglay nitong ganda na hindi mo pagsasawaan. With her beautiful eyes that can express different emotions in a split of seconds. Her pointed nose, heart shaped thin lips and her soft and smooth skin. Napakaperpekto ng lahat sakanya ngunit wala itong emosyon at walang buhay kapag kausap. Mapapahanga ka sa kanya kapag tumungtong na siya sa entablado. She's the most famous and successful model now in New York. Madaming nag-aagawang kompanya sa kanya kaya mahal na mahal siya ng manager at bestfriend niya.

"Good job, Ae."Sinalubong siya ni Manager G at inabutan ng tubig. Pagdating niya sa dressing room ay humiga siya sa sofa at pumikit.

"I want to eat." bulong niya. Kumukulo na ang tiyan niya.

"What do you want?" tanong ng bestfriend/make-up artist niya na nag-aayos na ng gamit nila, si Kelly.

"Anything."bulong niya.

"Sa wakas tapos na ang delibyo natin!" sigaw ni Manager G. at naglabasan na sila.

"Ae let's go. Nasa sasakyan na sila." hinila ni Kelly si Ae papunta sa sasakyan dahil alam niyang gutom na ito. Kakain sila ngayon sa isang restaurant kung saan sila lagi kumakain.

As usual laging may ice cream na dessert si Ae at alam yun ng bestfriend at manager niya. It cools her mouth and brain. Hindi na niya alam ang gagawin sa kondisyon niya. Kain lang siya ng kain pero walang silbi ang sarap ng bawat pagkain sa kanya.

Nakatitig lamang si Ae sa ice cream na nasa harap niya. Tahimik lamang siya habang nagkukwentuhan ang nasa paligid nya. Walang emosyon ang mga mata nitong kulay itim na itim. Napalingon siya sa paligid nang may parang nakatingin sa kanya. Isang lalaki na nakaitim na bigla na lamang lumabas ng restaurant.

Halos kalahati na ang nauubos nya sa ice cream ng sumama ang pakiramdam niya niya.

"Ae are you okay?" tanong ng manager nito at inabutan ng tubig ngunit nangangatal ang kamay nito kaya hindi siya makainom.

"I-I need to....mm."tinakpan ni Ae ang bibig niya at tumakbo papuntang CR.

Halos hindi na siya makatayo ng ayos ng makasuka siya. Sobrang sama ng pakiramdam niya kaya nakapit siya sa pader upang makalabas ng restroom. Bigla na lamang nanlabo ang paningin niya at napaupo sa sahig.

"Miss are you okay?" Napatingin siya sa lalaking pumantay sa kanya.

His baritone voice.

Napahawak siya sa balikat nito ng umikot muli ang paningin niya. "Help me." Napatingin naman ang lalaki sa napakaganda nitong mukha.

She's pale but still beautiul.

Binuhat niya ito palabas kaya nagkagulo ang mga crew ng restaurant at naglapitan.

"O.M.G Ae!!" Sigaw ng manager nito at lumapit.

"What happened Ae?" Napahawak sa bibig si Kelly ng makitang sobrang putla nito. Dinala naman agad ng lalaki si Ae sa sasakyang itinuro ni manager G.

Ng madala sa hospital si Ae ay agad namang kumalat ang balita. Hindi mapigilan ni Manager G na mag-alala dahil sobrang tagal lumabas ng resulta ni Ae. Napakadaming media sa labas ng hospital at naghihintay sa balita kung anong kondisyon ni Ae at sinong may gawa nito.

MY TASTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon