CHAPTER 3

5 1 0
                                    

Present..

Pagdating ni Ae at Kelly sa condo ay agad namang nataranta si Manager G ng makitang halos hindi makaibo si Ae. May bahid pa ng luha ang pisngi nito at nagbabadya pang umiyak. Pinaupo ni Kelly si Ae sa sofa at hinagod ang likod.

"What happenend, Kelly?.Hindi mo naman siguro inaway 'to?"lumapit si manager at hinawakan ng kamay nito na nangangatal.

"Hindi ko siya inaway! Palabas na kami kanina ng mall ng bigla nya akong hinila kung saan saan tapos lumabas din naman kami. Nangangatal siya kanina pa at takot na takot." Lumuhod si Kelly sa harap ni Ae at nag-aalalang pinunasan ang tumulong luha na naman. "Sabi mo kanina 'He's here!'. Sino bang nakita mo, Ae? Takot na takot ka? May hindi ka ba sinasabi sa amin?" Mahinahon na tanong ni Kelly.

Mula sa pagkatulala ay pumikit si Ae at muling mumulat at tumingin kay Kelly.

"It's.... my..." nagsimula na muling lumuha ang mata nito ngunit wala silang naririnig na kahit ano. Tila sanay na ito sa napakapamilyar na sakit. "....d-darkest past."

Nakaramdam sila ng pagkaawa sa kaibigan. Halos nanginginig na ito sa ilang salitang binitawan. Na parang sobrang bigat ng nakaraan para magsalita ngayon. Hindi nila alam ng nangyari dito noon dahil hindi naman ito palakwento. Naramdaman nila na hindi maganda ang lagay ni Ae ngayon kaya pinatulog muna nila ito.

"She will talk when she's ready." Kinumutan ni manager si Ae at pinagpahinga na nila ito.

Hindi napanatag si Kelly kaya nagpaiwan siya sa condo ni Ae at doon na natulog sa kabilang kwarto. Sobrang nag-aalala siya sa kaibigan. Sobrang daming tanong sa utak niya ngayon kaya hindi siya makatulog. Sino ba ang kinatatakutan niya? Anong nangyari sa kanya dati? Bakit hindi niya kinwento noon? Pero walang makakasagot sakanya kundi si Ae lang. Siguro ay may mga bagay talaga na hindi pwedeng sabihin kahit sa kaibigan. Ngunit may isang tanong na lalo nyang ikinabahala. Nasaan ang pamilya nito? Wala itong nababanggit sakanila simula noon.

Kinaumagahan ay nagluto na si Kelly ng umagahan. Alas nuwebe na nagising si Ae at halata dito ang lungkot ngayon. Kaya naisip nyang magpatugtog muna dahil sobrang tahimik.

"KELLY ANG INGAY!!!!" napaikot ang mata ni Kelly dahil doon at pinatay ang music sa phone nya.

"Luto na ang agahan, let's eat!!" Kumain na sila at mahahalata sa dalawa na gustong gusto na nilang tanungin si Ae pero halata dito na wala ito sa mood. Kahit lagi naman itong wala sa mood.

Naghanda na sila para sa shooting ni Ae. Nakasuot lamang ito ng crop top dress na kulay black na lalong nagpalitaw sa puti ng kutis nito. Mapapalingon ka talaga kapag natanaw mo sya.

Pagdating nila sa resort ay medyo madaming tao. Naisip ni Ae na baka hindi ipinasara ang resort kaya ganoon. Pinayungan siya ni Kelly habang sinusundan lamang si Manager G. Nagpunta na sila sa tabing dagat at may sumalubong sa kanila na hindi nya naman pinagtuunan ng pansin.

Nakita nya na may iba pang modelo na kasama, mga babae at lalaki. Napatingin naman lahat sakanya ng dumating sila. Ang iba ay bumabati at ngumingiti pero ang iba ay nakatulala lang. Walang siyang pinagtuunan ng pansin dahil napatingin lamang siya sa dagat na nasisikatan ng araw. Napakaganda nitong pagmasdan kaya siguro dito ang shooting. Ang puting buhangin na pumapasok sa paa niya dahil naka-flat sandals lang siya. Guminhawa ang pakiramdam niya dahil sa napakagandang karagatan.

Nag-umpisa na ang shooting, individual muna pero mamaya ay may partner na at may maramihan din. They introduce their names pero wala akong natandaan ni isa. I don't even ask for it.

"She's a bitch!! akala mo naman sobrang ganda!" rinig ko sa isang babae na model habang nasa tent kami at nagbreak.

"Brianna just accept it. She's really beautiful." sabi ng isang lalaki. Uminom ako ng tubig at kinagatan ang isang apple. Nakaupo lamang ako a harap ng isang salamin habang tinitingnan ang mga kuha kong picture sa cellphone noong nagexhibit si Sole.

MY TASTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon