Pagkagising ko pumunta ako sa suit at nakita ko si manager doon. May trendmill kasi dito kaya ko naisipan na bumisita. Mainit sa labas kapag nag jogging ako, masunog pa ako.
"May meeting daw si Mr. Ferrer sa umaga until 11 kaya before 12 dapat nasa kompanya ka na." paliwanag ni Manager G habang takbo lang ko ng takbo.
Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari noong nakaraan. I'm sure alam na ni Dominic na nandito na ako sa Pilipinas. I hate to admit it, but I'm afraid. Natatakot ako sa muli naming pagkikita. Si mommy ngayon ang nagaasikaso sa kompanyang iniwan ni daddy. I think she's doing great. Maaaring nakalimutan na niya ako dahil sa loob ng limang taon, hindi nya ako kinokontak man lang. Only Trex have the guts to ask me if I'm fine. Siya na lang ang taong natitira sakin.
20 minutes ay tumigil na ako at nagpahinga. Bumaba na kami ni manager sa condo ko at kumain na kaming tatlo.
"Saan kayo pupunta mamaya?" nagkatinginan naman silang dalawa.
"Kasama ko si Caroline. Hindi daw siya satisfied nitong last naming pagkikita." paliwanag ni Manager.
"Magpapagupit ako at spa. Kailangan ko ding magpaganda no!!" napangiti naman ako. She's already beautiful, ayaw niya lang aminin.
Nagsuot ako ng isang one shoulder dress na white above the knee, bigay ito akin ng isang designer sa New York. Nahilig ako sa dress dahil narin sa pagmomodel. Nagsuot ako ng isang black shades. Nakalugay lang ang black na wavy kong buhok. Sinuot ko ang favorite kong neck lace na butterfly ang pendant. It means a lot for me simula ng umalis ako ng Pilipinas.
Pagbaba ko ng Van nakita ko ang napakagandang building. Napakataas noon at napakaganda ng disenyo. I graduated Architecture pero pagmomodelo ang pinasok ko. Should I persue it? Napakaganda ng disenyo ng building napupuno ng halaman ang paligid.
Pagpasok ko sa loob agad akong nagtanong sa front desk. Tiningnan pa ako ng babae mula ulo hanggang paa. Inalis ko ang shades ko at nilagay sa maliit kong shoulder bag.
"Yes, Ma'am?" ngumiti ito at kinikilala pa ako.
"Meeting with Mr. Ferrer." tamad ko itong tiningnan at nataranta naman agad ito ng marinig ang pangalan ni Mr. Ferrer. May binuklat ito na notebook sa harapan niya.
"Ma'am sa 25th floor po." Umalis na ako pag-karinig ko noon. Habang nasa elevator ako ay may mga nakasabay akong tingin ng tingin sakin na hindi ko naman pinansin.
I'm used to it. Being beautiful is a must. Yun naman talaga ang nakikita agad ng tao, ang pisikal na anyo. I'm just lucky that I'm one of those people na biniyayaan ng nasa taas. Maraming naghahangad ng buhay na ganito. Mayaman, sikat, maganda at perpektong buhay. They didn't know what my true life is. My life before this. I'm afraid na malaman nila balang araw. My life isn't perfect like they know. It's full of darkness for me.
Nabalik ako sa sarili ko ng naglabasan ang mga kasama ko. It's 24th floor na at mukhang dito maraming nagtatrabaho. Pagbukas ng elevator sa 25th ay lumabas ako at may sumalubong agad sakin na lalaki. Siya yung nagbigay ng document sakin nung nasa hospital ako.
Butler Gin.
Basa ko sa Name plate nya.
"This way, Miss." nauna siya para ituro ang daan. Walang ni isang tao akong nakasalubong at ng nasa tapat na kami ng double door ay tumigil siya.
"Mr. Ferrer will be here in five minutes. Maghintay na lang po kayo sa loob." pinagbuksan nya ako ng pinto at pumasok na ako.
Halos mapanganga ako sa ganda ng interior design ng kwarto. Una kong nakita ay sofa na magkatapatan at center table na may kakaibang bulaklak sa ibabaw. Napatingin ako sa elevated na part na may table at sa ibabaw noon ay computer at loptop na nakataob. May mga papeles din sa ibabaw.