CHAPTER 11

0 0 0
                                    

Pagdating ko sa Condo sinabi ko ang nangyari kina Manager G at Kelly. They became histerical ng malaman na nameet ko ang ina ni Drix.

"Really?!!" sabay nilang tanong at nagkatinginan sabay nagtatalon.

"O.M.G!! Is it real?!! Meet the mother agad-agad!!" nag-titili si Kelly at yakap yakap ang isang throw pillow.

"So.. ano? Tanggap ka ba? Mabait ba ang ina niya? Anong sabi sayo? Sigurado naman na tanggap ka agad dahil hindi ako makakapayag na hindi." napailing na lang ako sa kanila. Hindi nila ako tinigilan hanggang sinabi ko na nakakalasa na muli ako. Lahat kami nagtataka kung anong nangyayari sa akin.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at kausap si Drix.

"I already told Jendry about what happened to your taste. He said he'll do everything." tungon niya mula sa telepono.

"That's good to hear." natahimik kami parehas. "Aren't you busy?" Naririnig ko  ang pagtipa niya sa keyboard ng loptop niya.

"I'm working now." He said in a matter of fact.

"While talking to me?" nagmamangha kong tanong. "Yes." tugon nito.

"Multi-tasking. Pinapahanga mo ako masyado." narinig ko ang mumunting halakhak niya sa kabila.

"Do I still need it?" napangiti ako dahil hindi na niya kailangang pang pahangain ako. He's more than enough.

"Mmm.. bakit parang wala akong schedule ngayong week?" tanong ko sa kanya. Ilang minuto bago siya sumagot.

"I'm sorry. Actually...

..Ara is very persistent in you being her own model. Your company is under my Entertainment so I'm working my ass para makuha ka even though it's under my power madami parin kailangan ayusin. Are you mad? I can decline it I'm so sorry." rinig ko ang lungkot sa boses niya. Although nabigla ako pero ayos lang naman.

"No. It's okay. Pero... how about Manager and Kelly?" nag-aalala kong tanong.

"They already know and I'm also working for it. Siya padin ang manager mo but you will be under Ara. Baby.... I will be your boss." may bahid ng biro ang boses nito sa huling sinabi.

"Mmm.. that's great. Boss." narinig ko ang halakhak niya. Ang sarap pakinggan noon.

"Then we'll good. You should sleep early. Good night, Arleth." napangiti ako dahil sa tawag niya sakin. Siya lang kasi ang natawag sakin ng Arleth, kadalasan ay Ae ang tawag sakin.

"Good night."

Pumikit na ako pagkatapos ng tawag niya. Naisip ko na naman ang problema ko. Ano ba talagang nagyayari sakin? Ano bang nagti-trigger sa panlasa ko at bumabalik? Pilit kong inalala ang nangyari sa bahay ni Drix. Then, pumasok sa isip ko ang kiss na yun. Napatakip ako ng mukha sa hiya kahit wala namang nakakakita sa akin. Then lalo na yung nangyari kanina sa office niya.

"Damn!! Nakakahiya!!"

Kiss..

Bigla kong naisip ang isang bagay.

Is it possible?

No.. imposible yun.

Hindi ko alam nakatulog na ako sa pag-iisip. Nagising na lang ako dahil sa isang mahigpit na yakap.

"Wake up Ae." napamulat ako dahil narinig ko ang boses ng kapatid ko.

"Trex? What are you doing here?" Amoy ko ang manly nitong pamango at bihis na bihis.

"You forgot." malungkot na sabi nito.

"Alin? " umalis ako sa kama at nagtatakbo sa CR para magtooth brush. Pagbalik ko ay nagsuklay ako. "Ano bang nalimutan ko? Don't make that face, it's disgusting." biro ko sa kanya kahit gwapo parin siya sa nakabusangot na mukha.

MY TASTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon