Chapter 6

2 1 0
                                    

Namamangha talaga ako sa desenyo ng building ng mga Ferrer. It really looks beautiful and modern. Even a simple person na hindi architect or engineer ay hahanga sa ganda nito.

Pumasok na ako sa loob ng building kasama sina Manager at Kelly. Ngayon ang umpisa ng kontrata ko. May babaeng nagturo samin kung saan kami pupunta.

I'm excited to model their cosmetics!

Naglaho bigla ang excitement ko ng makita ko ang nasa harap ko.

????

"You are going to be the main model of this runway."excited na bulong ni Kelly.

"What?"

Sh*t!!! hindi ko nga pala binasa g kontrata!! Badtrip! Akala ko talaga sa cosmetics ako ngayon. Naimagine ko pa naman ang mga lipstics nila. Parang naging puso ang mata ko sa naiisip. Their cosmetics are super expensive!!

Nandito kami sa likod at makikita lahat ng design ng damit. Nakita ko din ang ibang model na babae na hindi ko naman pinansin.

"Good morning Mr. Ferrer!" bati ni manager G.

Napatingin naman ako sa pares ng mata na nakatingin din sakin. He's here. Napakaseryoso nito kahit nakangiti si Manager.

"This is Ara Bella Ferrer my sister. She's the designer of our clothing line." tumingin agad sakin ang babae na may straight na buhok na hanggang balikat, round eyes, cute pink lips and white skin. I really like her fashion!! Tinitigan ko ang suot nitong fitted dress na kulay black na medyo kita ang tiyan. With her black stiletto. Dagdagan mo pa ng necklace, earings and bangles.

"Nice to meet you Ae!!" Ilalahad ko sana ang kamay ko pero niyakap niya ako. Nagulat ako sa ginawa niya kaya binalik ko na lang ang yakap ko.

"Nice to meet you too." bulong ko at napangiti ng konti. Medyo humigpit ang yakap niya pero may biglang humila sakin.

"She can't breath, Ara!" hinila pala ako ni Drix na ikinagulat nina manager halos napasubsob ako sa dibdib niya. Hindi ko na lang pinansin at ngumiti kay Ara.

Napansin ko ang tingin ng ibang model sa direksyon namin. Buti na lang hinila ako ni Ara kung saan at pinakita niya ang mga design niya.

"I really love your design." komento ko.

"Really? You know my design?" humarap ako sa kanya at tumango. "It's unique in different way."

"Thank you! you know I always make sure that each clothes are different. It pressures me a lot lalo na dahil napakalawak na ng business namin. Tapos si kuya nakakapressure lalo. Tatanda na ata yun sa pagtatrabaho e!" napangiti ako sa sinabi niya.

"By the way ikaw ba yung kasama nya kahapon? Yung yakap ni kuya?" takang tanong niya kaya napalingon ako sa kanya.

"Mmm.... yes."

"Omo!! This is first time!! Ngayon lang siya nakita na may kasamang babae!! Pero paano kayo nagkakakilala?" napangiwi ako sa ideya na kung paano kami nagkakilala. It's lame.

"He helps me one time in New York."napatango naman siya at umupo kami sa tabi.

"Help? He never did something for others ever. This is new isn't it?" tinitigan niya ako ng matagal.

"I want you to be my si---"

"Ara you should start." napatingin kami sa nagsalita, kuya niya. Napatingin ito sakin na parang may sinusuri.

"Okay! Iwan ko muna kayo. Kuya ibalik mo agad si Ae ha? Kailangan na siyang ayusan." tumakbo si Ara paalis at naiwan kaming dalawa. Napatingin naman ako sa kanya.

MY TASTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon