Sa isang white space may nag-iisang bolang liwanag na naka standby sa gitna nito. Hinihintay ng liwanag na ito ang hatol sa kanya ng mga higher ups sa nagawang kamalian. Ika-203 na niyang Host yun at hindi niya pa na guide ng mabuti kaya nawasak nito ang unang mundo na inassign dito kaya ang nangyari na obliterate ang 'presence' ni Host 203 at siya nama'y hinihintay ang kaparusahan niya.
Huhu... kasalanan ko ba na mali pala ang naibagay na detalye sa aking patungkol sa male lead... *cries
"2.0! Ikaw nanaman?!" naiiritang sigaw ng isang baritonong boses sa umiiyak na liwanag.
Napalingon naman agad si System 2.0 sa pinanggalingan ng boses na ito. Nakita niya agad ang napakagwapong hubog ng isang lalaki, may itim na itim na clean cut na buhok, nakasalubong ang pares nitong kilay, mahabang pilik-mata sa naiinis nitong kulay itim na mga mata, maputi ito, may matangos na ilong at kissable lips na mapupula. Kung hindi lamang ito isang upgraded system baka isa na rin itong male protagonist sa mga mundo na kanilang kinakaabalahan.
Ang gwapong binatang ito ay si 00 o kilala bilang tagapagbigay ng hatol sa mga system na nakalabag ng batas o nakagawa ng mali sa kanilang assigned mission.
"Eh... Sir Zero, hehe. Ikaw pala yan---" biglang naputol ang greetings ni System 2.0 nang binato siya nito ng dalang papel. Napahawak naman si 2.0 sakanyang imaginary na ulo dahil ito raw ang natamaan.
Si 00 o Zero ay isa sa kanilang higher ups na maliban sa magparusa sa 'makukulit' na systems, kabilang rin siya sa tagabantay sa mga mundo at tagatalaga ng mission sa mga 'captured presence'. Dahil isa siyang upgraded system kaya may sarili itong katawan kaya ang mga katulad ni 2.0 ay gusto ng maka level up para magkaroon rin siya ng kanyang sariling katawan at mas mapadali ang pag-iinteract niya sakanyang assigned host.
"Pinapalampas ko ang nangyari ngayon ngunit huli mo na ito kapag magkakamali ka pa, hindi ka na pwedeng maging agent system kaya ayusin mo ang panghuling ibibigay ko sa iyong tsansa," litanya nito ng seryoso kay System 2.0.
"At 'yang ibinato ko sa iyo ay yan ang bago mong host kaya ayusin mo o buburahin na kita dito," galit nitong saad at nagmarcha na palabas ng white space.
Buburahin na kita dito...
Buburahin na kita dito...
Buburahin na kita dito...
Parang sirang-plaka na paulit-ulit 'yang tumunog sa imaginary utak ni System 2.0. Kung may mukha lamang ito, makikita mo dito ang pamumutla niya sa narinig nito galing kay Zero.
Di pwede huhuhu. Aayusin ko na talaga...
-----
Sa kabilang dako, matatagpuan mo ang isang babae na may seryosong-seryoso na mukha habang nakapokus ang kanyang buong atensyon sa hawak nitong aklat. May maputi siyang kutis ng balat, medyo singkit ang kanyang mga mata na kulay light brown, matangos na ilong at mapupulang labi habang naka messy bun naman ang makalat nitong itim buhok na parang galing lang sa pagtulog.
Ayan na. Maghahalikan na sila! Sige lapit pa ng kunti. Huwag mong palalampasin ang chance na ito, Seth.
Chant nito sa kanyang isip sa binabasang nobela na kung saan ang pangalan ng mga bida ay si Seth at Innah.
Sige... magha-happy ending na ka---
"Ateeee!" sigaw bigla ng five years old niyang kapatid sakanya na si Eron sa labas ng kanyang kuwarto. May medyo kulot itong itim na buhok at singkit na mga mata at ang batang ito ay may malaking ngiti sa mukha nito na ikinawala ng mga mata nito.
"O sige! Ikaw na lang kaya dito ang magbasa nito para malaman mo ang sitwasyon ko!" naiinis niyang tugon sa kapatid na nasa labas lamang ng pintuan. Binuksan naman ni Eron ang pintuan ng kuwarto at binalingan ito ng inosenteng mga mata nito.
YOU ARE READING
I Transmigrated?! (Taming Worlds Series)
Losowe"Let's conquer the world of novels!" ----- Posible kaya maging totoo ang binabasa mo? Si Airondra Jirona ay isang bookworm, maliban sa mahilig siyang magbasa ng mga encyclopedia, dictionary at iba pang educational na aklat, kinahihiligan niya ring m...