World 1.1

99 4 0
                                    

>> The Male Lead is a Sadist?!

Sa likod ng Imperial University, matatagpuan doon ang napakalawak nilang garden na may mga namumukadkad na rosas. Kahit hindi masyado ginagalaan ng mga students ang parteng ito ay well-maintained naman ng mga assigned na hardinero dito. May iilang puno rin ang nakatirik dito kaya minsan may mga magsisiliparan na ibon na nanggaling sa mga puno.

Habang napaka peaceful ng atmosphere, mahimbing namang natutulog ang isang babae na may maitim na nakatirintas na mga buhok sa ilalim ng shade ng puno. Ang matangos niyang ilong ay biglang dinapuan ng paru-paru na ikinagising ng dalaga.

"Aishhh! Huwag mo nga ako istorbohin, Eron. Maaga pa oh" naiinis niyang sabi habang nakapikit ang mga mata. Iginalaw niya ang kanyang isang kamay upang kunin ang kanyang alarm clock nang bigla lamang siyang huminto sa pagkapa. Ramdam niyang parang hindi ito yung bedsheets niya.

Napakunot ang noo ng dalaga kaya iminulat nito ang mga kulay light brown na mga mata. Walang masyado siyang makita sapagkat medyo blurry ang kanyang paningin. Kumapa siya ulit kaya nahawakan niya ang parang eyeglasses at isinuot ito. Dito niya napagtanto na nasa isang garden siya at ano naman ang ginagawa niya dito?

*Ting

"Hi, Host! Nice to meet you---"

"Ayy... sino ka?! Saan ka? Magpakita ka!" sigaw nito sa gulat. Fortunately, walang tao dito kaya hindi siya mapagkakamalang sirang ulo na kumakausap sa hangin.

"Inhale, exhale, Host. Breathe in, breathe out" saad naman ng boses na hindi mo mawari kung babae ba o lalaki.

Unknowingly, sinunod naman ng dalaga ang sabi nito kaya medyo nakahinga siya ng mabuti sa mga pangyayari.

"So. Before you start asking, ako pala si System 2.0. Ako ang magiging system mo as you will be embarking many worlds at ikaw ang Host 003 ko na gagawa ng mga mission in each of the worlds kaya host---" biglang naputol ang speech ni 2.0 nang sumabat agad ang dalaga.

"Talaga?!" may liwanag sa mga mata nito na ikinagulat ni 2.0, "I transmigrated?" litantya nito sa sarili na medyo hindi makapaniwala.

"To answer you, Host. Yes. Tama ka, you transmigrated," masayang tugon ni 2.0 nang mapagtanto nitong madaling kausap ang bagong host niya.

Pero bigla lamang nawala ang liwanag sa mukha ng dalaga at napalitan ng pagkawari, "Paano ito nangyari? Hindi naman ako namatay... kaya paano ako na transmigrate?"

"Ehh.. sorry, Host. Nakalimutan ko palang sabihin na temporary lamang ito. It's just for a test kaya habang wala ka sa mundo mo hindi maapektuhan nito ang oras doon kaya kung makakabalik ka man ay babalik ka na parang walang nangyari."

"Pero hindi mo pa rin na sagot yung tanong ko" seryoso nitong sabi kaya napalunok na lang si 2.0 ng laway.

"Hehe kasi you are suitable candidate at saka sa aking sinabi hindi maaapektuhan ang oras ng mundo mo sa oras dito"

Napahinto sandali ang dalaga ng may na realize siya sa sinabi nito.

"Makakabalik ka man. Anong ibig mong sabihin nito?!"

Oopss. I sliped. Naisip ng system habang napakamot sa imaginary na ulo nito.

"Ehh kasi kapag ma zero ang points mo ay may posibilidad na hindi ka makakabalik," pahinang-pahina nitong saad habang hinihintay ang backlash ng kanyang host.

"Really?! Sige anong starting points pala?" bigla naman nagliwanag ulit ang mukha nga dalaga kaya guminhawa rin ang hininga ni 2.0.

"5000 points, Host" simple nitong tugon.

I Transmigrated?! (Taming Worlds Series)Where stories live. Discover now