KABANATA UNO

1K 18 4
                                    

Present 3 Abril 2020

"Ma, ayan kasi ang hirap sayo, lagi mong sinasabi na wala akong mararating porket Arts and Design track and kinuha ko" I said.

Ako si Maria Elilliana Castro, isang AADT student ng St. Paul University Manila, ang nanay ko nalang ang aking kasama sapagkat ang aking ama ay pumanaw na at ang aking kapatid naman na si Jose ay may pamilya na.

"Totoo naman eh, sinasayang mo lang ang pang tuition mo. Ni hindi ka nga marunong gumuhit at magpinta ang lakas pa ng loob mong kunin ang track na yan" Mom said.

"Kaya ko nga po ito kinuha sapagkat gusto kong gumaling sa larangan ng pagguhit at pagpinta. Ma, sinusunod ko lang ang kagustuhan niyong ako'y maging isang arkitekto" litanya ko.

Aaminin ko na ayaw ko talaga ang track na kinuha ko sapagkat ang aking gusto ay maging isang doktor sa hinaharap.

"Ayun nga ang gusto namin, ngunit hindi mo ba nakikita? Hindi ka magaling sa larangan na yan". Aaminin ko na kahit ilang beses itong sabihin ni Mama ay nasasaktan pa rin ako.

"Ma, hayaan mo na akong tuparin ang gusto niyo sa akin ni Papa" pigil luha na saad ko at tinalikuran si Mama. Alam ko naman na hindi ako magaling ngunit bakit imbes na palakasin ang loob ko ay lalo lamang nila ako nilalait.

Humiga ako sa kama at nagmuni-muni. Papa, naririnig mo ba ako? Kung oo, gabayan mo ako ah. Alam mo noong pumanaw ka ay parang nawalan ako ng katuwang sa buhay. Alam kong sasabihin mo na andyan si Mama pero bakit ganoon? Hindi niya ako kayang suportahan sa gusto niyong marating ko? Sinakripisyo ko na nga ang aking pangarap na maging doktor-- kinalaunan ay nakatulog ako.

NAGISING si Maria sa isang malakas na hanging umihip sa kanyang kuwarto na mistulang magkakaroon ng bagyo sa lakas nito. Tumayo ang dalaga at akmang isasara ang kanyang bintana nang mayroon siyang nakitang lalaking nakatayo sa malapit sa puno. Tinatanaw niya ito hanggat sa ito'y naglakad palayo.

"S-sandali" mahinang bigkas ni Maria. Nang mapalagay ay kanyang isinara ang kanyang bintana at humiga muli.

"Sino ang lalaking iyon" tanong niya sa kanyang sarili.

"Huwag mo sabihing stalker yun?" Ohno! Mukhang maaga siyang mabubuntis--teka, potek ka Maria, buntis agad?!

"Hays, Maria kung ano-ano ang pinag-iisip mo. Malamang ay hindi ikaw ang tinitignan non. Pero gwapo siya ah yieee" kausap niya sa sarili at nagtakip ng unan sa mukha pagkat siya'y kinikilig.

"Matutulog na nga ulit ako, ay mali, magpipinta nalang muna ako" saad ng dalaga sa kanyang sarili at kinuha ang kanyang paint brush at sinimulang puminta. Ipininta ni Maria ang bahay na kanyang naiisip mula noon.

Kanino kaya ang bahay na iyon? Siguro ayun yung bahay namin ng magiging babe ko sa future" aniya sa kanyang isip.

Pinagpatuloy ni Maria ang kanyang pagpinta hanggang siya'y mapagod at humiga ulit sa kama. Malaking katanungan sa kanya ang bahay na iyon sapagkat hindi nito nilulubayan ang kanyang isip. Malalim ang kanyang iniisip ng siya ay makatulog.

KINAUMAGAHAN ay naghanda na si Maria sa kanyang pagpasok sa eskuwelahan. Pagkapasok niya ay agad niyang ipinresinta ang kanyang ipininta noong isang gabi sapagkat nakalimutan niya na mayroon siyang takdang aralin. Tanga mo self! Nakalimutan mong may takdang aralin ka pala sa jowable na prof mo, madidisappoint si fafa prof niyan, Ani ni Maria sa kanyang isip.

"Very good, Miss Castro, I like your artwork. Go to your seat and for the next one, Arellano" Sabi ng propesor.
Hindi maitago ni Maria ang kanyang ngiti sa sinabi ng propesor niyang jowable.

"Miss Castro?" Ani ng propesor.

"Yes bb? ay anak ng kambing, yes po propesor?" sabi ni Maria na kinakabahan. Shet na malagkit ka self! Anong bb? Baka ibagsak ka niyan huhu terror pa naman yan, sabi niya sa kanyang sarili at hindi makatingin sa kanyang propesor.

"Miss Castro alam mo ba na mukha kang baliw dahil kanina ka pa nakangiti? Kanina pa kita pinapaupo at bakit hanggang ngayon ay nakatayo ka pa rin?" taas kilay na sabi ng propesor. Ay barbie sabi ko na! Sabi ko na barbie eh.

"Pasenya na po barbie. Ay este sir" sagot niya at umupo na.

Nang dapithapon ay ang pagtapos ng klase ni Maria at dali-dali siyang umuwi hawak ang kanyang ipininta na mayroong A+ na grade. Balak niyang ipakita iyon sa kanyang Mama pero bigla itong nahulog sa sahig kung saan saktong may tubig.

"Nakopo! Humulas na yung ipininta ko! Paano ito makikita ni Mama?" ani niya sa kanyang sarili. Bahala na!  Bulong niya sa kanyang isipan at patuloy na siyang umuwi.

THE POSSESSIVE GENERAL (HISTORY FROM THE PAST)Where stories live. Discover now