KABANATA CINCO

321 10 1
                                    


Present, 7 Abril 2020

Ang init! Bes, hindi ko keri, husky ng voice ni fafa Manolo-- huminga ng malalim si Maria at lumayo sa binata.

"Hoy! Mi amore ka dyan. Hindi kita maintindihan at bakit mo naman ako kailangan aber?" takang tanong niya sa binata.

"Sapagkat ikaw ay mahal ko. Gayon ay kailangan kita" Seryosong saad nito. Napatanga si Maria at hindi alam ang kanyang sasabihin. Naghahalong emosyon ng pagkagulat, takot at awa? Awa? Bakit ako makakaramdam ng awa sa isang ito?--

"Mister kung sino ka man, hindi kita kilala at hindi kita mahal. Kaya pwede ba lubayan m-- aray! Nasasaktan ako" daing ng dalaga ng bigla siyang hawakan ng mahigpit ng binata sa kanyang mga braso.

"Sinasagad mo ang aking pasensya binibini, gustuhin ko mang maging mabuti sa iyo ay hindi ko magawa gayong napakatigas ng iyong ulo. Pasensiya na sa aking magagawa binibini" Naiwang naguguluhan si Maria bago dumilim ang kanyang paningin.

Past, ika-9 Setyembre 1890

"Calarina aking mahal, ipinapangako ko sa iyo na kailanman ay hindi tayo maghihiwalay at magsasama tayo hanggang sa ating pagtanda" tinig ng isang binata na labis na sumisinta sa isang dalagang nagngangalang Calarina.

"Pangako Joselito, tatanda tayong magkasama. Walang sinuman ang makahahadlang sa atin pagmamahalan" Sagot ng dalaga.

"Hindi ka kailanman malalayo sa aking piling sapagkat hindi ko iyon papayagan. Susundan kita mapasakabilang buhay. Oras at tadhana man ang maging kalaban" mahinang saad ng binata.

"Wala kang dapat ipangamba aking mahal, hindi ako kailanman aalis sa iyong piling. Oras at tadhana man ang susugpuin" Ani ng dalaga. Pangakong pinanghahawakan ng dalawang pusong labis ang pagmamahal sa isa't isa. Hanggang sa--

"Mga taksil! Ipinapangako kong magbabayad kayo sa ngalan ng pag-ibig. Hindi kailanman sasaya ang inyong magiging pamilyaa--" bang!

Present, 7 Abril 2020

NAPAMULAT si Maria mula sa isang masamang panaginip. Humahangos siyang umupo sa kanyang hinihigaan at inobserbahan ang paligid. Bumukas ang pinto at agad niyang nasilayan ang kanyang Ina.

"Anak, kumusta ka?" tanong ng Ina niya.

"Ma, nasaan ako, nasa nakaraan na ba ako?" tanong niya sa kanyang Ina.

"Hindi pa anak, inuwi ka dito ni Manolo sapagkat hindi pa raw ito ang tamang oras para ikaw ay kuhanin" saad ng ina.

"Kuhanin?" Tanong niya sa kanyang Ina. Ano ako laruan? Naknamputa--

"Nasabi ko na sa iyo hindi ba? Kailangan mong bumalik sa nakaraan upang maisaayos ang lahat" saad ng ina niya.

"Ma, ano po ba ang magiging papel ko doon? Hindi naman ako si Calarina at wala akong balak na magpanggap na siya" naiinis niyang tugon. Like duh? Sa ganda kong ito? For sure lugi siya kung magpapanggap man siyang ito-- saad niya sa kanyang isip.

"Hindi ko alam ang mangyayari doon anak sapagakat wala man ni isa sa ninuno natin ang sumubok na wakasan ito" saad ng kanyang ina.

"Ma, edi hindi nalang din po ako babalik sa nakaraan. Bahala na yung hibang na yun, humanap siya ng kaforever niya dito kahit walang ganun" kay pait niyang saad.

"Hindi maari dahil ikaw ang nakatadhana Maria. Ikaapat sa hanay ng salinlahi ng mga Mercado at hindi mo iyon pwedeng takasan dahil mas matindi pa ang puwedeng maging epekto nito" seryosong saad ng kanyang Ina.

"Nasaan pala si Manolo?" nagtataka niyang tanong dahil bigla na lamang siyang nagising sa kanyang kuwarto at sa pagkakatanda niya ay bigla na lamang siyang nawalan ng malay sa bisig nito.

"Dinala ka muna dito ni Joselito at siya'y umalis na lamang bigla" saad ng kanyang Ina.

"Saan po siya nakatira kung nagmula siya sa nakaraan?" tanong niya sa kanyang Ina. Tinaasan siya ng kilay nito na para bang may mali sa kanyang isinaad.

"Huwag mong sabihing ika'y nag-aalala sa kanya?" taas kilay na katanungan ng Ina niya

"Syempre naman Ina--hindi ako nag-aalala" echos

"Wala namang masama kung ika'y aamin" nang-aasar na sagot ng kanyang Ina. Hindi nalang siya sumagot at nagtalukbong sa kumot niya. Nawala na siya sa mood dahil sobrang dami ang gumugulo sa kanyang isipan. Maya-maya ay nagsalita muli ang kanyang Ina.

"Nakitira siya sa kabilang baryo, 108 ang address ng bahay" sabi ng kanyang Ina at lumabas na ng kanyang kuwarto.

"Pake ko kung saan siya nakatira? As if naman pupuntahan ko siya" nanatiling nakatalukbong si Maria ngunit agad din itong bumangon at ginulo ang kanyang buhok sa pagkalitong kanyang nararamdaman.

"Tama, pupuntahan ko nga siya" saad niya at gumayak upang puntahan ang bahay ng binata.

THE POSSESSIVE GENERAL (HISTORY FROM THE PAST)Where stories live. Discover now