Past, 11 Abril, 1890
"Maria, aking anak, maghanda ka at tayo ay inimbitahan sa palasyo para sa kaarawan ng ating mahal na Heneral Traveda" saad ni Ina.
"Ina, masama po ang aking pakiramdam. Puwede ho ba na ako'y magpahinga na lamang?" Tanong ko sa aking Ina. Hindi naman talaga masama.ang aking pakiramdam ngunit ayaw ko lamang pumupunta sa mga piging lalo na ang makita ang Heneral na iyon. Ewan ko ba kung bakit hindi maganda ang pakiramdam ko sa kanya gayong hindi ko pa naman siya nakikilala--
"Anak, hindi maaari. Nakakahiya naman sapagkat kaibigan ng iyong Ama ang Ama ni Heneral Traveda" paliwanag ng kanyang Ina at mukhang wala naman siyang magagawa kung hindi ang sumang-ayon.
"Sige po Ina, ako po ay maghahanda na" tinatamad nitong saad. Naghanda na si Maria at ang kanyang suot ay isang magarang Baro't Saya na inilikha ng kanyang kaibigang mananahi na si Roselle. Matapos siyang makapag-ayos ay tumungo na siya sa kanyang Ina at umalis para sa piging sa palasyo.
NANG makarating sa palasyo ang pamilyang Castro ay agad sila sinalubong ng mga bisita. Naging abala ang Ama at Ina ni Maria kaya naiwan siyang mag-isa. Tinungo niya ang lamesa kung nasaan ang mga pagkain at pasimpleng kumuha roon.
"Ano ang iyong ginagawa Binibini?" gulat na napalingon si Maria sa kanyang likuran nang may marinig siyang boses ng lalaki.
"Ah-eh, kumakain?" takang tugon ni Maria. Natawa ng mahina ang lalaki at lumapit sa kanya.
"Ngunit hindi pa oras ng kainan Binibini. Isa pa, hindi mo man lang ba ako babatiin?" Tanong ng Ginoo.
"Babatiin?" Taas kilay na tanong ni Maria. Sino ka ba?--"Kaarawan ko ngayon Binibini. Ikaw ay nakakatuwa sapagkat pumupunta ka sa piging na hindi mo kilala ang mga panauhin" naiiling na saad ng binata.
"Pasensya na po Heneral, hindi lamang po ako pala labas ng aming tahanan kaya kukonti lamang ang nakakikilala sa akin" sagot ni Maria na nakayuko ng kaunti upang magbigay galang.
"Dapat lamang ay hindi lumalabas ang Binibining katulad mo" seryosong saad ng Ginoo.
"Ha?" takang tanong ni Maria
"Pasensya na at hindi pa pala ako nakakapagpakilala. Ang pangalan ko ay Joselito Manolo Traveda ang kasalukuyang Heneral ng Las Islas Felipinas" pakilala ng binata kay Maria.
"Ako naman si Maria Elilliana Castro. Ikinagagalak kitang makilala Ginoo" nilahad ni Maria ang kanyang kanang kamay sa binata na siyang nagpakunot ng noo nito. Mabilis na ibinaba ni Maria ang kanyang kamay nang mapagtantong kaharasan ang kanyang ginawa. Saan ko iyon natutunan?-- tanong niya sa kanyang sarili.
"Huwag kang mahiya Binibini, ayos lamang sa akin ang ganyang uri ng pagkilala" inabot nito ang kanyang kamay at hinawakan habang tinitigan siya sa mata. Mabilis na bumitaw si Maria at tumakbo kung saan naroroon ang kanyang mga magulang.
HINGAL na narating ni Maria ang puwesto ng kaniyang mga magulang at ininom ang laman ng baso. Ininda ni Maria ang lasang pait ng kanyang ininom sapagkat siya ay nauuhaw at nahihiya sa nangyari.
"Anak, hindi mo dapat iniinom yan" saad ng kanyang Ama.
"Pasensya na po Ama, ako ay nauhaw lamang" saad niya naman. Pansin niya na medyo nahilo siya sa pag-inom ng kung ano mang tawag sa inumin na iyon. Nagsisimula na ring uminit ang kanyang pakiramdam.
"Anak, ayos ka lamang ba?" alalang tanong ng kanyang Ina. Tumango nalang si Maria kahit na hindi maganda ang kanyang pakiramdam.
"Ina, lalabas po muna ako sapagkat ako'y naiinitan" saad niya sa kanyang Ina.
"Sige, Anak ngunit ikaw ay bumalik agad" saad ng kanyang Ina. Pinilit niyang huwag sumuray sa paglalakad sapagkat mahahalata ito ng kanyang mga magulang.
PAGEWANG-GEWANG na naglalakad si Maria nang siya ay makalabas. Grabe ang nararamdam niyang init sa kanyang katawan at isama mo pa ang hilo. Nararamdaman niyang mahuhulog na siya nang may humigit sa kanyang braso at inalalayan siya.
"Binibini, ano ang nangyayari sa iyo?" tanong ng Ginoo. Inaninag ni Maria ang mukha nang Ginoo at kanyang napagtantong ito ang Heneral.
"Heneral, uyy pre hehe" lasing na tugon ni Maria. Kumunot ang noo ng binata at inamoy ang dalaga.
"Nakainom ka ba Binibini?" Galit na tanong na binata.
"Kaunti lang. Nauuhaw kasi ako hindi ko alam kung ano yung nainom ko" hilong saad niya sa binata.
"Sino ang nagpainom sa iyo? Pinayagan ka ng iyong mga magulang?" Galit na tanong ng Heneral.
"Teka, bakit ka galit? Alam mo tignan mo yun oh, may tala. Hihiling nalang ako ng nobyo para--" pinutol ng binata ang kanyang sasabihin ng bigla siya nitong halikan. Gulat ang naramdaman ng dalaga sa paghalik sa kanya ng Heneral. Bakit ang lambot ng labi mo? Nagiging mahalay na ba ako o sadyang lango lang ako sa alak?--
"Kailan ang kasal?" napabitaw ang dalawa ng magsalita ang Ina ni Maria.
"I-ina mali po ang i-nyong--" pinutol ito ng kanyang Ama."Hindi namin mapapalagpas ang kapusukan ninyong dalawa, kailangan nang maplano ang inyong kasal sa madaling panahon" seryosong tugon ng kanyang Ama. Nagkatinginan ang dalawa habang nakangiti naman ng wagas ang Heneral. Aba'y punyetang 'to, ngiting ngiti pa! Nako po, ayoko pang ikasal---
YOU ARE READING
THE POSSESSIVE GENERAL (HISTORY FROM THE PAST)
Fiksi SejarahMaria Elilliana Castro is a Senior High School student who loves to paint and draw. One time she draw an ancestral house which happened to be her late grandmother's house in the late 1800. Because of that painting, she was brought to another dimensi...