KABANATA TRES

360 10 7
                                    

Present, 5 Abril 2020

"Ma, totoo ang sinasabi ko, nakita ko talaga yung matangkad na morenong lalaki na biglang naglahong parang bula matapos niya akong iligtas" Sambit niya sa Ina na ngayon ay nakaupo sa sala. Naalala rin niya na kamukha ng lalaki ang nakita niya sa bintana noong nakaraang araw.
"At binibini ang itinawag niya sa iyo?" Tanong ng Ina niya

"Opo, paano po nangyari na naglaho nalang siya bigla?" Kinikilabutan na siya sa mga posibleng mangyari. Hindi kaya isang multo ang nilalang na iyon? Pere gwepe siye eh--erase ang pabebe, ano naman ang pakay ng nilalang na iyon dito.

"Siguro ay ito na ang tamang panahon para sabihin sa iyo ang katotohanan ng ating pamilya. Maupo ka" utos ng ina niya na mabilis niyang sinunod sapagkat gusto niyang malaman ang buong katotohanan.

"Ang binatang iyong nakita ay nagngangalang Joselito Manolo Traveda, isang Heneral noong taong 1890. Siya ang kasintahan ng ninuno mo na si Calarina Mercado. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi itinadhana ang dalawang ito at malaking pinsala ang mangyayari kapag sila ay nagkatuluyan. Ayaw nilang maghiwalay ngunit kusang bumita sa kanilang pagmamahalan si Calarina sapagkat may napusuan itong iba at--" hindi pinatapos ni Maria ang sasabihin ng Ina dahil sa kanyang mga narinig.

"Eh ang kapal naman pala ng fes boom boom niya. Ayaw nilang maghiwalay ngunit may isang biglang bibitaw? Mga hangal!" gigil niyang tugon at agad siyang binatukan ng kanyang Ina.

"Maria, ano ang sinabi ko sa iyo? Lagi mong papatapusin ang nagsasalita bago ka umimik" Saad ng Ina na ikinatahimik niya. Ewan niya pero parang ang init ng dugo niya sa lola niya sa tuhod.

"Itutuloy ko na. May napusuan na iba si Calarina at nakipaghiwalay siya sa Heneral. Hindi ito matanggap ni Joselito sapagkat pinanghahawakan niya ang pangako niyang siya ang una't huling iibigin nito. Kaya sa lubos na galit at poot na nanalaytay sa kaniya, isinumpa niya na kung sino ang susunod at ang ikaapat na henerasyon ng pamilyang Mercado ay ito ang ipakakasal sa kaniya sa ayaw man o sa gusto nito, tadhana at oras man ang maging kalaban." saad ng ina. Siya naman ay parang tangang umiiyak dahil sa kuwento.
"At-- bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ng Ina niya.

"Nakakaawa po kasi si Joselito ma, bakit kasi kailangan pang umibig kung hindi rin naman pala ito tatagal hanggang sa huli? Bakit pagdating sa pag-ibig laging may nasasaktan kung gayon kayong dalawa ay nagmamahalan naman?" Tanong nito na ikinatahimik ng Ina niya.

"Anak, kung puro saya lang ang pag-ibig, paano ka matuto? Paano ka magiging matatag? At paano ka matututo sa mga pagkakamaling iyong nagawa?" Saad ng Ina niya.

"Ngunit--" hindi niya naituloy ang sasabihin ng nilagay ng kanyang ina ang hintuturo nito sa kanyang labi.

"Matututunan mo rin lahat ng bagay na iyan anak, maghintay ka lamang." saad ng Ina nito na nakangiti.

"Ma, sino pala yung babaeng isinumpa na magiging kasintahan ni Heneral Traveda?" Tanong nito sa kanyang Ina.

"Ikaw." Huminga ng malalim ang Ina sapagkat alam niyang may pagka-OA ang anak at inihanda niya na ang kanyang tenga. Hindi nga siya nagkamali at sumigaw ito ng napakalakas.

"HAAAA?! MAA, HINDI PWEDE! NOOOO!" Umiiyak na saad nito.

"Anak, wala tayong magagawa sapagkat isinumpa niya ito sa tadhana." malungkot na saas ng Ina
"Ano ang aking gagawin ma? 16 anyos palang ako at ikaw na mismo nagsabi na hindi pa ako pwedeng magkaroon ng kasintahan--"

"Hindi maari sa panahon na ito, sapagkat una palang ay alam ko nang ikaw ang itinakda upang maging kasintahan ng dating Heneral. " saad ng kanyang Ina.

"Dapat ay ako talaga ang nasa iyong pwesto. Ngunit labis kong mahal ang iyong ama at hindi ko kayang mawalay sa kanya. Tulad mo ay iniligtas din ako ng lalaking iyon ng muntikan akong masagasaan. Sa patuloy naming paglaban ng iyong ama sa aming pag-iibigan, ang buhay niya ang nasawi. Ayaw kong mangyari iyon sa iyo anak." naiiyak na saad ng kanyang ina. Nanatiling tikom--ay hindi pala, nakanganga ang kanyang bibig at kulang nalang ay tumulo ang laway niya sa sobrang pagkagulat.

"Kaya ba bigla na lamang namatay si papa?" nanginginig na tanong ni Maria sa Ina.

"May sakit sa puso ang iyong papa na siya ring kumitil sa kanyang buhay" malungkot na sabi ni Inay. Bwisit kang Heneral ka! Dahil sayo nagugulo ang salinlahi ng aming pamiya. Pakyu sagad!

"Kung ayun ang kapalaran, malugod ko itong tatanggapin" Sabi niya sa kanyang Ina.

"Sa oras na magkatagpo kayo ulit, maaaring masama ka sa muli niyang paglaho gayong alam mo na ang katotohanan." saad ng Ina at niyakap siya.

NAIWANG nawiwindang si Maria sa rebelasyon ng kanyang Ina. Ano ang gagawin ko sa panahon na iyon? Ni hindi ko nga alam ang kanilang kinagisnang kultura, alam kong hindi ako nakikinig sa history subject pero humihingi ako ng tawad sa propesor kong kalbo na hindi ako nakinig sa kanya. Sir help me plit!-- hays.

"Bahala na!" Wika ni Maria sa kanyang sarili. Itinulong niya muna ang mga rebelasyon na kanyang nalaman.

THE POSSESSIVE GENERAL (HISTORY FROM THE PAST)Where stories live. Discover now