Present, 8 Abril 2020NAKATAYO si Maria sa malaking gate kung saan nakatira si Manolo. Yayamanin pala si crush-- nagdadalawang isip siya kung siya ba ay kakatok dahil kung oo, ay wala namang makakarinig nito dahil ang laki ng bahay ngunit hindi naman niya mahanap and door bell. Isigaw ko nalang kaya pangalan ni crush?-- punyaterang isipan ito oh. Sa huli ay napagpasyahan niyang umalis na lamang.
"Alis na nga lang ako. Wala naman akong pakay doon eh. Hindi naman kami magkakilala ngunit bakit ako nakararamdam ng ganito" sabay hawak sa kaniyang pusong mabilis ang tibok lalo na kapag nalalapit sa binatang iyon.
"Nakararamdam ng ano?" biglang sabi ng kung sinong tao sa kanyang likod. Mabilis na napaharap si Maria at hindi ito inasahan na nasa likod nito ang Heneral. Wafuuu-- agad siyang nakaramdam ng kaba at hiya.
"Ah eh wala. May pupuntahan kasi ako. Napadaan ako dito, hindi ko alam na bahay m-mo ito hehe" kinakabahang tugon niya. Sumeryoso ang tingin ng binata sa kanya at humalukipkip.
"At saan ka pupunta, magaling na Binibini?" Seryosong sabi nito. Ohnoo Maria! Think fast--
"Sa kaibigan ko uhm dito lang din siya nakatira" kinakabahang sagot niya. Nanatiling seryoso ang binata.
"Babae o lalaki?" tanong ng binata
"Ha?" pre, hotseat ata ito ah
"Naiinis na ako Binibini" iritang tugon nito.
"Lalaki" biglang saad niya. Nandilim ang mukha ng binata at hinawakan siya sa magkabilang balikat. Crush mesheket--
"Ang ibig mo bang sabihin ay pupunta ka sa tahanan ng isang lalaki?" galit na sabi nito.
"Hindi, at pwede ba, bitawan mo nga ako" inis niyang sagot at pinilit pumiglas sa hawak ng binata ngunit hindi siya nito binitawan.
"Hindi ko hahayaan ikaw ay mapunta sa iba, hindi pa ito ang panahon ngunit hindi na ako makapaghintay. Patawarin nawa ako ng iyong mga magulang at ikaw mismo Binibini" seryosong saad nito at biglang dumilim ang paligid.
Past, 8 Abril 1890
"Binibining Maria? Gumising na po kayo at naghihintay na ang iyong ama at ina sa hapagkainan" sabi ng isang tagabagsilbi na nagngangalang Carlota.
"Pakisabi ay susunod na ako" sabi niya. Napanaginipan niya ang kanyang sarili sa hindi mawaring lugar. May malalaking estruktura at ibang disenyo ng mga bahay. Isa pa roon ay may kausap siyang Ginoo na hindi niya maaninag ang mukha. Ngunit paano naman siya mapupunta roon? Baka isa lamang iyong magandang panaginip. Siya'y nag-ayos na at pumunta sa hapagkainan.
"Anak, magandang umaga. Umupo ka na at nang ika'y makakain" saad ng kanyang Ama na si Lorenzo Castro.
"Salamat, Ama. Ako'y nagagalak na ikaw ay muling makita. Kay tagal niyong bumalik ni Ina dito sa Maynila" malungkot na saan niya.
"Pasensya na anak, alam mo naman na maraming kailangang asikasuhin upang mapalago ang ating negosyo" saad naman ng kanyang ina na si Jesusa Castro. Nanahimik na lamang siya at kumain.
"Ina, nitong mga nakaraang araw ay lagi akong nananaginip ng mga bagay na wala naman sa kung anong mayroon tayo ngayon. Kagaya ng malalaking estruktura, hindi mawaring kagamitan, at ako ay nagsasalita ng hindi malamang lengguwahe" kuwento niya sa kanyang Ina at Ama.
"Huwag kang maniwala sa mga panaginip anak, walang saysay ang mga iyon" sagot ng kanyang ama ngunit hindi ito kumbinsido. Nanahimik na lamang siya at nag-isip. Hindi kaya ay ayun ako sa hinaharap? Ngunit wala naman akong maalala sapagakat ako'y galing sa panahon na ito? Paanong nangyari iyon? Pagkatapos niyang kumain ay umakyat siya at mabilis na nakatulog ng nag-iisip.
Present, 8 Abril 2020
"Malamang sa mga oras na ito ay nasa nakaraang panahon na si Maria" aniya ng lola ni Maria na si Polencia Mercado, ikalawa sa hanay at salinlahi ng mga Mercado.
"Inay, hindi maaari, hindi pa alam ni Maria na siya ay makakalimot sa lahat ng nangyari sa panahon na ito. Alam kong maguguluhan siya sa mga mangyayari at baka ikapahamak niya iyon" saad ng Ina ni Maria.
"Huwag kang mangamba sapagkat ayun ang nakatadhana. Alam kong makakayanan iyon ni Maria sapagkat katuwang niya naman ang Heneral na puno't dulo ng lahat" saad ng lola.
"Inay, paano kung saktan lang ni Joselito si Maria?" nababahalang katanungan ng Ina.
"Umuulit ang nangyari sa nakaraan at maski si Joselito ay walang maaalala" saad ng matanda.
"Paano pa makababalik si Maria dito inay? Paano aalis doon ang anak ko?" puno ng kabang tanong ng Ina.
"Sa katunayan ay hindi ko alam kung paano. Ang alam ko lang ay kapag nabago na ang nakaraan ay saka siya makakabalik. Ngunit kung tatanungin mo ako kung paano, ayan ang hindi ko alam" litanya ng lola.
"At paano kapag naulit lang ang nangyari at kay Calarina Mercado umibig ang Heneral?" tanong ng Ina.
"Mananatili roon si Maria at hindi na makababalik pa at isa pa, ay ang kamatayan na hindi alam ang dahilan" sagot ng lola na nakapagpawindang sa Ina ni Maria. Diyos ko--
YOU ARE READING
THE POSSESSIVE GENERAL (HISTORY FROM THE PAST)
Ficção HistóricaMaria Elilliana Castro is a Senior High School student who loves to paint and draw. One time she draw an ancestral house which happened to be her late grandmother's house in the late 1800. Because of that painting, she was brought to another dimensi...