KABANATA OCHO

221 8 1
                                    

Past, 11 Abril 1890

"Ama, Ina, nagkakamali po kayo ng nakita. Sa sobrang kalasingan ko lang po kaya kami ay nakahalikan" paliwanag ni Maria sa kanyang mga magulang nang sila ay makapasok sa palasyo nina Don Linares Ochoa at Donya Pilares Ochoa, ang mga magulang ng Joselito Manolo Traveda.
"Binibini, kahit na ba. Kapusukan pa rin ang ginawa niyo ng aming anak na si Joselito" saad ng Ina ng Heneral.

"Tama, at hindi ako makapapayag na hindi ka panagutan ng Heneral sa ginawa niyo" saad ng Ama ni Maria.

"Kung gayon kumpare ay kailangan na nating pagplanuhan ang kanilang kasal. Ang gusto ko sana ay sa mas madaling panahon sapagkat nais ko na naming magka-apo" tatawa-tawang saad ng Ama ni Joselito.

"Ngunit mali po talaga ang inyong nakita--" naputol ang sasabihin ni Maria nang sumabat ang Heneral.

"Tama po kayo at kailangan nang madaliin ang kasal. Huwag kayong mag-alala at aking pananagutan ang paghalik sa Binibini" nakangiting sagot ni Joselito. Punyeta--

"Ngunit--" naputol na naman ang kanyang sasabihin nang sumabat ang kanyang Ama.

"Kung gayon ay gaganapin natin ang kasalan sa ika-14 ng Mayo" saad ng Ama ni Maria.

"Ama, masyado po ata iyong maaga. Hindi pa po kami lubos na magkakilala ni Joselito at masyado pa kaming mga bata" naiiritang sagot niya. Hays-- itigil ang kasal!--sigaw niya sa kanyang isip.

"Wala kayong dapat problemahin sapagkat may panahon pa naman upang kayo ay magkakilala at sa inyo rin naman mapupunta ang ating mga ari-arian" saad ng kanyang Ina.

"Kumpare, kung maari sana ay mas agahan natin ang kasal, siguro ay mga ika-11 ng Mayo" saad ni Don Linares. Bakit paaga ng paaga?-- Nang makita ni Maria na abala ma ang lahat sa pagpplano ay pasimple siyang lumabas ng palasyo upang magpahangin. Letchugas! Kasal agad? Jusq Lurd--- saad niya sa kanyang isip. Habang siya ay naglalakad-lakad ay sinipa niya ang maliliit na batong kanyang nadaraanan, hanggang--

"Aray!" asik ng natamaan niya ng bato. Humarap ito sa kanya na may galit ang mukha ngunit bigla na lamang namungay at napalitan ng pagkamangha ang mga mata ng Ginoo.

"Naku, pasensya na Ginoo" hingi niya ng tawad.

"Ayos lamang iyon Binibini. Ngunit dahil nagawan mo ako nang kasalanan, kailangan ay may parusa iyon" ngising sagot ng Ginoo.

"At sino ka para magsabi non? Hindi ako isang utusan magaling na Ginoo" taas-kilay niyang sabi. Tumawa ng malakas ang Ginoo na ikinakunot ng noo niya. Ano ang nakakatawa?--

"Mataray ka Binibini. Naiiba sa mga Binibining aking nakakasalamuha" saad ng binata.

"Ang ngalan ko nga pala ay Jose Tatlonghari, at ikaw si?" ngiting tanong nito.

"Mari---" naputol ang kanyang sasabihin ng may biglang sumabat sa kanilang usapan. Bigla na lamang siya nitong hinila papunta sa kanyang mga bisig.

"Siya ang aking nobya. Ikaw sino ang nagbigay ng karapatan sa iyo upang siya'y kausapin?" nang lumingon si Maria ay nakita niya ang mukha ng galit na Heneral. Paktay na---

THE POSSESSIVE GENERAL (HISTORY FROM THE PAST)Where stories live. Discover now