KABANATA DOCE

173 5 0
                                    

Past, 12 Abril 1890

"S-sino si Calarina Mercado?" tanong ni Maria sa kanyang kaibigan.

"Si Calarina Mercado ay mula sa pamilyang Mercado na isa sa pinakamayamang pamilya sa Espanya. Dahil na rin sa taglay na kapangyarihan nito ay ipinagkasundo sila ni Heneral Traveda na noon ay isang Tenyente pa lamang. Hindi sang-ayon dito si Calarina sapagkat mayroon siyang iniibig. Ngunit ano ba ang kanyang magagawa? Hindi siya makasusuway sa nais ng kanyang mga magulang kaya minabuti niya itong sundin" mahabang litanya ng kanyang kaibigan.

"Ang iyong ibig na sabihin ay, matagal ng katipan ni Manolo si Calarina?" tanong niyang muli. Huwag na huwag ieksena yang Calarina na yan sa love story ko, makakatikim talaga yan sa akin---

"Oo, sa katunayan, kalaunan ay nagmahalan naman sila. Ngunit sa isang iglap ipinagpalit ni Calarina ang Heneral sa kanyang matagal na talagang iniibig. Alam mo ba ang nakakakilabot roon?" saad ni Mercedes sa kaniya.

"A-ano?" utal na tugon ni Maria.

"Nagbitiw ng isang sumpa ang Heneral. Kapag daw narinig mo iyon ay sadyang nakalulungkot ngunit nakakikilabot" saad ni Mercedes.

"Ano ba iyong sumpa na iyon. Marahil ay hindi naman iyon mangyayari" saad ni Maria.

"Walang makapagsabi kung ano iyon. Kabilugan daw ng buwan ng magbitiw ng sumpa ang Heneral kaya maaari itong matupad" saad naman ni Mercedes. Kung sabagay, naniniwala pala sa ganoon ang mga Pilipino--

"Kaya sa lubos na galit at poot na nanalaytay sa kaniya, isinumpa niya na kung sino ang susunod at ang ikaapat na henerasyon ng pamilyang Mercado ay ito ang ipakakasal sa kaniya sa ayaw man o sa gusto nito, tadhana at oras man ang maging kalaban" pumasok sa ala-ala ni Maria ang sinambit ng kanyang Mama sa makabagong panahon. Marahil ay alam ko na ang sumpang iyon at tama nga si Mercedes, ito ay natutupad.

"Naku, Maria, kailangan ko nang lumisan sapagkat malapit ng magdapit-hapon. Huwag kang mag-alala ako'y bibisita muli sapagkat alam kong marami ka pang katanungan" paalam ng kanyang kaibigan sa kaniya.

TULIRO si Maria nang makapasok siya ng kanilang hacienda. Sino ba ang Calarina Mercado na iyon?-- tanong niya sa kanyang isip. Siya'y nababahala sapagkat may nakaraan sila ng Heneral. Bukod doon ay naguguluhan siya sa maaaring mangyari. Nakita niya ang kaniyang Ama at Ina na nag-uusap sa sala. Agad siyang lumapit rito upang magtanong.
"Ama, Ina, kilala niyo po ba ang pamilyang Mercado?" tanong niya sa kanyang Ama at Ina.

"Oo anak, sila ang isa sa ating mga kasosyo" saad ng kanyang Ama.

"Bakit mo pala naitanong anak?" tanong ng Ina niya.

"Wala naman po, aakyat na po ako sa aking silid upang ako'y makapagpahinga" agad na tumalikod si Maria at umakyat sa kanyang kuwarto. Sa dami ng kanyang iniisip ay agad siyang nakatulog.

ALAS-CUATRO ng umaga ng magising si Maria. Naguguluhan pa rin siya sapagkat kanyang aaminin na nagugustuhan na niya ang Heneral. Marahil kaya ay lubusan siyang apektado.

"Maria, tantanan mo muna ang kaiisip. Hindi makabubuti iyan" saad niya sa kanyang sarili. Nakatulala ang dalaga nang may kumatok sa kanyang silid. Ka'y aga namang nagising ng aking magulang?--aniya sa kanyang sarili. Agad niya itong binuksan.

"Magandang Umaga Binibini" ngiting-ngiting bati sa kanya ng Heneral. Ohemgeee!

"Manolo, ka'y aga pa at sino ang nagpapasok sa iyo rito?" agad niyang saad at pinapasok ito sa kanyang silid. Mahirap na at baka mabuko sila ng kaniyang mga magulang.

"Huminahon ka Binibini, maagang nagising ang iyong mga magulang at sila ang nagsabing ika'y katukin sapagkat tayo ay may paroroonan" saad ng Heneral. Shet ang wafuuu!

"Saan naman?" agad niyang tanong dito ngunit hindi maalis sa kaniya na mapatitig sa gwapo nitong mukha.

"Mag-ayos ka nalang Binibini at iyo rin malalaman" saad ng binata at siya'y niyakap bago lumabas ng kaniyang silid. Naiwang nakatulala si Maria na akala mo'y aso kung singhutin ang naiwang mabangong amoy ng binata.

THE POSSESSIVE GENERAL (HISTORY FROM THE PAST)Where stories live. Discover now