Dedicated to theneeerdguy
Past, 12 Abril 1890BUMALIK na sa ala-ala ni Maria lahat ng pangayayaring naganap sa hinaharap. Napagtanto niya rin na siya ay galing doon at siya ay nag-aaral. Oh shet! Ako nga ito--ang magandang si Maria ay nagbabalik--ngunit kanino ang katawang ito na aking ginagamit?--tanong ni Maria sa kanyang isip. Natigil lamang siya sa kanyang pag-iisip ng biglang pumasok ang Heneral niya--nila pala.
"Binibini, ikaw ay ayos lamang ba?" tanong nito nang makalapit ito sa kanya. Hinawakan nito ang kanyang kamay at nag-aalalang tumingin sa kanya. May kakaiba sa kanyang mga mata-- may bahid ng..takot?
"A-ah-eh, maayos na ang aking pakiramdam. Pasensya na nga pala at hindi natuloy ang ating lakad ngayong araw" saad niya sa binata. Hindi siya nito sinagot bagkus ay tumitig ang mala-tsokolate nitong mata sa kanya. Naiihi ako--bulong ni Maria sa kanyang isip.
"Akin ka" mariing saad ng binata kay Maria. Shooketh ang lola niyo mga siz-- ang lakas ng feelz nitong lalaking ito. Titig palang ay nakakabuntis na--natulala si Maria sa binata.
"A-ano ba ang iyong sinasabi" tanong ni Maria.
"Mula noon, hanggang magpakailanman, akin ka at sa iyo lamang ako" titig na sabi sa kanya ng binata. Naguguluhan man ay aaminin niyang siya ay kinilig sa mga turan nito.
"Manolo, ano ba ang nangyayari sa iyo?" tanong niya sa binata. Kinapa niya ang noo nito at mukha itong nagulat sa kanyang naging kilos. Agad na lumayo ang binata ngunit nahulog ito sa sahig.
"Aray!" asil ng binata na ikinatawa niya. Ang cute!--
"Ayos ka lamang ba?" tanong niya sa binata.
"Ako'y ayos lamang Binibini. Nagulat lamang ako sa iyong ikinilos" saad nito. Aba ikaw pa itong nagbigay ng malisya?--
"Hoy Ginoo, kung makapagsalita ka ay parang hindi mo ako hinalikan ah. Ipapaalala ko lamang sa iyo na hindi mo lang iyon isang beses ginawa" taas-kilay niyang saad dito. Shet ang ugali mong millenial Maria ay muling bumabalik huhu--
"Ako'y nasasabik muli na hagkan ang iyong mga labi" lumapit ito sa kanya at siya naman ay tumakbo palayo rito at tinungo ang palikuran. Hindi naman sa ayaw ko siyang halikan pero naiihi na ako mga bes--
NAIILING na lumabas ang binata mula sa kwarto ng Binibini at nagpaalam na sa mga magulang nito. Marahil ay nahihiya sa akin ang Binibini--saad ni Manolo sa kaniyang isip. Pagkalabas ng kanilang tahanan ay agad na sumalubong sa kaniya ang isang Guwardiya Sibil--
"Heneral, mayroon po kayong kailangang malaman" asik sa kanya ng Guwardiya
"Ano iyon?" kunot-noong tugon ng binata.
"Nagbabalik po rito ang iyong dating katipan na si Binibining Calarina Mercado, naparoroon po siya sa palasyo at nais kayong makausap" tugon nito sa kanya. Agad nabahala ang Heneral sapagkat labis na pighati ang kanyang naramdaman.
"Bilisan mo at tayo ay paroroon sa palasyo" agad niyang saad dito. Nais niya ngang makausap ang Binibini--
PAGKALABAS ni Maria mula sa palikuran ay siyang pag-alis naman ng Heneral mula sa kanilang tahanan. Nanghinayang siya sapagkat nais niya pa itong makausap. Bumaba siya at natagpuan niya ang isang magandang Binibining nakikipag-usap sa kanyang mga magulang. Agad naman silang napalingon sa kaniya at ngumiti.
"Anak, hindi mo ba babatiin ang iyong pinakamatalik na kaibigan?" saad ng kanyang Ama. Ha? Hindi ko ito maalala. Kasama ba sa pagbalik ng ala-ala ko sa hinaharap ay siyang pagkawala ng ala-ala ko sa panahong ito?--
"Ah-eh, kumusta ka?" utal niyang tanong dito. Ngumiti ng malawak ang babae at niyakap siya ng mahigpit.
"Maria, kay tagal nating hindi nagkita. Sana ay iyo pa akong naaalala" saad nito na mariing sinuway ng kanyang Ina.
"Mercedes," nagbabantang tonong pahayag ng kanyang Ama.
"Ah, nais ko po sanang makausap si Mercedes. Maaari po ba kaming pumunta sa hardin?" tanong niya sa kanyang mga magulang.
"Oo naman iha, huwag lamang kayong aabutin ng takip-silim at kayo ay pumasok agad" paalala ng kaniyang Ama. Lumabas ang dalawa at agad na tinanong ni Maria so Mercedes.
"Mercedes, ang totoo niyan ay hindi kita maalala. Wala akong ni isang maalala sa mga nangyari sa akin" pagtatapad niya sa dalaga. Agad namang naglaho ang mga ngiti nito at napatakip sa bibig ang abanikong hawak nito.
"Ang ibig mong sabihin, maski ano ay wala kang maalala? Kahit pa ang iyong mga magulang?" tanong sa kanya nito.
"Ang mga magulang ay kakaunting detalye lamang ang aking nalalaman" saad niya rito. Umupo sila sa damuhan at tumugon naman ang dalaga sa kanyang katanungan.
"Kung gayon ay kailangan kong magpakilala. Nakakalungkot ngunit kailangan. Ang aking ngalan ay Mercedes Prejica. Nagkakilala tayo noon sapagkat magkakilala ang ating mga magulang. Ikaw ay ubod ng sungit na dalaga noon ngunit ako ay iyong niligtas sa mga walang hiyang Binibini na inakusahan akong nang-agaw ng kasintahan. Magmula noon ay naging matalik tayong magkaibigan ngunit kinailangan kong pumunta ng Espanya at doon nangyari ang aksidenteng nagpawala ng iyong ala-ala" mahabang kuwento ng dalaga sa kaniya.
"Kung gayon ay kilalang kilala natin ang isa't isa?" tanong niya rito. Tumawa ito ng mahinhin at tumango.
"Oo naman, magkasanggang-dikit na tayo noon pa man. Lahat ng mga ginagawa natin ay alam ng isa't isa. Pati na rin ang ating mga sikreto na maaari mo nang nalimutan" malungkot ng wika nito sa kanya."Huwag kang malungkot sapagkat babalik naman ang aking mga ala-ala" saad niya rito.
"Ngunit hindi pa iyon sigurado" saad nito na hindi niya narinig dahil sa hona ng kanyang boses.
"Ano iyon?" tanong niya. Mariing umiling ang dalaga.
"Malapit ka na palang ikasal sa ating mahal na Heneral. Kuwentuhan mo naman ako" nakangiting wika nito sa kaniya. Maski siya mismo ay hindi niya matago ang kanyang ngiti.
"Mahabang kuwento ang nangyari. Ngunit sabi niya sa akin ay magkasintahan na kami magmula pa noon at--" pinutol nito ang kanyang sasabihin.
"A-ang sabi ng Heneral sa iyo ay magkasintahan kayo mula noon pa man? Ngunit Maria, may kasintahan ang Heneral noon, siya ay si Calarina Mercado" saad nito sa kanya. Natahimik ang dalaga nang marinig ang tinuran ng kaniyang kaibigan.
Ang ibig sabihin ba non ay nagsisinungaling sa akin si Manolo?
YOU ARE READING
THE POSSESSIVE GENERAL (HISTORY FROM THE PAST)
Ficção HistóricaMaria Elilliana Castro is a Senior High School student who loves to paint and draw. One time she draw an ancestral house which happened to be her late grandmother's house in the late 1800. Because of that painting, she was brought to another dimensi...