Past, 12 Abril 1890
"Siya ang aking nobya. Ikaw sino ang nagbigay ng karapatan sa iyo upang siya'y kausapin?" nang lumingon si Maria ay nakita niya ang mukha ng galit na Heneral. Paktay na---
"Huwag mong bakuran Heneral, mahirap na" ngising tugon ni Jose sa binata.
"Huwag mo akong subukan, tatlonghari" pikon na saas ng Heneral. Ano ba yan! Kailangan ko na atang sumabat para mawala ang alitan nila--
"Nagpapaalala lamang ako Heneral Traveda. Mauuna na ako Binibini, nawa'y makita kitang muli" ngiting-ngiti sabi nito sa kanya at umalis.
"Walang galang. Ikaw ay hindi marapat na makipag-usap muli sa lalaking iyon at sa kahit sinong lalaki sapagkat tayo ay ikakasal na. Tatandaan mo Binibini na akin ka." seryosong sabi ng binata at hinagkan siya sa noo bago ito pumasok sa loob ng palasyo.
NANGINGITING bumalik si Maria sa loob ng palasyo. Nakita niya na hanggang ngayon ay nagpplano pa rin ang lahat para sa kanilang kasal. Hays kasal--ani niya sa kanyang isip.
"Anak, halika dito. Kailangan ng iyong suhestiyon para sa mga detalye ng kasal niyo ng ating Heneral" saad ng kanyang Ina.
"Ayos na ba na ang petsa ng kasal niyo ay ika-11 ng Mayo at ito ay gaganapin sa simbahan ng San Diego sapagkat ito'y sobrang elegante" saad ng Ina ng Heneral. Tahimik at nakangiti naman si Joselito sa kabilang gilid habang siya ay irap lamang ang isinusukli rito. Puso, huwag ka masyadong matunaw sa mga ngiti ng damuhong iyan--
"Ina, sa tingin ko po ay masyadong magarbo ang kasal?" sabi niya sapagkat wala na siyang maitugon sa mga ito. Planado na kaya ang lahat, sasabat pa ba ako?--
"Kailangan ay elegante ang inyong magiging kasal sapagkat ito ang kasal ng siglo" pumapalakpak na saad ng Ina ng Heneral.
"Ikaw iho? May gusto ka bang idagdag sa plano ng inyong kasal?" tanong ng Ama niya kay Joselito. Agad naman niyang pinangdilatan ang binata. Makuha ka sa tingin, mamaya ay ano na naman ang iyong ipagsasabi--
"Wala naman po. Ngunit nais kong imbitahin lahat ng tao sa San Diego sa aming pag-iisang dibdib ng Binibini" seryosong saad nito.
"Maski mga indio ay imbitado? Ngunit paano ang inyong seguridad" alalang tanong ng Ama ni Joselito.
"Ama, tiwala ako sa aking mga guwardiya sibil na gagawin nila ang kanilang mga trabaho. At kahit na ba ay nasa kalagitnaan kami ng pag-iisang dibdib ay alerto ako sa mga bagay-bagay" saad ng binata na parang wala lang.
"Iho, bakit nais mong imbitahin ang lahat?" takang tanong ng Ina ni Maria.
"Sapagkat nais kong ipahayag sa lahat na si Binibining Maria Elilliana Castro ay sa akin at sa akin lamang" seryosong wika nito na nagpasimula sa humaharogadong puso ng Binibini.
"Masama ba na kahit ganito na ang aking edad ay ako pa rin ay kinikilig sa dalawang ito?" saad ng Ina ni Joselito habang nakangiti. Hindi lang pala ang ina ni Joselito ang nakangiti kung hindi ang lahat ng nandirito--"Kay suwerte ng ating anak sa ating mamanugangin, napakagandang Binibini" saad ng Ama ng Heneral.
"Ama, tama na ang iyong papuri" seryosong wika ng Heneral. Huwag mong sabihing pati Ama nito ay pinagseselosan niya? Naknang--
"Anak, kami ay natutuwa lamang" saad ng Ina ng Heneral.
"Binibini, ano pala ang iyong pinagkakaabalahan? At ang iyong mga hilig gawin? Marunong ka ba ng gawaing bahay?" sunod-sunod na tanong ng kanilang mga magulang.
"Ah-eh, hilig ko po ang pagsayaw. Sa araw-araw naman po ay tinuturuan ako ni Ina na magluto ang gumamot" saad niya na siya namang nagpangiti sa mga magulang ng Heneral. Maggagabi na kaya nagpaalam na ang kanyang mga magulang na sila ay uuwi na.
"Ina, ihahatid ko na po ang Binibini pauwi" saad ng Heneral.
"Ngunit Manolo, kasama ko naman ang aking mga magulang kaya hindi na kailangan" saad niya sa binata.
"Anak, sige na, sumabay ka na sa Heneral upang kayo ay lubos pang magkakilala" saad ng kanyang Ama. Binubugaw ako walangjo!--
"O siya anak, mag-iingat ka" sagot ng ama ni Joselito. Agad naman silang sumakay sa karwahe ng Heneral. Tahimik lamang siya sapagkat naiilang siya sa binata.
"Bakit ang tahimik mo Binibini?" tanong ng binata kaya lumingon siya rito. Hindi naman inasahan ni Maria na sobrang lapit nito sa kanya. Bigla na lamang siya nitong hinalikan ng walang pasabi. Ito na naman ang malambot niyang labi! O, Diyos ko, ano ba itong aking nararamdaman?--
"Lapastangan ka, bakit ka bigla-biglang nanghahalik" saad niya rito. Ngumiti lamang ang damuho sa kanya. Walangjo ka talaga!--
"Bakit? Anong masama roon? Kasintahan naman kita kaya normal lang iyon" saad nito.
"Ngunit hindi natin mahal ang isa't isa" mahinang usal ni Maria. Agad siyang hinawakan ng binata ng mahigpit sa magkabilang braso.
"Ano ang iyong sinabi?" madiing saad ng binata sa kanya. Napansin niya ang galit sa mga mata nito. Patay nagalit si crush! S-saan ko natutunan ang lengguwahe na iyon?--
"Totoo naman hindi ba? Alam mo Manolo, hindi ko alam kung ano ang ibig mong mangyari. Bakit biglang gusto mo akong pakasalan?" takang tanong niya rito. Hindi siya sinagot ng binata bagkus ay tinitigan lamang siya nito. O, ang mga matang kay ganda!
"Hindi mo ba talaga ako maalala?" tanong ng Heneral sa kaniya. Ha?---
"Ano ang iyong sinasabi?" takang tanong niya rito at umalis sa mga kamay nito.
"Wala, kalimutan mo na ang aking sinabi" saad nito at binitawan siya.
"Hindi mo pa sinasagot ang aking katanungan" saad niya sa binata.
"Nandito na tayo sa inyong tahanan" saad ng binata.
"Maraming salamat Ginoo" walang gana nitong tugon sapagkat may malaking parte na gumuho sa kanya ng hindi sagutin ng binata ang katanungan.
"Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano binibini, kailangan mong gumaling agad" saad ng binata ngunit hindi niya narinig ang huli nitong sinabi.
"Ano iyon?" tanong niya sa binata.
"Ang sabi ko ay pumasok ka na at baka ika'y mahamugan" sabu nito sa kanya at bigla siyang niyakap. Agad naman siyang bumitaw sapagkat siya ay naiilang.
"Mag-iingat ka Ginoo" paalala niya rito. Tinanaw niya ang paalis na karwahe ng Heneral na may ngiti sa kanyang labi. Ano ba itong ginagawa mo sa aking puso--
YOU ARE READING
THE POSSESSIVE GENERAL (HISTORY FROM THE PAST)
Ficción históricaMaria Elilliana Castro is a Senior High School student who loves to paint and draw. One time she draw an ancestral house which happened to be her late grandmother's house in the late 1800. Because of that painting, she was brought to another dimensi...