sa halos araw araw na pagtatrabaho ni ana eh wala na itong panahon sa sarili at sa pamilya kaya naman sa unang buwan ng sahod nito ay nag off siya para mag unwind at makabonding at kanyang pamilya.lumabas sila nagshopping,kumain sa medyo high class na restaurant kasama na rin pati mga kaibigan nito at pinsang joy.
"anak salamat ha."sabi ni myrna sa anak
"salamat po san nay?"
"dahil ipinagshopping mo kami atsaka mukhang mamahaling restaurant pa itong pinasok natin."ani ni myrna
"wag nyo pong intindihin yun paminsan minsan lang naman ho ito."sagot ni ana na may ngiti
masayang kumakain ang lahat at biglang umeksena ang kaibigang si lemuel
"oh balitaan mo naman kami..kumusta na ang personal assistant ni kevin balisteros?"tanong nito kay ana
"baka may something personal nang nangyayari sa inyong dalawa"pang aasar naman ng kaibigang si maribel
at nagtawanan silang lahat maliban kay ana na dinepensahan naman ang sarili...
"no way!naku mas gusto ko pang mamatay kaysa sa makipagrelasyon sa hinayupak na mukhang unggoy na yun!"pagtanggi ng dalaga
"girl hindi ka pa rin ba nakakapag move on sa past?"singit ni lemuel
"matagal na yun at ibinaon ko na sa limot.iba ngayon...napaka arogant akala mo kung sinong mabait may sa demonyo naman.."dugtong pa niya
"uie hindi ah...mabait ang alaga ko!"pagtatanggol naman ni joy kay kevin
"alam nyo minsan ang pag-iibigan hindi lang nagsisimula sa pagiging magkaibigan,minsan sa pagiging kunwaring magkaaway din."patama ni myrna sa anak
"winner ang speech ni mother!"ika ni lemuel sabay palakpak nito
"huh!over my dead body..."
"eh kung talagang wala na bakit parang affected ka pa rin..."sabi naman ng kuya jr nya
pakiramdam ni ana pinagtutulungan siya ng mga kasama kaya para maisalba ang sarili....
"gusto nyo pustahan tayo?"matapang niyang sinabi
"naku girl wag na matatalo ka lang!"sabi ni maribel
"di nga....para mapatunayan ko sa inyong hindi ako affected at trabaho lang ang ginagawa ko at never ever akong maiinlove sa kanya."
"ok deal!"mabilis na sagot ni lemuel
"magkakampi tayo best friend wag kang mag-alala"dugtong ni lemuel
"ok deal ako diyan...pero kapag nainlove itong kaibigan natin talo kayo ha!"sabi naman ni maribel
"oh kay maribel ako pupusta.."sabi ni joy
"ako rin kay ate bel!"sabi naman ni juvy
"itigil nyo nga ang pagpusta pusta nyong yan..walang magandang idudulot sa inyo yan at masasaktan nyo lang ang isa't isa"payo ni myrna sa anak pero tlagang desidido itong panindigan ang binitawang salita.kung sa bagay,si ana ang tipong hindi umuurong sa laban gusto niyang nachachalenge...pero pagdating sa love mapapanindigan niya pa kaya ito gayung si kevin na isang hunk actor at pinapangarap ng lahat ng kababaihan ang puntirya niya?....
natapos ang kanilang gabi at nagkapaalaman na nga sila..
"thanks girl sa treat..see yah!"paalam ni lemuel sa kaibigan sabay beso beso dito.
"tita,kuya jr,juvy pano po alis na kami.."
"o sige ingat sa pagmamaneho"ika naman ni myrna
sumakay na nga sa kotse sina lemuel at maribel.
habang ang pamilya naman nila ana ay nag-aabang ng taxi.pagkarating sa bahay ay dumiretso na ang mga ito sa kani kanilang kwarto at nagpahinga dahil lahat sila ay napagod sa buong araw na pamamasyal...
BINABASA MO ANG
YOU'RE ALL I NEED
RomanceIka nga nila the more you hate,the more you love...that is how i describe the romance between kevin and ana na tila pinaglalaruan ng tadhana.si ana ay isang free lancer writer na nagkataon namang naging personal assistant ni kevin balisteros na isan...