"ate ana!kuya kevin!" si karen tinatawag silang dalawa
"halina kayo pumunta tayo dun magsisimula na ang mga palaro...."paanyaya ng dalagitang si karen
"lets go!"sabi ni kevin na tuwang tuwa....si ana naman tahimik lang na nakasunod sa kanya habang hawak ang kanyang kamay...
pagkadating nila sa palaruan,saglit na nawala sa isip nila ang problema at nag enjoy....marami at iba't ibang mga palaro ang kanilang sinalihan at pinanalo....nang biglang bumuhos ang ulan,parang mga bata na naglalaro ang mga ito sa ulan....
hapon na nang matapos ang palaro at gutom na gutom sila na umuwi...
"oh basang basa kayo!magbihis kayo't hali na kumain..tiyak gutom na gutom kayong apat"sabi ni aling celia na naghahanda ng hapag kainan..
"oo nga po eh!"ani ng binata...
habang kumakain ng inihandang inihaw na isda,pusit at konting karne may napansin si ana kay kevin...
ang takaw pa lang kumain ng mokong na'to!!siya ba talaga to?parang hindi..sabi niya sa sarili...walang kyeme kasing nagkakamay ang.binata at hindi mapili sa pagkain...
pagkatapos nilang kumain ay agad nang nagligpit si karen at aalis na sila papuntang bayan....
hindi na sumama si kevin dahil sa masakit ang katawan nito kaya si ana,aling celia at karen nalang ang umalis..
pagkarating nila sa bayan tsamba namang nandoon ang anak ni aling aurora na may ari ng pinakamalaking pamilihan doon at may celphone ito...
"aurora...eto si ana taga maynila...makikisuyo sana na kung pwede eh makigamit ng celphone tatawag siya sa kanyang pamilya..."
o sige...ano bang nangyari at pano siya napadpad dito?"tanong ni aurora
si joy na ang tinawagan ni ana...habang si celia naman ikinuwento ang nangyari sa dalawa...
matagal bago sinagot ni joy ang celphone
"joy please pick up the phone"bulong sa sarili at maya maya pa nga ay may sumagot na sa kabilang linya..
"hello?"tinig ni joy
"hello joy.si ana ito"
ana?salamat naman sa diyos at buhay ka?kumusta si kevin?nasan ba kayo?"sunod sunod na tanong ni joy sa kanya
"ok lang kami joy.nandito kami sa isla san martin,kumusta na sila nanay?"
matagal na nakasagot si joy
"ana wag kang mabibigla ha..."
"bakit anong nangyari?!"nag aalalang tanong ni ana
"kasi yung nanay mo.....isinugod sa ospital nung nalaman
niya ang nangyari sa inyo"
at nagsimula na ngang pumatak ang mga luha niya
"kumusta na ang nanay ngayon?"
"mabuti buti na ang kalagayan niya ngayon at siguradong mas ook yun kapag nalaman niyan ligtas kayo.."
"joy...di ako pwedeng magtagal paki sabi kay nanay at maam cynthia na nagkausap tayo at uuwi kami diyan pagnakahanap na kami ng bangkang masasakyan...."
"o sige ana...mag-iingat kayo...ipapaalam ko kaagad kay maam..at ako nang bahala kay tita myrna"
"salamat joy...bye."at pinutol na nga niya ang tawag
bagamat nag-aalala ito sa kalagayan ng ina ay nakahinga rin siya ng maluwag dahil naipaalam niya na ang kanilang kalagayan...
pagkatapos ay umuwi na rin agad ang mga ito...
kinumusta naman kaagad ni kevin ang dalaga...
"kumusta?nakatawag ka ba?"
tumango lang ang dalaga at pumasok na ito sa loob ng bahay na tila matamlay
"karen...anong nangyari sa kanya?"tanong niya sa dalagita at isinalaysay na nga niya ang nagyari...
habang kumakain sila ng hapunan kapansin pansin ang kawalan ng gana ni ana matamlay pa rin ito dahil nag-aalala pa rin sa kalagayan ng ina..matapos kumain ay walang imik itong lumabas at doon ay napahagulgol sa iyak....samantalang sinundan naman siya ng binata...
"ana,are you alright?"tanong niya sa dalaga
at humagulgol pa ito...
niyakap siya ni kevin na parang kinocomfort ito...
"im sorry sa nangyari sa nanay mo..."bulong niya sa dalaga na nakaramdam naman ng kakaibang concern saka siya nagsalita...
"di ko mapapatawad ang sarili ko Kapag may mangyari sa kanya..."
"di mo kasalanan yun ana,walang may gustong mangyari yun..."tugon naman ng binata
"gusto ko siyang makita,mayakap at sabihing nandito ako pero wala akong magawa"habang patuloy pa rin siya sa pag iyak niyakap siyang ulit ni kevin....at inalaayan pabalik sa loob ng bahay....
"halika na sa loob...mahamog dito sa labas baka ikaw naman ang magkasakit.."concern na sabi ng binata sa kanya...
pagpasok sa loob ng bahay dinatnan nila ang maraming tao na tila nagmimiting...
"karen,anong meron dun?"tanong ni kevin sa mahinang boses
"ah yun ba?kasi mamaya ay may palabas dapat sa plasa eh kaso mukhang di na ata matutuloy dahil nagkaabirya ang inimbitahang mga bisita..
napa isip naman si kevin at nakipag usap ito sa mga nandoon...
"mang nanding may problema ho ba?"
"malaking problema kevin..."nag imbita kasi kami ng mga performers kaso hindi nakarating dahil sa masamang panahon..."sagot ni nanding
"performers ba kamo?....."at saglit itong nag isip..."baka po may maitutulong kami ni ana sa inyo.."
hinila naman ito ni ana papalayo sa mga tao doon at kinonpronta
"anong pinagsasabi mo diyan?"
"come on ana!nakalimutan mo bang artista ako?"
oo nga naman artista si kevin
"oh ano ngayon?so ikaw ang magpeperform mamaya?"
"gotcha!hindi lang ako...pati na rin ikaw..."nakangiting tugon ng binata
"ayoko nga!kung gusto mo ikaw nalang...."at muling nagtalo ang dalawa
"sige na ana please...remember sila ang nagligtas sa atin ano ba naman pasayahin naman natin sila ng konti..."
"nandun nako...pero ayoko nga...kung gusto mo ikaw na lang.."tugon ng dalaga sa kanya
"ok...ok..sige ako nalang
at bumalik muli sila sa loob at nakipag usap....
ngayong ok na ang lahat naghanda na sila para sa show ni kevin...
pati ang mga anak nila aling celia ay magpapalabas rin...tulong tulong silang ginawa ang programa...si karen na may tinatagong talento sa pag awit,si robert at mga kaibigan nito naghanda ng dance number at si kevin na pang finale...
BINABASA MO ANG
YOU'RE ALL I NEED
RomanceIka nga nila the more you hate,the more you love...that is how i describe the romance between kevin and ana na tila pinaglalaruan ng tadhana.si ana ay isang free lancer writer na nagkataon namang naging personal assistant ni kevin balisteros na isan...