nung gabing iyon,bumuhos ang ulan at pasado alas otso na nang tumigil ito kaya naman agad na nilang sinimulan ang programa....
abala ang lahat sa backstage at isa isa na ngang tinawag ang mga performers..
namangha ang lahat sa ganda ng boses ni karen di akalain ng mga taga roon na may talento itong tinatago....ganun din ang kapatid niyang si robert na tila dalubhasa sa pagsasayaw...
huling tinawag si kevin na nakasuot ng t shirt at pinatungan ng polo.. nakatitig naman ang binata kay ana habang inaayos nito ang kwelyo ng polo niya....umiiwas naman ang dalaga na parang natutunaw na,sa halip ,"goodluck.."sabi niya rito at lumabas na lamang siya at umupo sa katabing upuan nila aling celia....
unang kinanta ni kevin ay ang "lintik" ng brownman revival na may mga backup dancers pa siya... namangha ang lahat lalo na ang mga kababaihan na di mapigilang mapatili dahil sa gwapong itsura nito lalo na kapag nakangiti....
pagkatapos ng unang number niya ay nagsalita muna ito ng saglit...
"happy fiesta po sa lahat ng taga san martin!itong sunod ko pong kakantahin eh medyo romantic...sino ba diyan pwedeng makasama ko sa stage ?."at mas lumakas pa ang hiyawan ng mga manunuod pagkatapos nun ay sinundan kaagad niya ito ng pangalawa niyang kanta na "beautiful" ni jim brickman...
mas lalo namang naghiwayan ang mga tao ng bumaba ito sa stage...mabilis ang kabog sa dibdib ni ana nang makitang papalapit ang binata sa kanya....napapikit ito at yumuko....
"oh my!"sabi sa sarili at naghiyawan na ang mga tao doon...
nang idilat niya ang mga mata bumungad sa kanyang harapan ang gwapong si kevin na inaabot ang kamay na tila gusto itong isama sa itaas ng entablado...pati nga si aling celia ay kinikilig na rin at tinutulak pa ang dalaga...
"sige na...ana"
"ayoko..."
hindi nakapaghintay ang binata kaya sapilitan itong kinuha ang kamay at sabay na umakyat sa stage habang di naman magkamayaw ang tao doon na kilig na kilig sa kanilang dalawa....
habang kumakanta si kevin ay inaakbayan ang dalaga at kung minsan pa ay magkahawak kamay gaya ng ginagawa nya sa ibang shows.sa huling bahagi ng kanyang kanta ay magkadikit na ang kanilang mga mukha at halos maghalikab na sa lapit, na mas lalo namang nagpahiyaw sa mga manunuod..parang totoo ang pinapakitang kasweetan nito sa dalaga,at si ana naman magkahalo ang nararamdamang nerbyos,naiinis pero sa totoo ay kinikilig din sa ginagawa ng binata sa kanya...
BINABASA MO ANG
YOU'RE ALL I NEED
RomanceIka nga nila the more you hate,the more you love...that is how i describe the romance between kevin and ana na tila pinaglalaruan ng tadhana.si ana ay isang free lancer writer na nagkataon namang naging personal assistant ni kevin balisteros na isan...