alas diyes na nang nagising si ana....pero si kevin nakahilata pa rin.nakaramdam ng kakaibang takot ang dalaga kaya naman para makasigurong buhay pa ito nilapitan niya ito at sinigurong humihinga pa..."huh.thank god at buhay pa!"sabi nya sa sarili...samantala napatitig naman siya sandali sa maamong mukha ng lalaki hanggang sa mala adonis na katawan nito..gumalaw si kevin kaya naman tumakbo ito papasok ng banyo at natawa na lamang sa sarili.
naligo na siya at naghanda para sa events ngayong araw...
nang lumabas ito sa banyo ay nasa kama pa rin si kevin at natutulog tiningnan ang oras at mag aalas onse na kaya pilit niyang ginising ito...
"kevin,kevin,kevin!ayaw mong magising ha..."pumasok ito sa banyo at binuhusan ng tubig si kevin at bumangon na nga ang binata
"ano ba?!" galit na sabi ni kevin
saka nagdadadakdak itong si ana...
"eh di bumangon ka rin!" nakapamaywang pa
"alam mo ba kung anong oras na?"
"ba't ba ang aga aga para kang manok na nanganganak?"tugon naman ng binata
"hello?!tanghali na po mahal na prinsepe.....at marami pa ho kayong kailangang puntahan sa araw na ito.."pang aasar naman ng dalaga sa kanya
"daig mo pa ang asawa kung makaputak!"at nagpalitan na nga sila ng salita at muli nagtalo
"naku kung gaya mo rin lang naman ang mapapangasawa ko eh magtatandang dalaga na lang ako!"sagot naman ng dalaga
"hoy!ang katulad ko pinapangarap ng mga babae..."at tumayo na ito
"huh!ang kapal!alin?kagaya ng ginawa mo kagabi sa ballroom hall?for sure nadidiscourage na lahat ng mga babaeng nakakita sayo kagabi.."at natawa pa ito
napikon naman ang binata at pumunta na lang sa banyo para maligo since basa na rin siya..
habang si ana naman ay inihanda na ang susuutin ng binata akma namang lumabas sa banyo ang binata na nakatapis lang kaya kitang kita ang hunk body nito..walang imik si kevin na binuksan ang maleta nito at kinuha ang kailangang gamit at bumalik muli sa loob ng banyo..at si ana naman lumabas na ng kwarto ..sa mini sala na lamang ito naghintay hanggang matapos ang binata....
umalis na ang dalawa sa kanilang hotel room wala ni isa sa kanila ang nagsalita hanggang marating ang cafeteria para mag breakfast....nang handa na ang inorder ay agad na kumain at wala pa ring imik ang mga ito..
maya maya pa nga ay dumating na ang magsusundo sa mga ito papunta sa venue..kasama kasi si kevin sa parade of the stars bandang alas 3 ng hapon at ang panghuling event.naman ay ang closing remark at fireworks display sa gabi kung saan ay guest uli siya.
BINABASA MO ANG
YOU'RE ALL I NEED
RomanceIka nga nila the more you hate,the more you love...that is how i describe the romance between kevin and ana na tila pinaglalaruan ng tadhana.si ana ay isang free lancer writer na nagkataon namang naging personal assistant ni kevin balisteros na isan...