chapter six

8 0 0
                                    

kinabukasan maagang tumunog ang celphone ni ana...si cynthia

dali daling sinagot ni ana ang telepono nagtataka naman ito dahil wala namang schedule ng trabaho nung araw na yun..

"hello maam cynthia napatawag po kayo?may problema ba?"

"yes ana pasensya ka na at naistorbo kita.hindi kasi ako makakasama kay kevin sa cebu dahil may emergency ako pwede bang samahan mo siya?"

"ho?!"

tama ba ng narinig niya magsasama sila sa cebu ng 3 araw?

"please ana i cant cancel the show kailangang magpakita ni kevin dun at he needs you there."

nasayahan naman ang dalaga ng banggitin ni cynthia ang mga katagang "he needs you there"

really he needs me...sabi sa sarili

"sige po maam sasamahan ko po siya."

"thank you ana.by the way 9 am ang alis ng eroplano padadaanan nalang kita kay erwin sa bahay mo ok?"

"ok po maam.bye"

2oras nalang bago mag alas nwebe kaya naman nagmadali itong mag impake ng mga gamit,naligo at nagbihis.

maya maya pa nga ay dumating na ang sundo nito...

kumatok sa pinto si erwin

"oh kuya erwin napadaan ka?"tanong ni juvy

"magandang araw sa inyo tita myrna,juvy..susunduin ko lang si ana.."

"susunduin?bakit san ang punta nyo?"nagtatakang tanong ni myrna

"hindi po kasi masasamahan ni maam cynthia si kevin s cebu kaya si ana na po ang sasama."paliwanag pa ni erwin

"biglaan po kasing nagka emergency si maam cynthia"dugtong pa niya

at lumabas na nga si ana suot ang puting skiny jeans,t shirt at bit bit ang maleta...

"akin nang gamit mo"

"nay,3 araw po ako mawawala ha."nagmamadaling paalam ng dalaga sa ina.

"oh sige anak mag-ingat ka!"

"tatawag po ako pagkarating ko dun!"pahabol niya..at saka na nga sila umalis

"goodmorning!"masiglang bati na may ngiti pa ng binata na nasa likuran

"goodmorning"kaswal namang tugon nito

mabilis ang takbo ng sasakyan dahil mahuhuli na sila sa knilang flight.alas nwebe na nga ng dumating sila sa naia at mabuti nalang nahabol pa nila ang eroplanong kanilang sasakyan..agad na dumiretso ang dalawa sa loob, nag chek-in at tuloy tuloy pumunta sa eroplano..

tila nabunutan ng tinik si ana ng makaupo na ito sa silya..

napabuntong hininga lamang ang binata..

dahil parehong pagod,nakatulog ang mga ito sa byahe at nagising na lamang nang lumapag na ang eroplano sa cebu airport.

at kapag minamalas nga naman dahil hindi nakasama ang mga bagahe nila sa eroplano sa halip ay isinakay ito sa susunod na flight.

nasa complaint desk si ana at nagngingitngit sa galit.

"pano bang nangyari yun?"sabay kaming nagchek in ng mga bagahe namin paanong napunta sa ibang eroplano ang mga yun?!"tanong nya s babaeng naroon

"sorry po maam.pero kasi ang sabi po sa manila naisakay na sa eroplano nyo ang mga bagahe bago pa kayo nakapag check in kaya isinakay na lang sa ibang flight..."

"nakapa irresponsible naman ng airlines ninyo,lahat ang kailangang gamit namin nandoon.."at tumaas ulit ang boses nito

lumapit si kevin sa complaint desk at mahinahong nagtanong

"miss,anong oras ba dararing yung susunod na flight?"

"mga 2:30 pa po sir."sagot naman ng atendant.napailing naman ang binata dahil kailangan na nilang umalis doon marami silang kailangang puntahan sunod sunod ang sched at honestly they need their bags dahil nandun ang mga damit etc n gagamitin ni kevin.

"ano?!2:30 pa?!"napataas ang tono ni ana...

"hey relax"sabi ng binata kay ana

"relax?how could you relax sa ganitong situation?d na tayo aabot sa mga guestings at rehearsal mo kung mamaya pa darating ang mga gamit natin."nagtatalo na naman silang dalawa..

"ok.just calm down.don't panic!"

"im not in panic!pwede ba minsan seryosohin mo rin trabaho mo.."

"im serious with my job..ok.but now we have no choice but to wait..."naiinis na si kevin sa katarayan ni ana..

samantalang tumahimik na ito at naupo na lamang sa waiting area

at sunundan naman ito ng binata.magkalayo ang inuupan nilang dalawa at halatang nag iiwasan..

"5 pm pa naman ang show diba?why dont you call the organizers at sabihin na malelate ako and explain them what happened..."una ng nagsalita ang binata

at inirapan lamang ito ni ana,pero ginawa niya rin ang sinabi nito.tinawagan ang organizer at nag explain...

"bakit ba ang sungit,sungit mo?...siguro may dalaw ka anoh??"asar na tanong ni kevin sa kanya

gulat at nanlaki ang mga mata ni ana

"bastos ka rin noh?!alam mo wala ka talagang kwentang kausap kahit kailan!makaalis na nga lang..."pikon na sagot ni ana at tumayo na ito at bumalik sa atendant..

at ngumisi lang ang binata...

"miss pwedeng kunin mo nalang tong number q?we can't wait here.naghihintay na ang susundo samin sa labas....."

hindi pa niya natatapos ang sinasabi nang naramdaman niyang nasa likuran si kevin na umaktong niyayakap siya sa may.beywang

"anong ginagawa mo?"woried ang tono ng boses ni ana

"sinasabi ko na nga ba eh may dalaw ka ngayon kaya ang sungit mo..."bulong nito sa dalaga nang nakangiti sabay itinali ang jacket na itinakip sa kanyang likuran.at agad naman nagets ng dalaga ang ibig sabihin nito...hiyang hiya ang dalaga pakiramdam niya ay gusto niyang magtago at wag nang magpakita dito kahit kailan.nagmadali itong pumunta sa ladies room at doon inilabas ang saloobin..

"shit!shit!shit!...nakakahiya!"sabi sa sarili habang tinatanggal ang mantsa ng dugo sa kanyang puting jeans.buti na lamang at lagi siyang handa at nagtatago ng extra underwear at pads sa kanyang hand bag..

samantalang si kevin habang naghihintay sa kanyang pagbalik

ay nakikipagkwentuhan sa mga staf doon.

pagkalabas niya sa banyo ay bumalik ito sa desk na parang walang nangyari...

"miss ito number ko pagkadating ng bagahe namin please pakitawagan mo nalang ako ok.importanteng importante kasi yun.."pakiusap niya sa atendant

"ok po maam ipapahatid ko na lang po sa hotel nyo ang mga bagahe..sorry for the inconvinience po"muli ay humingi ng dispensa ang babae sa dalawa.

"ok thanks."

at lumabas na kaagad sila ng airport at dun naghihintay ang staf,bodyguards at iilang reporters...

sa loob ng van inisa isa ni ana ang magiging sched ni kevin..

"since late ka na sa guesting mo sa radio station diretso nalang tayo sa hotel kung saan ang presscon mo,ipapare sched ko nalng ang guesting.at 2pm dadaan tayo sandali sa munisipyo then saka ka magrerehers...we dont have much time for rehearsal pero siguro naman kabisado mo na mg gagawin mo...after that balik tayo sa hotel para maghanda for your show at 5...nakikinig ka ba?"tanong niya sa binata na nakadungaw naman sa paligid...

"yeah!"at inisa isa rin nya lahat ng mga sinabi ni ana...

"good!"sagot naman ng dalaga na bossy pa ang dating...

at naging tahimik na sila hanggang marating nila ang hotel na pag checheck-inan.

YOU'RE ALL I NEEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon