sa isang maliit na isla napadpad sina ana at kevin...isang bata naman ang nakakita sa kanila at sumisigaw itong tinatawag ang mga magulang niya...
"tay!nay!may tao po sa tabing dagat.."ani ng bata na hinihingal pa
ha?!ano daw?"sabi ng babae sa asawa at nagmadaling tumakbo papunta sa dalampasigan...
maraming tao ang nkapaligid sa kanila nang nagkamalay si kevin at bumangon ito agad na nilapitan ang sugatang si ana...
"ana...tulungan nyo po kami!"ani ni kevin sa mga tao doon
at tinulungan naman sila ng mga ito..
sa bahay ng mag asawang nanding at celia tumuloy ang dalawa,dito kasama nila ang dalawang anak na sina karen at robert..
"anong pangalan mo iho?taga san ba kayo at pano kayo napadpad dito ?"tanong ni nanding kay kevin
"kevin po.taga manila po kami...."at isinalaysay na nga niya ang buong kwento...
"kuya!gising napo asawa nyo.."ani ni robert sa binata na akalang mag asawa silang dalawa
dali dali itong pumasok sa loob ng kwarto at...
"nasaan na tayo?"tanong niya sa binata
"nasa isla san martin kayo...."tugon ni celia
"eto inumin mo.."sabay abot ng isang tasang kape sa kanya
"maiwan muna namin kayong mag-asawa..."
"hindi po kami mag asawa!"mabilis na tugon ni ana....
"so,ano nang gagawin natin ngayon?wala tayong mga gamit..ultimo celphone wala."
ani ni ana
"hindi ko rin alam..."ang tanging naging tugon ng binata sa kanya..
bakas ang pag-alala sa kanilang mga mukha dahil hindi nila alam kung paano sila babalik ng maynila at kung kumusta na kaya ang iba pa nilang mga kasamahan.
lumabas na ang dalawa saka nagtanong kung paano sila makakabalik ng maynila....
"ano pong meron?"tanong ni kevin kay nanding dahil npansin nitong busy ang lahat ng mga tao roon
"ah...kasi bukas piyesta dito.sa.san martin kaya lahat abala sa paghahanda..."tugon naman ng matanda sa kanya
"ganun po ba?"
samantalang si ana naman kinausap si celia at....
"aling celia,magtatanong lang po sana ako kung paano po kami makakabalik ng maynila...kasi kailangang kailangan po talaga namin umuwi na.."ani ni ana sa matanda
"merong mga bangka lumuluwas ng san sebastian..pero sa ngayon iha eh wala kasi piyesta dito lahat ng mgabangkero at mangingisda di pumapalaot...."sagot naman niya sa dalaga..ang san sebastian ay lugar kung saan huling nagshooting sina kevin..
"wala po ba pwedeng gamiting komyunikasyon kahit naman po sana ipaalam lang namin na ligtas po kami.."nag-aalalang tanon ng dalaga
"titngnan natin sa bayan...tatapusin ko lang ito at sasamahan kita..."
at ngumiti ang dalaga na parang nabuhayan ng pag asa..
samantala,sa ibang dako naman...ang dalawang crew na kasama nila sa bangka ay nailigtas na maliban sa bangkero na binawian ng buhay....hindi pa rin tumitigil ang mga rescuer sa paghahanap sa kanila..alalang alala ang lahat at umaasang buhay pa sila..laman ng mga balita sa telebisyon,radyo at maging peryodiko ang trahedyang nangyari sa kanila na hanggang.ngayon wala pa ring linaw..
BINABASA MO ANG
YOU'RE ALL I NEED
RomanceIka nga nila the more you hate,the more you love...that is how i describe the romance between kevin and ana na tila pinaglalaruan ng tadhana.si ana ay isang free lancer writer na nagkataon namang naging personal assistant ni kevin balisteros na isan...