mabilis dumaan ang mga araw at marami na ring nagbago sa kanilang dalawa isa n dito ang bangayan na paminsan minsan na lang at si kevin mas pinapakita na nito kanyang pagiging maginoo...
bakit kaya parehong nagslow down ang dalawa?di kaya inlove na sila sa isa't isa?
hanggang dumating ang isang araw papunta sa isang probinsya ang buong cast at crew nila kevin,masaya ang lahat habang nasa shooting site at pagkatapos kunan ang ibang eksena doon ay kailangan pa nilang lumipat sa isa pang isla...nang unti unti namang dumidilim ang kapaligiran at bumuhos ang malakas na ulan.
"direk!tutuloy pa ba tayo?mukhang masama ang panahon..."tanong ng isa sa mga crew
"ipapacheck ko.."sagot naman ng direktor
"direk...wala pa naman nakikitang may bagyong parating.."ani ng crew na inatasang tingnan ang weather forecast
"ok...we will move after the rain stops..."utos ng direktor
halos dalawang oras din ang itinagal ng ulan at sa wakas ay huminto na nga ito...kaya naman madaling nagligpit ng mga gamit ang lahat at umalis na...
sakay ng bangka sina kevin,ana at ibang crew...nasa gitna na sila ng laot ng nakatanggap sila ng tawag...
"si direk.."ani ni mang andy na isang camera man at sinagot nga nito ang telepono...
"where are you now?bumalik na kayo at may paparating daw na bagyo..."utos ng direktor
"ok direk.."
biglang nakaramdam si ana ng takot at di malaman ang kaba sa dibdib niya...
habang pabalik ang grupo bigla na namang bumuhos ang ulan, malakas na hangin at matinding hampas ng dagat sa kanilang bangka napahigpit ng hawag si ana sa binata dahil sa nerbiyos...
"relax.."sabi ng binata sa kanya na tila kinakabahan na rin...at dahil palakas ng palakas ang hampas ng dagat nadali ng tubig ang kanilang bangka saka tumaob...mabilis namang umahon si kevin at unang hinanap si ana...at nang makita niya nga itong lumulutang sa tubig, nawalan ng malay at duguan sa bandang noo sanhi ng pumalo ang ulo nito sa isang bahagi n bangka..."ana!ana!gumising ka!"ani ng binata sa kanya na nag aalala. dahil madilim ang paligid at patuloy pa rin ang malakas na buhos ng ulan at hampas ng dagat nahirapan na itong hanapin pa ang mga kasamahan nila...hopeless na si kevin na makita ang iba pa nilang kasama sa bangka at dahil napagod na rin kaya pati siya nawalan ng malay..
BINABASA MO ANG
YOU'RE ALL I NEED
RomanceIka nga nila the more you hate,the more you love...that is how i describe the romance between kevin and ana na tila pinaglalaruan ng tadhana.si ana ay isang free lancer writer na nagkataon namang naging personal assistant ni kevin balisteros na isan...