Chapter 3

62 6 0
                                    




"Nanalo na naman ang CAS versus NURSING sa basketball kanina" Dinig niya sa ibang kaklase sa classroom. "Expected na sila na naman ang mananalo sa Intramurals week." Mahilig siya manood ng Basketball dahil sa mga pinsan niya na mga lalaki way back in Cebu. Dahil one of the boys siya kasa-kasama siya palagi pag may Basketball tournament ang mga pinsan o kahit may Liga sa barangay nila sa Cebu.

May klase siya ngayon sa Medical Terminologies. Isa itong major subject para sa kanyang kurso at dahil mas matanda siya ng tatlong taon sa mga kaklase niya, heto at wala siyang close maliban nalang kay Siaska. Dahil sila lang ni Siaska sa mga babae ang bukod tanging hindi regular kumpara sa mga ito kaya hindi sila makasabay sa mga attitude ng mga ito.

Pumasok na ang kanilang Professor na si Miss Ces, binati nila ito at umupo na sa kanya-kanyang mga upuan. Miss Ces smiled at them "Sino ang reporter ngayon?" itinaas ni Siaska ang kamay saka tumayo at pumunta sa desk at sinaksak ang Flashdrive nito na naglalaman ng report. Then, Siaska started her report on Supination and Suppuration with figures and labels on it.

After almost two hours of reporting and examination, nagpaalala si Miss Ces "Guys, Please expect a 100-item exam from the Chapter 3 of your book. Also, Since this will be our last week of regular class before the school Intrams, tulad pa rin ng dati, I want you to report and go to the campus and watch five games of each sports" St. Thatcher-Vincent Memorial Hospital University  or STVM offers different sports from outdoor games like Basketball, Volleyball, Swimming, Flag Football and down to indoor games like Chess and Theatre Arts. Kailangan nila manood ng limang laro sa Basketball, Volleyball at iba pa at magpa-signature sa mga coach na naka-assign. Tulad ng dati sisiw lang sa kanya iyon.

Break niya ngayon at wala si Siaska kasi may minor class pa iyon. Pumunta siya ng Cafeteria at bibili sana ng Waffle. Pagdating niya sa Waffle Station mataas ang pila kaya inuna niyang bilhin ang Iced tea sa Cooler Mix. Sumikido ang dibdib niya ng makita ang matangkad na lalakeng naka-checkered na black and white polo shirt na tenernuhan ng puting pantalon. Dahil wash day ngayon kaya allowed sila magsuot na hindi uniporme. Ito lang ang bukod tangi at nag-iisang naka-man bun at may lowered undercut hairstyle sa campus. From afar, kahit nakatagilid ito sa kanya alam niyang muy simpatico at gwapo ito. Naka-dagdag rin sa appeal nito ang panglalakeng cologne na hindi rough sa ilong at hindi rin naman pangbabaeng amoy. It's a mild scent that makes her think of the wind and its sea breeze.

Sinulyapan lang siya nito at agad nag bawi ng tingin. Wala pang dalawang minuto at tapos nang gawin ang order nito saka ito tumalikod at naglakad pabalik sa Atrium. Juan Miguel is fair, tall and a little lean. He is a basketball player and currently the team captain of the basketball team under the College of Arts and Sciences-Optometry.

Palagi sila ni Siaska nanunuod nang laro ng mga ito. Ewan niya at bakit nahihipnotismo siya sa mga galawan nito sa basketball court. Though, Miggy and she doesn't belong to the same crowd. Kumbaga total opposite sila. Miggy is very adventurous base sa instagram posts nito. Mahilig ito pumunta nang bukid at mag beach kasama ang mga kapatid nito. Actually, may kapatid pa ito, si Miggy ang ikalawa sa triplets at ang isang kapatid nito ay sa unibersidad din nag-aaral. Miggy is too outgoing to the point of being branded as party-goer. For her, he looks wild, spoiled and untamed. Way opposite of her type.

After she got her order, she proceed her way to the Waffle Station and bought creamcheese butter waffle. She's nibbling her waffle while finding a vacant seat na malapit lang sa electric fan. Since, it is still 3:15 PM masyadong mainit sa cafeteria dahil open space ito kita ang view ng Gymnasium.

She started opening her laptop and continued typing in the story that she's currently working on. It's her solace and it gives her motivation to finish OT para ang kanyang gusto naman ang mapagbiyan nang  magulang. She's not the type of person to push her wants in life and besides busy ang kanyang magulang sa business ng mga ito. Her parents is operating and the owner at the same time of Aranjuez Digital Advertising Solution na may isang warehouse sa Dasmariñas, Bacolod at ang warehouse at main office sa Cebu. Tatlo silang magkakapatid na nandito at nag-aaral sa Manila. Katunayan, siya ang unang lumuwas ng Cebu dahil gusto niya mag aral ng Journalism and Communication ngunit hindi pumayag ang kanyang magulang at sa halip ipinasok siya nang medical school at pinatira sa Condominium building na pag-aari ng pinsan ng daddy niya.

Now, she's killing time by writing in the school cafeteria full of students from different department while patiently waiting for Siaska's class to end, not to mention waiting for her next minor class.

You're my way homeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon