Chapter 10

15 2 0
                                    

Nakaupo sila sa bleachers nang school gymnasium at naghihintay nalang na magsimula ang laro. Kasalukuyan nang nag wa-warm up ang mga estudyante na sasalang sa laro. College of Pharmacy at College of Dentistry ang susunod na sasalang sa basketball court.

Si Miggy naman ay nasa kanyang tabi, tahimik at matamang nanunuod sa harap. May umupo sa tabi niya at sinundan pa nang maiingay na boses nang mga lalaki. Tinignan niya ang mga ito isa-isa at nakumpirma na medyo mapula na ang mga mukha nang mga ito. Bago pa siya makapagsalita ay naunahan na siya ni Miggy sa pagtatanong.

               "Did you guys drink?" kunot noong tanong nito sa mga kaibigan na pulam-pula ang mukha at nakikinuod sa harap. Hindi na kailangan nang binata ng kumpirmasyon. He changed seats with her. Ito na ngayon ang katabi nang mga lalaki. Napailing na lang siya.

               "I'm sorry about that. Did they make you uncomfortable?" he seriously asked her. His questioning eyes was a bit intense. Wala naman talaga kaso sa kanya iyon. Her cousins in Cebu used to go and visit their house and get drunk, sasamahan pa ito nang bunsong kapatid na si Isy sa paglalasing.

               "No. I'm fine. Although are they allowed to get inside the school premises?" She's aware that it's Intramural's week, but it doesn't mean that the rules and regulations of the school were also lifted.

               "No," he stated a bit cockily "Kasi gawain rin iyan nang nakakarami." Tugon nito "No one will dare. As long as there's no fights or chaos, then the school heads doesn't have a problem with that."

               "Ito nga si Pipoy noon, pumasok nang klase nang nakainom. Mabuti at long test lang iyon at pagkatapos ay pwede na silang lumabas. Iyon nga lang hindi rin umabot ang score niya sa passing. Wala pa rin." pabirong inakbayan pa ni Lance si Pipoy na nagsisimula nang masira ang ekspresyon.

               "Gago ka!" akmang susuntukin nito ang kaibigan ngunit may nagpahabol pa sa panunukso.

               "Man, muntik ka na nga um-absent sa klase kasi akala mo wala kang klasi kahit midterm exam na noon. Buti nalang nagkasalubong kayo nitong si Jao sa labas." Pikon na pikon na talaga ito base sa expresyon nang mukha.

               "Huwag niyo nga pagtripan si Pipoy, baka maglalasing na iyan nang tuluyan." Hindi na niya mapigilang mangiti.

               "You guys are crazy." Nangingiting iling niya sa mga ito. Ilang sandali pa ay magsisimula na ang laro.

               "Let's bet. Sino sa tingin niyo ang mananalo?" nakangising sabi ni Paolo. Nagkislapan ang mga mata nang lahat, habang si Miggy ay napataas lang ang kilay. He gave them a boring look.

               "I'll put my bet on Dentistry." Jao proudly gave a meaningful look towards the court.

               "Ako naman sa Pharmacy," tugon ni Lance.

               "Boo hoo. Taga Pharma kasi babae mo. Landi ka lang eh," Nakaingos na sabi ni Jao.

               "Nope. Gusto ko lang opposite tayo" saka ito tumawa.

               "Gago! Pag kami nanalo libre mo kami sa Mcdo. Bawal KJ dito." The guys started to bet as well. Napagpasyahan nang mga ito na kung Pharmacy ang mananalo ay manglilibre sina Jao at ang iba sa Merci's nang isang case na beer, ngunit kapag naman Dentistry ang mananalo ay manglilibre si Lance at ang iba.

               "Choose your bet, Miggy's girl." Tanong sa kanya nang ilan. Umiling lamang siya. Wala siyang plano sumali sa trip nang mga ito. "Just choose any." Ungot pa nang mga ito. She glanced at Miggy, binigyan lang siya nito nang kibit balikat. Waring sinasabi na siya ang bahala kung sasali ba siya or hindi.

You're my way homeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon