Chapter 11

20 2 0
                                    

Nang bumalik ang binata sa pwesto na  nasa tabi niya, ito naman ang kinukulit nang barkada. Lance started to push Miggy to sing a song. She haven't heard Miggy sing though, lalong-lalo na hindi niya alam na kumakanta rin pala ito.

"Kung hindi mo kasi naitatanong, Missy, eh marunong kumanta iyang si Miguel." Untag ni Leandro. Hindi pa rin sumusuko sa request nito. Kulang nalang ay isadsad na nito ang song book sa pagmumukha nang binata.

Habang si Miguel naman ay umiilag lamang sa mga ito. "Ang kukulit niyo. Kung gusto niyo kumanta, kayo kumanta." Naaalidbaran na tugon nang binata sa mga ito. Nag-irapan ang mga lalake sa turan nang binata.

"KJ mo naman. Sana hindi ka sagutin." Pabulong lang ang pagkakasabi ni Jao ngunit narinig pa rin niya. Ini-one shot nito ang laman nang shot glass saka tumingin sa kanya. Bago pa siya makahuma ay nasa harapan na niya ang shot glass na naglalaman nang alak.

Hindi naman siya umiinom ngunit ayaw niya rin naman mapagsabihan na KJ. Nakaumang pa rin sa kanya ang shot glass habang nakatunghay sa kanya ang mga ito. Akmang kukunin na niya ang baso nang inagaw iyon ni Miggy.

Nanlalaki ang matang tumitig siya rito. "I can drink." Untag niya. Inisang lagok lamang nito iyon. Kawawang atay. Umiling lamang ito sa kanya. Binigay na nito ang shot glass kay Jao na umiiling rin.

"Not today. Hindi kita isinama dito para maglasing." Saka nito inilagay ang kanang kamay sa likod nang kina-uupuan niya. Hindi niya maiwasang maging conscious sa katawan nitong malapit sa kanya. Naka-simpleng t-shirt lang ito at maong na pantalon ngunit kitang-kita pa rin ang kakisigan. The way his arms flex when he stretched it, is enough to make girls crazy. She's not exempted to that.

"So kumakanta ka?" tanong niya at tinitigan ang mga lalake na nagsisimulang kumakanta sa tabi.

"Marunong akong kumanta pero si Diego talaga ang musically inclined sa family. Kung ako at si Kuya Tonyo ay mahilig sa basketball. Siya naman ay parating pagba-banda at sumasali nang iba't-ibang gig ang hilig." Parati ang nakakatandang kapatid ang kasa-kasama nito pag naglalaro daw at ito rin ang naging dahilan kung bakit pinursigi nang binata na sumali sa basketball.

"I know he's part of a band or something. Pero hindi ko alam na kumakanta rin siya." Parati kasi niya nakikita ang gitarang nakasabit sa katawan nito. Noong nanunuod siya nang laro ni Miggy ay parating dala-dala ni Diego iyon.

"Maganda ang boses noon," he proudly said. May nakakaayang ngiti na nakapaskil sa labi. "Pero sa pagkaka-alam ko, pagiging guitarist ang focus niya." Saka ito nagkibit balikat. Paglingon nila sa may hagdan ay dumating na pala ang order nila.

Inilagay muna nang binata ang pagkain sa kanyang harap. Inasikaso muna siya. Isa itong rice pot at mukhang masarap din. Nakikinita pa niya ang sumisingaw na mainit-init pa nga ito.

"You try it. Masarap at mura lang." He gave her a set of utensils. "That's also one of their best seller here." Nagsimula na siyang kumain ngunit dahil mainit pa ay medyo naghinay-hinay siya.

They ate in a comfortable silence. Parang hindi sila naingayan sa nakapalibot. They just ate and sometimes take a glance from each other. Nang matapos silang kumain ay sinimulan na rin nang barkada na painumin ang binata. Game na game naman si Miggy uminom.

"Are you guys allowed to drink even though you have a game tomorrow?" tanong niya sa binata. Nagsimula na rin mamula ang mukha nito dahil doble ang binibay ni Jao na siyang gunner. Kay Miggy kasi napupunta lahat nang shot na ibinibigay sa kanya. Aliw na aliw rin ang mga ito sa panti-trip sa binata.

"We may look very irresponsible sometimes, but one thing that we all manage to agree is that we should not mess up basketball." Turan ni Leandro na tahimik umiinom sa gilid.

You're my way homeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon