Sa susunod na dalawang araw na practice nito ay hindi na siya nakapanuod sa practice game dahil wala siyang kasama at sabi pa nang binata na mababagot lang daw siya kakahintay. Kung kaya't sa mismong laro nalang daw nito siya papupuntahin.
Pagkatapos nilang kumain sa Mcdonalds noong isang araw ay inihatid siya nito sa ibaba nang condominium kung saan siya nakatira. Napagalaman niya na sa katabing building rin ito nakatira kasama ang kapatid at dalawang pinsan nito. Tignan mo nga naman.
Ngayong araw ang first game nila Miggy, mukhang College of Nursing ang unang kalaban nito. Wala siyang sinalihan na grupo para sa Intrams, mamaya ipupuslit niya si Siaska para makapanuod sila nang laro ni Miggy.
Kaninang umaga kasi nag text sa kanya si Miguel kung anong oras sila pupunta sa campus. Kahit wala naman siyang sinalihan na grupo ay naisipan niyang pumunta nang maaga sa campus para sa parade nang iba't-ibang grupo.
Napukaw ang atensyon niya sa grupong maingay sa gitna nang parade. "Miggy's girl. Miggy's girl!" hinanap niya ang nag-iingay na boses at natagpuan niya iyon sa layong gitna ngunit abot pa rin nang paningin niya. Kumaway ang may-ari nang boses at saka may itinuro ito sa kanang harap nito. There she saw the most handsome guy she has ever laid eyes in the campus. Juan Miguel.
Nang magtama ang mata nila ay sabay silang ngumiti at umiling nalang sa kalokohan nang kaibigan nito. Maingay pa rin ang paligid dahil sa iba't-ibang ingay nang instrument. Nang mapadaan na sa harap niya ang grupo na departamento nito ay nagsigawan ang mga kumpol na mga babae sa gilid niya, Natamaan pa siya sa balikat nang tumalon at nagtitili ang mga ito.
Nang tignan niya ulit si Miggy ay napakunot noo ito, ngumiti nalang siya at tinanguan ito. Pupunta nalang siya sa cafeteria mukhang hindi masyadong matao roon. Hihintayin nalang niya matapos ang parade. Lumakad na siya papunta sa cafeteria.
Kumakain siya nang brunch nang mamataan niya si Miguel na papalapit sa kanya. Nakasuot lamang ito nang white shirt at pambahay na shorts. Hindi niya maiwasang mapataas ang gilid nang labi nang makita itong nakamedyas lang at nakasuot nang tsinelas. She straightened her body and then waited for him to reach her. Ibinaba niya ang kutsara't tinidor at binalingan ito. Feeling close napaingos nalang siya sa sariling turan.
"Hi," bati nito saka ito umupo sa harap niya.
"Hello" mahinhin na bati niya rito
"Is that for breakfast or lunch?" kumunot na naman ang noo nito na baling sa kanyang kinakain na Noodles with egg.
"Both. Breakfast saka lunch, so Brunch na" may ngiti sa labi niya. Hindi niya alam kung kakain ba siya ulit o ano, kaya hindi muna niya pinagtuunan nang pansin ang noodles. It will be soggy later for sure.
"That's not healthy, also I sent you a text earlier. Hindi ka sumagot," siya naman ngayon ang napakunot noo sa sinabi, saka niya binuksan ang bag at tinignan ang cellphone. 2 text messages Napamaang siya.
Miggy school
10:29 AM
HI
Miggy school
10:41 AM
Hello. Where are you?
"Hala, sorry hindi ko nakita na nag message ka," hiyang-hiya na sabi niya rito ngunit iba ang naging reaksyon nito.
"Miggy school huh," ha? Mas lumalim ang kunot noo niya. "Wala, saan ka after?" tanong nito. Sinabi niya rito na baka pupuntahan niya ang kaibigang si Siaska pagkatapos kumain ngunit hindi siya sigurado kung papayagan itong lumabas sa library.
BINABASA MO ANG
You're my way home
RomanceYou tried being a good daughter, a reliable sister and a hardworking student, yet It's very hard to achieve one ultimate goal. It's not a medal, not a prize but your parent's love and attention. Simula't sapol alam na ni Yelena Missy Aranjuez ang t...