Chapter 9

28 3 0
                                    


Susunod na sasalang ay kasali na si Miggy. Nakita niyang tumayo na ang binata, saka nito inayos ang kulay puti at asul na combination na jersey uniform nito. Number 26. Iyon kasi ang jersey number nito sa likod. Umayos siya nang upo nang humarap ito sa kanya. Tumitig muna ito nang matiim sa kanya.

Hindi niya mapigilang mag thumbs up at nag good luck na naman rito kung kaya't napangiti rin ito. Tinapik ito ng coach saka ito tumakbo para sa laro.

"Wow naman, Miggy's girl. May pa good luck ka pang nalalaman," tukso nang katabi niya. "Gaganahan talaga maglaro si Martinez niyan." Umiling-iling nalang siya at napangiti sa mga pasaring nito. May mga lalake rin palang ubod nang tsismoso. Katulad nalang nang mga teammates nang binata.

Nakita niya kung paano naging alerto ang mga kalaban nito sa loob nang court nang pumasok ang binata. Doble ang pagbantay rito ngunit parang at ease lang si Miggy. Noong pinasahan ito nang bola ay nakita niyang pasimple itong siniko'han nang opposing team kaya ito napauklo ngunit hindi naging hadlang para hindi makuha ang bola. Umikot ito saka pinasa sa ka team na nasa kaliwa saka ito tumakbo at pinasahan ulit at nag attempt nang 3-point shoot. Bull's eye. Straigth inside the ring. Smooth kumbaga. Napahiyaw ang mga tao dahil smooth ang paghagis ni Miguel sa bola.

Hindi niya napigilang mapasigaw rin. "Walang palya talaga si Martinez," rinig niyang sabi nang mga babae. Puno na rin nang pawis ang binata kakatakbo. Nang hawak na ni Miggy ang bola ay napahawak sa ilong ang nasa tabi nito. Tila ba may sumiko sa ilong nito.

"Second foul number 26," Napaingos siya.

"Ang daya naman" hindi niya napansin napalakas ang boses na sabi niya.

Tinapik lang siya sa balikat nang katabi at tumawa "Ganyan talaga. Lumang style na iyan na ginagawa sa court kapag malakas ang opposing team." Mukha nga. Halata naman na hindi talaga nasaktan iyong taong iyon. "Gusto nilang palabasin agad si Martinez kaya foul nang foul ang mga iyan" napatango siya. Malaking tao kasi si Miggy at nahuhuli agad nang malaking kamay nito ang bola.

"Kaya ang gusto nila na hindi pa tapos ang second quarter ay hindi na makapaglaro o makapasok ulit si Miggy, di ba?" Bumalik ang atensyon niya sa harap. Halos hinihila na ang suot ng binata sa bantay nito.

"Yup. Bantay sarado talaga si Martinez. Kasi mahihirapan na sila pumuntos mamaya kung malaki na ang agwat nang score." Napasigaw ang lahat nang mapauklo si Miggy kasi nasikohan ito. Ilang saglit pa ay nagkumpol ang mga ito para sa free throw ng binata.

Mukhang puno nang pawis ang kamay nito kung kaya't hinawakan nito ang likod nang sapatos nito. Paulit-ulit na pinapahid ang loob nang kamay sa ilalim nang sapatos. Madalas niya rin makitang ginagawa ito nang mga pinsang lalaki noon Cebu pag naglalaro.

"Goo, Goo, Gooo Martinez" sigaw nang mga babae.Ngunit hindi rin nagpapahuli ang mga college of Nursing at naghiyawan rin ang mga ito para siguro ma distract si Miggy sa pag shoot nang bola.

"Goo, Migueelll, Kaya mo iyannn!" sigaw naman nang mga babae sa department nang binata.

"Go CAS, Go CAS, Go CAS" napahigpit ang pagkuyom niya sa mga kamay at napabaling pa talaga ang lalaki sa kanya saka nito itinaas ang dalawang kamay para mag shoot. Smooth pa rin. Nakapuntos ulit ito.

CAS-Opto – 25; NURSING – 19

Alam niyang nagsisimula nang umaagapay ang kalaban sa score kung kaya't si Miggy ay hindi pa lumalabas sa court. Hindi pa nagbigay ang coach nang ka-sub nito. Pawis na pawis na ito at naging mas tumingkad ang kulay nang buhok dahil sa pawis.

You're my way homeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon