Chapter 7

29 3 0
                                    

Mag-aalas singko na nang hapon ngunit walang tigil sa practice ang grupo ni Miggy. Nakikita niya na medyo istrikto ang coach nito kung paano ito mag-mando sa mga binata ngunit mabait naman, kung hindi related sa basketball ang pag-uusapan. Kinausap kasi siya nito kanina at tinanong kung naiinip na ba siya o nagugutom.

"Hija, baka nagugutom ka na o naiinip, okay ka lang ba?" napalingon siya sa nagsalita. Isang malaking mama ang papalapit sa kanya. Walang buhok sa ulo, Malaki ang katawan at kung hindi siya nagkakamali ay kaedad ito nang daddy niya.

Medyo nahihiya siya rito dahil bukod tanging si Miggy lang ang kilala niya sa grupo. Binigyan niya ito nang nahihiyang ngiti saka umiling. "Okay lang po ako. 'Wag nyo akong aalahanin." Tumango lang ito saka tumabi itong umupo sa kanya.

"Ngayon lang kita nakita nang malapitan," She was confused at the old man. Bumaling siya rito at binigyan nang naguguluhang tingin.

"Kadalasan kasi nakikita kita doon," tinuro nito ang labas nang gymnasium, 'yung malapit sa cafeteria. "Doon lang kayo kadalasan nanonood nang Basketball kasama yung kaibigan mo, di ba'?" tanong nito. "Huwag kang mag-alala. Normal lang naman magka-crush." Pinamulahan siya nang mukha at walang salitang namutawi sa kanya. "Palaisipan talaga sa akin, kung sino sa mga bata ko ang crush mo," nangingiting sabi nito.

"Anong oras po ba madalas matapos ang practice niyo?" umiiwas na tanong niya rito. Narinig niyang tumawa ito saka hinawakan ang ulo.

"Naka-depende iyan sa kanila." Sagot nito at ang mga mata ay nakatutok sa mga bata nito "Kita mo yun si Dexter, palaging late iyan sa mga practice. Si Jao naman, hindi halatang naglalaro lang hindi sineryoso ang practice. Iyan si Miggy naman naturingang team captain ngunit katulad lang nang mga kaibigan iyan." Tinuro nito ang mga lalaking nasa court na naghahabol nang hininga ngunit panay takbo.

"Madalas sumakit ang ulo ko sa mga ka-gaguhan ng mga iyan," bumalik ang atensyon nito sa mga lalaking hingal kalabaw na. Hinanap ng mga mata niya si Miggy. Nakita niya itong pinasahan nang bola saka ito pumusisyon para mag-shoot. Alam naman niya na three-point shooter ang binata ngunit hindi niya pa rin maiwasang humanga rito. "Himala nga at mukhang seryoso ang iyan ngayon," may ibang kahulugang sabi nito ngunit ipinag-kibit balikat nalang niya iyon.

Ilang sandali pa ay tumayo na ang coach at nilapitan ang mga ito. Bumilis ang tibok nang puso niya nang makitang papalapit sa kanya ang mga ito. Dahil naaasiwa siya sa mga tingin nang mga ito kung kaya ang naisipang niyang gawin ay ang kuhaning ang towel nang binata sa gym bag.

"Thank you,' turan nito nang abutan niya ito nang tuwalya. "Were you bored?" tanong nito habang nagpupunas nang pawis. Basing-basa na rin ang buhok nito. Naisip niya na may ibang mga lalake na medyo nakakadiring tignan kung basang-basa nang pawis. Miggy is different though. He looked much more attractive in her eyes, weird but she also thinks that Miggy also smelled nice.

"Hindi naman. I used to watch basketball games with my cousin way back home." Sagot niya rito. Para maiwasang maging awkward kinuha rin niya ang black tumbler nito. He murmured his thanks again, saka ito uminom. Napatitig siya rito habang umiinom at napaiwas nalang nang tingin. He's too hot and sexy while drinking, it's very illegal to be this handsome, she thought.

"Isang oras nalang, malapit na kami matapos. I'm sorry for taking so much of your time," Nag-eenjoy rin naman siya sa panonood na maglaro ang mga ito. Umiling lamang siya. Ilang sandali pa ay bumalik na ito sa gitna nang court.

Naisipan niyang kunan nang larawan ang kanyang mga paa saka niya pi-nost sa Facebook at Instagram story na may caption na a bit hungry. Nakita niyang ni-like ni Mea ang story niya saka ito nag reply nang Ako rin. Hindi kasi nakasama ang huli sa practice game dahil 3 PM ang flight nito pauwing Bacolod.

Maya-maya pa ay natapos na ang practice nang mga ito saka siya nilapitan ni Miggy. "I'll take a shower real quick. Just wait for me, okay?" tumango siya at nag desisyon na hintayin ang binata sa kanyang department. Tinignan niya ang orasan 6:38 PM medyo gutom na siya. Buti nalang may mga estudyante pa sa department. Ang iba ay may ginagawang costume at banner.

May nag vibrate at nang tignan niya ang cellphone nakita niyang may notification siya sa Facebook. Friend request from Juan Miguel Martinez. In-accept niya ang request nito. Ilang sandali pa ay nag reply ito sa kanyang story

Fr: Juan Miguel Martinez

Where to?

Dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot, hindi na lang siya nag reply. Nag-pasya siyang aliwin ang sarili sa pagtingi-tingin sa mga ginagawa nang mga estudyante. Nag vibrate ang kanyang cellphone ulit.

Fr: Juan Miguel Martinez

I'm done. Where are you?


To: Juan Miguel Martinez

RS dept.

Sent

Ilang sandali pa ay nakita niya ang pamilyar na mga bulto nang mga lalake. Bagong ligo si Miggy at fresh na fresh ulit ang mukha nito. He was wearing a white t-shirt with black jogger pants at naka tsinelas lang ito. Dala-dala pa rin nito ang gym bag at sa likod nito ay ang mga kasamang lalaki sa basketball.

"Hi," bati nito sa kanya. Saka nito sinuklay ang buhok gamit ang mga kamay nito. "Hindi mo ako sinagot kanina. Where do you want to eat," patuloy na tanong nito sa kanya.

"Anywhere," as long as ikaw ang kasama. Napailing nalang siya sa mga naiisip. May tumawag sa kanila galing sa grupo nito. Umagapay ang mga ito sa kanila.

"Miggy's girl, do you want to go with us," tanong nang isa. Pinamulahan siya nang mukha sa tawag nito at hindi alam anong sasabihin.

"Huwag ka naman asungot, Pipoy." Sabi nang isang lalake at kung hindi siya nagkakamali ito si Jao. Parte rin ito nang circle ni Miggy.

"Shut it, guys." Matigas na sabi ni Miggy. Aware siya na may nakikinig sa kanila na mga grupo nang estudyante. "Una na kami." Saka siya giniya nang binata palabas. "Okay lang sa'yo ang fast food?" tanong nito. Tumango lamang siya. Papalabas na sila nang campus papuntag Mcdonalds sa tapat.

Hanggang dibdib lang siya nang binata. Sa height niyang 5'4 maliit talaga siya kung tignan. Hinawakan siya nito sa siko saka siya pinauna pumasok nang fast food restaurant. "Anong sa'yo? Ako nalang o-order, just find a vacant seat." Gusto niya kanina mag rice, ngunit ngayon gusto niya naman mag burger.

"Big mac at fries, please," dudukot sana siya nang barya nang magsalita ito.

"My treat, how about your drink?"

"Large Royal" tumango ito at naglakad upang umorder.

Nakahanap siya nang bakanteng silya sa katabing bintana. Sinuyod niya nang tingin ang fast food at nakita na maraming estudyanteng nag-aaral. Naisip niya kung bakit dito nag-aaral ang mga ito na meron naman library sa school. Hindi tuloy makakain ang ilan. Napailing nalang siya.

Nang dumating si Miggy kasama ang order nila, umopo siya nang maayos. "Mabubusog ka na ba sa ganyang pagkain lang?" taong nito.

"Yes." Ewan niya ba kung bakit times two ang pagiging self-conscious niya pagdating rito.

"You should eat more, though." Sabi nito sa kanya. "Sorry nga pala medyo natagalan ang practice namin." Nagsimula na silang kumain.

"Okay lang. Mas mabuti nga iyon nang sa gayon manalo na naman kayo." Napabaling ito sa kanya. Tumango ito saka siya pinagbuksan nang ketchup para sa fries niya.

"Thank you." She appreciates all the small things Miggy does for her.

"Manood kayo nang game namin ha? Sama kayo ng kaibigan mo para hindi ka mabagot." He flashed her his real smile and her heart went overdrive. 

You're my way homeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon