Ingay nang vacuum ang gumising kay Missy sa umagang iyon. Napabaling ito sa bintana at saka sumilip. Tinanghali ng gising ang dalaga dahil mag-aalas tres nang umaga na ito umuwi galing sa party.
Inaantok pa siya ngunit may lakad siya mamayang hapon. Kinuha niya ang telepeno at tinignan ang orasan.
11:48 AM
Pipikit sana siya ulit ngunit naalala niya na kailangan niyang mag prepare nang tanghalian nila ni Isy. Mabigat ang katawan na tumayo siya saka nag inat. Pawisan na Isy ang dinatnan niya sa sala. Tatanungin sana niya ito kung anong ginagawa nito ngunit ayaw niyang makipag-away rito sa umagang iyon dahil medyo masakit pa ang ulo at mabigat ang kanyang katawan.
She walked to the kitchen and scanned the fridge. Sa totoo lang wala siyang gana kumain, mas gusto niyang humiga at matulog nalang ngunit may lakad siya. Inaalala niya kung bakit siya may lakad ngayon.
Medyo mapula na ang mukha nang kausap ni Missy. Sinikop niya ang kanyang buhok at ititirintas niya sana nang wala siyang makapa na pantali sa kanang kamay. Napailing nalang siya sa kanyang sarili.
"May pasok ka bukas?" bumalik ang kanyang atensyon sa kasama. Tanong ni Miggy saka nito nilagok ang laman ng kopita. Hindi niya talga kaya uminom nang pure alcoholic drink lang. Sa ayos nang binata mukhang gamay nito ang alak na iniinom nito.
Umiling siya at kumuha nang fries though it's it's a bit soggy already, it's still edible to eat. "Nope. I don't have a class. Usually kasi kino-consume ni Mrs Teves ang Research sa Friday para daw no need to report every Saturday." Tumango-tango ito saka ngumiti. Miggy really has a nice pair of teeth. Puro pantay ang mga ngipin nito from top then down. It's also not too white but not yellow as well.
Miggy's eyes were brown medyo makapal rin ang kilay nito and it would shame other girl's eyebrow for sure. Matangos ang ilong and those lips, for sure, It would be the softest lips a person can have.
"Gusto mo manood nang laro namin?," napatanga siya. She was not expecting that question. Hindi niya bukod akalain na darating ang araw na makapag-usap sila ni Miggy. Exchanging of Hi's and Hello's are acceptable but asking her to watch his game is different. Nang tignan niya ito nakatitig pa rin ito sa kanya at hinihintay ang kanyang sagot. "Actually, practice lang namin bukas and I was thinking if you're not busy you can come and watch our play." Balewalang dugtong nito saka ito nag lagay na naman nang alak sa baso.
"Okay pero sa tingin ko hindi makakasama si Siaska kasi may pasok siya sa Library. I'll try to ask Mea later." Tumango ito saka may kinuha sa likod nang pantalon nito. Medyo naguluhan pa siya nang pinasa nito sa kanya ang iPhone nito.
Tatanungin sana niya ito ngunit na unahan siya. "Please, type in your number." Saka ito umiwas nang tingin. Pasalamat siya at umiwas ito nang tingin dahil kung hindi makikita nitong pumula ang kanyang mukha. She type in her name on the contact list saka niya binigay ulit ang iPhone.
Tumahimik na naman sila ulit. Wala pang limang minuto nang makita niya ang ulo ni Siaska na nakasandal sa balikat ni Diego. Napatayo siya at sinalubong ang grupo. "What happen to her?" tanong niya sa nag-aalang tono.
"I think we should go, she's drunk." Sagot ni Diego. Naka-alalay ang isang kamay nito sa balikat ng kaibigan at ang isang kamay ay nakawak naman sa pulsohan. She squinted her eyes but Paco raised his hands in the air.
"Chill. She's a bit drunk na, kasi tinatanggap niya lahat nang shot na binibigay sa kanya nang mga tao sa dance floor" napailing na sabi ni Paco. May kinindatan pa ito sa kanang bahagi nito and she heard a girly giggles.
BINABASA MO ANG
You're my way home
RomanceYou tried being a good daughter, a reliable sister and a hardworking student, yet It's very hard to achieve one ultimate goal. It's not a medal, not a prize but your parent's love and attention. Simula't sapol alam na ni Yelena Missy Aranjuez ang t...