Chpater 4

46 4 0
                                    

Missy's on her way to get her laundry done. Actually, may washing machine at dryer naman siya sa condo, pero hindi niya kaya ang mabibigat na mga tela tulad ng sapin sa higaan, kurtina, at mga tuwalya, kaya heto siya ngayon sa ibaba ng condo papunta sa katabing building para magpa-laundry. Bitbit ang malaking laundry bag tatawid sana siya nang makita niya kung sino ang papasalubong din sa kanya.

Miggy is tall at kung hindi siya nagkakamali, nasa 6'ft or lampas 6'ft ang height nito. Mukhang galing ito ng McDonalds kasama ang kaibigan nito na si Paco, dahil bitbit pa nito ang large size cup na inumin.

Nang tumapat na sa kanya ang dalawa, napatitig siya kay Miggy. He looked so comfortable wearing a combination of plain white shirt and a pair of chino shorts. Missy and Paco are classmates in English 14 class, the reason why Paco slightly smiled at her. She smiled back and then continued her way to the Laundry shop.

"Ate, pa rush ko lang po itong towel." Saka niya hiniwalay ang ipa rush at yung hindi. Kay Isy kasi iyong tuwalya at may habit ito na pag walang extra towel gagamitin nito ang kanyang tuwalya. Speaking of the devil, tumatawag sa kanya ang kapatid. Sinagot niya ang tawag.

"Ate, did you eat na?" tanong agad nito sa kanya.

"I'm still full, kumain kami ni Siaska kanina sa Cafeteria. Why?" She heard her sister groaned. Kumunot ang kanyang noo. Sa tingin ni Missy alam na niya kung saan patungo ang kanilang pag-uusap. "Bakit nga?" walang sumagot sa kabilang linya. "Ano ba, Is? I'm kinda busy here" Nauubusan na siya ng pasensya sa kausap.

"Can you buy me one chicken burger, please. It's just ala carte, ate" Pakiusap nito sa kanya. Hindi na siya nakapagtimpi at sinermunan ang kapatid.

"Naubos na naman allowance mo? Ano ba, Is! Hindi pa nga nagkakalahati ang lingo ubos na naman allowance mo? Oh, c'mon, Is. Hindi lang ikaw ang may pinaggagastusan dito." I also have to buy some essentials from school at isang exclusive ticket na meet up nang isang writer. Subalit hindi niya itinuloy.

Lumaking spoiled ang kanyang kapatid. Maybe it's the youngest child syndrome or whatever. Isy never experienced having a big responsibility. Ang alam lang nitong gawin ay mag party, magbarakada at gumala. Kahit sa gawaing bahay hindi ito maa-asahan. Katunayan, siya pa ang naglilinis nang pinagkainan nito. Oh, God.Give me more patience.

Narinig niyang bumuntong hininga ang kapatid sa kabilang linya. "You know what, never mind." Binagsakan siya ng telepono nang kausap. Kahit kailan talaga parang ang dali lang kay Isy na tratuhin siya nang ganon'. She sighed exasperatedly and stormed back to her condo.


Kagagaling lang niya sa bathroom nang marinig niyang bumukas ang pintuan ng Condo. Naglakad siya papuntang sala at doon hinintay ang kapatid. "Is." Tawag niya dito. Pero parang hangin lang siya kung tratuhin ng kapatid. Pagkatapos nitong ilagay ang gamit sa sofa, nagpunta it sa refrigerator at may kinuha doon.

"Isy, I'm talking to you." Kalma niyang simula dito. Pero matigas ang kapatid. "Isy, you're becoming too spoiled and rotten." Seryoso na siya. "I'm still older than you." Uminom lang ito ng tubig. "Kapag kinausap ka nang maayos, sumagot ka rin nang maayos. It's called manners, Isabel. Stop being a child." Doon na ito humarap sa kanya.

"Then, stop acting like a mom. It's just a burger damn it" Umirap ito. Sa kanila talagang magkakapatid, parating sila ni Isy ang nagbabangayan. Isy is too spoiled and very free spirited. Walang kinaka-takutan. Hindi takot sa kanya o maging sa kanilang ate Stacie. Palaging pinagbibigyan ito nang magulang kahit puro party lang ang inaatupag, hindi rin ito kailanman sinita nang magulang mas siya pa ang pinagagalitan much to her annoyance.

You're my way homeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon