Simula
" Ano na guys? Pupunta ba o Hindi? "
Untag ni emma sa amin. Nandito kasi kami sa bench ng school na pinapasukan namin. We are 4th year college na, at inaayos lang namin yung mga requirements namin para makagraduate. Mahirap na noh! Baka mamaya hindi pa kami grumadweyt nito.
Pero yun nga, may usapan kasi kami na after namin magasikaso ng mga requirements sa school. Pupunta kami sa isang bar sa Quezon city. Sa adonis baby daw. Puro gwapo daw yung mga nandoon na ultimo yung jowa ko makakalimutan ko.
"Oo nga pupunta nga tayo! Excited much ka kasi e, mamayang gabi pa naman tayo pupunta dun."
"Kasi naman astrina, nakakaexcite talaga ! Si baklang naldo kasi sabi nya nakakapang- laway daw yung mga lalaking nandoon. Jusme ! Excited na talaga ako mga kups ! Hahaha"
Si naldo yung bakla namin na kaklase. Ito kasing si emma ang ingay ng bunganga kahapon. Nagpaplano kasi kami na mag mini celebrate para sa graduation day namin, at ang napagusapan ay ang magbar nalang. Tutal first time namin pare-pareho iyon kaya nag-agree kaming lahat.
At dahil excited nga ang gaga, iyon pinagkalat nya sa iba naming kaklase at nagyaya pa para daw madami kami. At itong si naldo narinig nya iyon at nagsuggest nga na dun daw sa Quezon city maraming bar na magaganda. At kung gwapo lang daw hanap namin e sa adonis baby bar nalang daw kami. Naglalaway pa ang gagang bakla habang sinasabi yung adonis baby na bar. Kaya yun, napagdesisyunan naming walo na dun nalang.
Niyaya nga namin sya para sana sya ang magturo Kung saan iyon banda, pero sabi naman nya maggoogle map nalang daw kami kasi nanggaling na sya kagabi doon.
"Tara na guys !" Anyaya ko sakanila at tumayo na, nagsitayuan na din sila.
"Pasa na natin ito para makauwi na at gumora na mamayang gabi. Hahahha text text nalang kung saan tayo magkikita-kita" masayang sabi ni princess.
Pumunta na kami sa professor namin para ipasa yung mga requirements na kailangan nya.
"Una na ako, babush! " Paalam ko sakanila at nagsitanguan nalang sila.
"Mamaya Astrid ah, wag kang talkshit!"
Tumawa nalang ako sa sinabi ni emma at nagbabye na.
Hayyst ! Ang jinet, gusto ko munang maligo. Wait lang ligo lang me para mamaya hindi na ako maligo at diretso bihis nalang. Tutal 5pm naman na, baka malate pa ako mamaya at mabungangaan pa ng maingay na emma
Ang hirap ng ganito yung feeling na parang ayaw mong pumunta na gusto mo. Kasi naman para kasing nagtataksil ako sa jowa ko e, Baka mamaya magselos yun at iwan ako. Hindi ko makakaya men ! Akin lang sya. Pero sana alam nya na akin sya at the same time ayaw ko din palang malaman nya at baka bumaliktad Yung ulo ko. Hahhaha
Naguguluhan siguro kayo kung totoong may jowa ba ako or wala.
Pero sa kasamaang palad Hindi ko sya jowa. Yung taong inaangkin ko ay Hindi ko talaga pagmamay-ari, sa utak at puso ko oo, pero sya may taong umaangkin sakanya at legal iyon. Sa akin Kasi ako lang ang nakakaalam at mga kaibigan ko.
Mahirap na pag nalaman nya baka ihampas nun ang ulo ko sa pader.
Pakshet kasi Yun e. Hate na hate ako, wala naman akong ginagawa sakanya. Masama bang umibig ako at sa kabutihang palad e sakanya pa.
Pero itaga nya Ito sa itlog nya. Mapapasa akin din sya. Hahahha ! Pang anghel na tawa yan para maganda.
Pagkatapos ko maligo. inayos ko muna yung nga susuotin ko, hindi kasi ako excited. Kaya kahapon palang inisip ko na yung mga susuotin ko.
Hello baby ! Wag kang magalala, behave ako mamaya dun sa bar. Kahit gaano pa kagwapo yung mga nandoon, ikaw pa rin ang bibi ko, ang bibi ko kahit iba ang kapiling mo, kapiling mo. Ipagdarasal pa rin kita na sana maghiwalay na kayo ni ipis at nang mapa sa akin kana, Bwahahhaah tawa ng magtatagumpay palang.
YOU ARE READING
Mine
Romancelet me tell you story about a girl and a boy, she fell in love with him but unfortunately walang gusto sakanya yung boy. sad life? What if magkabaliktad? Cliche? Maybe yes, maybe not. Sabay-sabay nalang natin alamin ang talambuhay ni Astrid Gray...
