Kabanata 3

16 2 6
                                    

At nang naayos na. Nagsiupo na rin kaming lahat, pero may isang bakanteng upuan tatanong ko sana kung may nakaupo ba dun. Ng may humila na nito at inupuan ng isang lalaki din.
Wait! Bat parang pamilyar yung katawan ng lalaking ito at yung damit nya?

Siya iyon! Yung nakabangga ko shet bat parang kinakabahan ako? At the same time ang bilis ng tibok ng puso ko na alam ko na sa iisang tao ko lang nararamdam ang ganitong pakiramdam.

Yung katawan nya, boses nya halos parehas sa isang lalaking gabi gabi kong iniimagition. Paramg krimstick, imagination ang limit mo. At sana pag dumating na ako sa mukha, sana hindi sya kasi baka tumakbo ako pauwi nito.

"Oy klein pakilala mo naman kami sa mga klasmeyt mo!" Sigaw ng isang lalaki na kaharap ko at sakanya ako napatingin.

"Mga classmate mo klein? Baka isumbong ka nyan sa prof nyo hahhah"

Nanigas ako sa kinauupuan ko.
Confirm! Kahit hindi ko na tingnan ang mukha nya alam kong sya yon, at hindi nga ako nagkamali ng sikuhin ako ni emms

"Astrid! Yung jk mo!" Bulong ni emma saakin. Sinenyasan ko sya na manahimik, ganun na din sa dalawa. Nanlalaki pa ang mga mata  nilang tatlo. Paano ba naman, hindi rin siguro sila makapaniwala na makikita namin dito ang lalaking kinababaliwan ko, at ang mabuti hindi alam ng lalaking iyon kung gaano ako kabaliw sakanya.

"Hindi jack, mababait yan. Lalo na itong si astrid?" Sabay pisil nya pa sa pisngi ko, hinampas ko nga.

Nagsitawanan silang lahat sa ginawa kong paghampas kay klein. Habang tumatawa sila, sinulyapan ko naman ang lalaking 8 years ko ng minmahal.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or maiinis na maiiyak! Kasi baka mag-iba yung tingin nya sakin, kahit na hindi nya pa ako kilala or kahit kilala na nya ako nakalimutan nya lang baka akalain nya easy to get ako at mahilig magbar. Kasi siguro hindi naman noh? Kasi kanina habang nagsisitawan sila lumingon sya sakin at sa inumin ko. Kumunot pa nga yung noo nya sa pagkakita ng dalawang can ng pineapple juice at nang lumaon may sumilay na ngisi sakanyang mga labi.

Dapat makaramdam ako ng insulto or inis sa inakto nya. pero salungat kasi kinilig pa ako! Shet naman! Parang gusto ko syang yakapin at ikiss sa pwet sa sobrang pagkamiss. Pero wait bat parang  hindi nya kasama si galema? Break na sila? Hmmp sana nga, hayf na galema yon mangaagaw kaya lang naman naging sila ni jk dahil inahas nya.

Akin pa rin si jack kennedy tandaan mo yan galema!

(Mangarap ka astrid!)

Shut up inner self! Baka jombagin kita

(Edi meow!)

"Ano okay lang ba talaga na makisali tayo kila klein? Hindi ba nakakahiya" bulong ni ava sakin

"Siguro pwede naman para madami tayo. Tsaka pagkakataon ko na din ito kasi andito yung mahal ko"

Humagikgik lang si mia at emma sa sinagot ko kay ava.

"Ang lantud mo talaga astrid kahit kailan!" Say ni emma

Wapakels inggit lang itong bruhang to e! Palibhasa wala rin jowa.

"Okay guys!" Si klein na tumayo sa gitna namin lahat at kinuha ang goblet na nasa ibabaw ng lamesa, kumuha rin sya ng kutsara at itinaas ito.

"Baka tayo magumpisa. Gusto ko magpakilala muna tayo sa grupo nila astrid, although kilala ko na sila kasi nga mga classmate ko sila kayo nalang guys ang magpapakilala kasi hindi pa nila kayo kilala."

"Sakit mo sa tenga klein! Parang puro kilala yung naririnig ko" medyo inis kong sabi kay klein at nagsitawanan naman sila.

Wow ha! Close na tayo? Mahal kong jk lang ang gusto kong iclose sainyong lahat. Hindi lang basta close up toothpaste gusto ko may kiss pang kasama

"Hahaha siguro astrid crush moko lagi kana lang naiinis sakin e." Tapos tiningna n nya ako mula ulo hanggang bewang kasi hindi na nya makikita yung paa ko dahil nakaupo ako.

"Sino mama mo? Dami mong emes klein tigilan mo ako. Ituloy mo nalang yan"
Pagkasabi ko nun inirapan ko ang emes na klein sabay tingin sa lalaking nasa harapan ko. Titig na titig sya sakin habang nakangisi.

Pakshet ka jk. Tigilan mo yan baka hindi ako makapagpigil hubaran kita dito sa loob ng bar.

(Ang harot mo akala mo naman papatulan ka nyan. Hahha habangbuhay kana lang mangangarap sakanya astrid!)

Hayuf na inner self to! Sarap patulan e

Kung alam mo lang siguro na gustong gusto kita tingnan mo kaya ako ng ganyan? Sana sa susunod hindi na ngisi yung bibigay mo sakin sana kahit flying kiss man lang.

" so ayun nga. Guys pakilala kayo kila astrid." Pagkatapos sabihin ni klein iyon sabay na nagtayuan ang mga kasamahan nya at nagpakilala.

"Hello I'm lucas" sabi ng mestizo at matangkad na lalaki matangos ang ilong at mapupula ang manipis ang labi kay emma. Gwapo pero syempre wala pa rin tatalo sa alaska, condensada kay papa ej
At ang bruha ayown nakakanganga. Kung hindi ko pa siniko baka tuluyan ng tumulo ang laway ng gaga.

" ay, hello my name is emma! Ems nalang for shirt at m&m for shortest hihihi" kinikilig na sagot ni emma.

"Hahhaa okay ems!" Sagot naman ni lucas at naupo na sya. Bastos din ito si lucas noh? Kay emma lang nagpakilala tsk parang nagayuma agad ni emma ah.

"Hello my name is gio and you are?" Pagpapakilala naman ng isang moreno at matangkad din na lalaki kay ava medyo may pagkulot ang buhok nito na 2 by 3 ang gupit. Hawig sya ni kuzma, kuzma na hindi pa tuli hahah jk. Gwapo sya ito sinasabi nila na tall and dark handsome. Sa baba nya kaya tall din? Pero feel ko sa mahal kong si jk tall and big yun panigurado!

"Ava nalang. Nice meeting you." Ngiti ni ava at yung bumbay nyang mata ayun lumiliit. Kinikilig siguro ang gaga.

Sabay silang umupo ni gio pagkatapos nilang magpakilala sa isat isa. Pero wait bat ganun. By partner yung pagpapakilala nila. So ibig sabihin malaki ang chance na mahahawakan ko ang kamay ni jkbpag saakin sya nagpakilala. Shet wala pa nga pero naiihi na ako sa kilig! At ang natitira nalang ako at si mia.

Habang nagiisip ako kung sino sa amin ni mia ang sunod. Biglang tumayo ang lalaki sa harapan ko walang iba kundi ang asawa ko. Char!

Iniangat ko ang ulo ng nilahad nya sakin ang kamay nya. Parang matatangal ang puso ko sa kaba at maiihi naman sa kilig. Pakshet! What I'm going to do? Should I accept his hands or kiss him or hug or just kiss kiss and make love? Napapaenglish na ako. Shemay nakakatense shake hands palang yan ah what more pag hinawakan nya pa mukha ko.

Natigil ako sa pagiisip ng may biglang kumurot sa tagiliran ko. Walangyang emma sakit ah.

"Ano astrid titigan mo lang? Nakikipagkilala sayo yung ma- este yung tao. Dalian mo na nakakahiya kanina pa nakalahad yung kamay nya. Akala mo chicks ka?"

"Oo chix talaga ako. Palibhasa ikaw inahin e! Ito na nga o!"

Tumayo ako at tumingin muna sa mga kamay nya. Parang hindi ko kasi kayang tingnan sya sa mga mata at baka mahalata niya na matagal na akong may lihim na pagtingin sakanya.

"Hello miss! Ako nga pala si jack. Joker ka pala noh hahhaha katuwa ka" tumatawa nyang sabi. Shemay kinikilig ako

"Ako nga pala si astrid. Lumaki sa tabing ilog kasama ang mga butete na alaga pa ng lola ko"

"Ah? Totoo ba yan? Hahhaha kumusta na sila ngayon naging palaka na ba?" Tanong nya sakin na parang gustong tumawa ng malakas.

"Ano ba astrid umayos ka nga! Magpakilala ka  ng maayos, itong babaeng to pasaway e" 

Saway sakin ni mia. Sya kasi pinakamatanda sa amin kaya gusto nya laging seryoso. Tatandang dalaga to pustahan.

"Just kidding" ngiti ko sakanya at tinanggap ang kamay nya.

Ako lang ba o hinigpitan nya talaga ang paghawak sa kamay ko. Dahil dun napatingin ako sakanya at nginitian nya lang ako ngiting abot sa mga mata nya.

"Just kidding na name mo ngayon?"

Hirit ni ava! Minsan ang sarap manampal ng kaibigan noh? Masyadong panira.

MineWhere stories live. Discover now