Kabanata 1

33 3 0
                                    

"Sa wakas! Naandito ka na din Astrid, anong nangyari sa 7pm na meet up natin? 8 pm na neng, hiyang hiya talaga kami sayo e"

"Sorry na agad !" Hinihingal kong sinabi.
"Naligaw kasi ako. Mali yung pinagbabaan sa akin ni manong driver."

si manong driver kasi e, sabi ko sa mismong harap ng mcdo, sa likod ba naman ako binaba. Edi naligaw ako.

"Hayst, ewan ko sayo! Tara na, para makarami tayo" si mia isa rin sa mga kaibigan ko at classmate ko din.
Nilingon ko pa yung mga ibang Kong kaibigan na sasama.

"Apat lang tayo? Sila olivia  hindi sumama?" Tanong ko kila mia, emma at ava
"Hindi sila pinayagan nila tito." Sabay na sabi ni mia at ava

"Ah, sayang naman. Kumain na ba kayo? Ako kasi nagugutom na e"

"Hindi Ka ba kumain sainyo bago umalis?" Iling lang ang naisagot ko sa tanong ni mia, kumunot noo naman si emma

"Wag mong sabihin kakain Ka pa? Dun kana lang kumain sa bar na pupuntahan natin. Tsaka anong oras na oh? " Sabay tingin nya sakanyang orason na nasa kanyang pulsuhan."babyahe pa tayo. Hanggang 12 lang ako."

"Ako din" halos sabay-sabay naming turan na tatlo.

" Pang pulutan lang naman yata, ang mga pagkain na naroon? Mag take-out nalang Kaya muna ako Ng burger?" At nilingunan ko ang bandang cashier Ng mcdo na kung saan ang daming nakapila. Shemay ! Ang dami palang tao. Magsasalita pa sana akong muli ng Makita ko ang pagmumukha ng tatlo Kong kasama na sinasabing

"Pipila Ka? Aabutin ka pa nyan, ng syam-syam bago matapos. Sa tindahan nalang sa labas, skyflakes nalang bilhin mo muna."

" Hehehe, Sabi ko nga. Tara na"

Nagsitayuan na kami at naggrab nalang para hindi masyadong hussle. Para dun na rin kami ibaba mismo sa bar na pupuntahan namin.

"Kinakabahan ako" untag ni mia, ang pinaka mahinhin sa aming lahat. Sya ang pinakaligawin sa amin.

"Ikaw Lang ba? Ako parang maiihi sa kaba. " Si ava, ang kaibigan kong mukhang bumbay. Kaya minsan tinutukso sa classroom namin na 5'6 daw, at banig. Maganda sya. Kaso medyo masungit lang talaga. Kaya mas lalong inaasar.

"Iiihhh!"
Napalingon naman kami sa isang babaeng Kung akala mo makatili e parang pinilipit sa leeg, na nakaupo sa passenger seat at walang iba kung hindi si emma.

"Basta ako excited! Hello mga loverboy, here I come hihihih" tumitirik pang mata ng tawa nya. Jusko parang manananggal na itong kaibigan ko

" Ewan ko sayo! " Natatawa kong turan sakanya. Nilingon ko yung driver at nagtanong
" Sir, malapit na po ba tayo? " Sumagot naman ang driver kahit hindi ako nilingunan.

"Yes. ma'am ililiko ko lang po Ito. Para makapagpark po tayo ng maayos" nakangiting nyang sagot sa akin. Nagpasalamat ako at hinintay nalang namin na magpark Ito.

"Hanggang dito nalang po tayo mga ma'am, itatabi ko lang po"

Tumambad sa amin ang isang establisyementong medyo maganda at mukhang Mahal ang bayad pag nakapasok kana. May mga ilaw ang bawat letra na Adonis baby Bar, kulay red and pink Yung mga ilaw. Medyo malayo pa kami sa sa pintuan ng mismong bar, Kaya nagsibabaan na kami sa sasakyan ni sir na grab driver at nagbayad na.

"Salamat po. Ingat po kayo sa biyahe" paalam namin kay manong grab.

"Maraming salamat din mga ineng, at magingat din kayo" at sumakay na syang muli sakanyang sasakyan at pinaandar Ito.

" Ito na guys ! Nandito na tayo" ngiting kong sabi kahit kinakabahan ako. At pansin ko rin sakanila iyon, kahit nga si emma na excited nakanganga lang e

Nagsimula na kaming maglakad, at napahinto ng hinarang kami ng dalawang bouncer na matataba. Hindi sila yung typical na sinasabi nila na malalaki ang katawan at mamuscle ang buong mukha.

"Bawal kayo dito miss" turan ng isang bouncer sa amin

"Bakit naman po? Hindi bar ito?" Tanong ni emma na medyo naiinis pa

"Oo bar nga, pero hindi sya katulad na bar na iniisip nyo. Gay bar ito, at bawal ang mga Babae dito ! "

Natatawa pa nilang sabi

" Whhaatt? Pero sabi sa amin ng classmate namin. Maganda raw dito at madaming gwapo! Paano yun sir?"

"Bakla ba iyang classmate nyo?" At sabay sabay kaming napatango.

"Hahhaha kaya pala. Niloko kayo ng classmate nyo! Oo maraming gwapo diyan, pero gwapo din yung hanap hahhaha" at sabay pa silang nagtawanang dalawa.

"Sige po, salamat po sa information. Una na po kami." Hindi na kami nakipagtalo kasi wala rin naman kaming mapapala.
sinimulan nalang naming maglakad paalis doon.

" Nakakainis! First time na nga lang natin magbabar, epic fail pa ! Gay bar pala iyang Adonis baby bar na iyan. Lintik na naldo, napagtripan pa tayo. Bukas ka lang sa akin na bakla ka!" Nangagalaiting sigaw ni emma. Natatawa nalang kaming tatlo sakanya

"Hahahha kya pala kinakabahan ako! Gay bar pala yun. Madudungisan pa ang maganda kong mga Mata" si ava na inaayos pa ang pilikmata habang sinasabi ang mga katagang iyon.

"Mabuti nalang talaga Hindi tayo nakapasok! Nakakatakot pala dun." Ngumingiwing mahinhin ni habang sinasabi iyon.

"Ako kanina sa bahay, iniisip ko pa na pagtataksilan ko panandalian yung jowa ko dahil sa lakad natin. Tapos malalaman ko Gay bar pala. Shemay! "

"Hoy! Hintayin ninyo ako!" Mga hampaslupa iniwanan nalang ako basta pagkatpos kong sabihin iyon.

"Mga letchugas kayo! Bakit nyo ako iniwan?" Hinihingal kong sabi.

"E Kasi naman, habang nagsasalita ka nagdadaydream ka pa! Kaya inunahan ka na namin sa paglalakad." Paliwanag ni mia

" Tsaka, kaya ka rin namin iniwan e wala ka naman kasing jowa!" Si emma habang tumatawa na pang-asar

"Nahiya naman daw si magandang ako, e ikaw nga wala rin e" yamot kong sabi sakanya.

"Magkakaroon na ako, wait ka lang"

"Hahahha ewan ko sainyong dalawa" si ava bumbay.
"Uuwi na ba tayo?"tanong ni mia at sinilip ang kanyang relo na nasa kanyang pulsuhan.

"8:30 palang naman, try natin sa iba. Marami naman na bar dito e"

"Tara" sabay sabay naming sagot na tatlo.
isipan nalang natin na nagroad trip Tayo hahhaha"

MineWhere stories live. Discover now