"Wapakels!" Sagot ko kay mia. Inirapan lang ako. Binelatan ko naman syaAfter namin magshake hands sabay na kaming umupo. Pero hindi pa nga ako nakakaupo ng maayos ng magsalita sya.
"May boyfriend kana ba?" Muntik na akong mabilaukan sa tanong nya.
Mabuti nalang walang laman bibig ko. Napaubo naman ang mga katabi ko. At yung dalawa nilang kasamang babae na wala kanina ngayon andun na at inirapan ako."Wa-"
Sasagot palang single at ready to chukchakan ng biglang nagsalita yung katabi nyang lalaki"Sandali lang dude! Hindi pa ako nakakapagpakilala." Sabay tingin nya kay mia na seryoso lang.
Tumayo siya at naglahad ng kamay kay mia.
"Hello pretty lady! I'm justin"
Ngiting pang pakboy. Hmm gwapo sya e mukha syang foreigner siguro half ito. Half mongoloid. Pero seryoso gwapo sya lakas makahollywood ng mukha e pero jk ko pa din.Tumayo din si mia at tinanggap nya ang kamay nito. At kinagulat namin hinalikan pa ng justin na iyon ang kamay ng ate mo mia. Kalufet! Sana orl
Kung kanina iniirapan ako nung dalawang babae ngayon parang papatayin na kami ni mia sa mga tingin nila. Hmp! Subukan lang tanggalin ko mga buhok nila sa kilikili!
"Ang bilis mo naman tol! Si mia pa talaga napili mo ah! Hahhaha naku mas mahinhin pa yan sa akala mo."
Tatawa tawang sabi ni klein. Tumawa lang din si justin at si ate mo mia naupo na din. Medyo namula din gwapo kasi kilig pempem si ate girl. Charot!
Pati pala si justin naupo na din mukhang inaantay nya na sabihin ko na umupo na din sya e.
"Ay ito nga pala sila dina at brenda guys!" Pagpapakilala ni klein sa dalawang babae na katabi nya.
"Hello" sabay namin sabing apat. Umirap lang ang dalawa. Aba! Talagang ayaw nyo kaming tigilan sa kakairap nyo ah! Mahanginan sana yang mata nyo!
After namin magpakilala sa isa't-isa inumpisahan na ni klein kalampagin ang goblet na hawak hudyat upang magumpisa na sa inuman.
Pero hindi ako mapakali, gusto kong ituloy ni jk yung tanong nya kanina. nakakabigla kasi e never sa hinagap kong tatanungin nya ako ng ganun katanungan. Hindi nya ba talaga ako namumukhaan? ako yung batang dugyot na lagi nyang inaaway nuon.
Kahit inaasar nya ako. Ako naman si adik ayun minahal sya ng patago at pilit pinipigalang hindi umiyak o kaya wag syang suntukin sa tuwing pinagttripan nya ako.
9 years and still counting ang relationship namin, na ako lang nakakaalam. Hayst! Ano kayang mangyayari sakin pag nalaman nya na matagal na akong may gusto sakanya.
Maiinlove din kaya sya sakin? Sayang kung alam ko lang na Makikita ko sya sa bar na ito at nasa isang table pa kami edi sana kinuha ko yung gayumang pinamana sakin ng lola ko at nilagay sa inumin nya hahha charot!
Hay! Paano ka ba mahuhulog sakin?
Kailangan ko bang"Aray" maktol ko kasi biglang may sumiko sakin. Bwiset na emma to'
"Kanina pa kasi nakatulala e! Ano bang iniisip mo?"
"Marami. Una kung paano ka ahitan ng kilay ngayon!" Badtrip e nagiisip ako ng matiwasay dito tas biglang eentra. Kontrabida talaga!
Nawala badtrip ko ng may marinig akong mahinang tawa na nangagaling sa lalaking katapat ko.
Bat ganun parang may dumaang bubuyog sa paligid ko! Char
Kinilig ako. Mukhang napatawa ko nanaman yung mahal ko, sana next nito magnanasa kana sakin! Ay pusang gala ano ba itong pinagiisip ko.
(Sus! Sadyang manyak ka lang talaga!)
YOU ARE READING
Mine
Romancelet me tell you story about a girl and a boy, she fell in love with him but unfortunately walang gusto sakanya yung boy. sad life? What if magkabaliktad? Cliche? Maybe yes, maybe not. Sabay-sabay nalang natin alamin ang talambuhay ni Astrid Gray...