Kabanata 2

26 0 0
                                    


"Aray! Sakit na ng paa ko!"

"Wala na bang katapusan ang paglalakad nating ito?" Untag ko sa tatlong nasa unahan ko

"Pagod kana agad astrid? Nakakahiya naman kakalagpas palang natin dun sa kantong malapit sa adonis bar nagrereklamo kana?"

Galit na agad ang ate mo emma. Kaya hindi nagkakajowa e mainitin yung ulo hahhaha

"e sa masakit nga e, tingnan mo nga yung paa kong mas malambot pa sa mukha mo namumula na e"

Sabay tingin nila sa paa kong nakasuot ng sapatos

"Astrid. Naranasan mo na bang masipa sa mukha? Paano namin makikita e nakasapatos ka, mas malambot pa sa mukha ko? Talaga?"

Nanggagalaiting lumalapit sakin si emma habang sinasabi iyon.

"Oops! Tama na yan. Baka mamaya magbugbugan pa kayo dito ah, nakakahiya!"

Pigil ni ava kay emma na papalapit na sakin

" kaya nga! Tama na yan actingan nyo, maghanap muna tayo ng bar na masisilungan kasi mukhang uulan o"

Sabay sabay kaming napalingon at natawa sa sinabi ni mia

"Hahahahha Lt! Imbes na waiting shed ang pagsisilungan natin. Sa bar ang gusto mo hahhaha infairness mia upgraded kana!"

Poink!

"Aray! Para saan yon?" Binatukan ba naman ako

"Anong upgraded ka dyan! Malamang yun lang naman yung best way na sisilungan natin."

"Hayaan nyo na yang si astrid, gusto nya yata sa labas. Maliligo yata sa ulan yan hahhaha tara na may nakikita na akong bar"

May patili pang untag ni emma!  Pokers talaga. At nagsimula na silang maglakad wala yatang balak hintayin ako, mga beach!

"Hoy saglit!" Tinakbo ko ang distansya nilang tatlo

"Iiwan nyo talaga ako?"

At sabay sabay namang silang nagsitanguan! Mga hayuf!

"Susumbong ko kayo kay ej! Pinagkakaisahan nyo ako huhuhu!"

Poink, poink,poink

"At para saan yung mga batok nyo ah? Ang sakit!"

"Bakit sino ba kasing maarte yung huminto sa paglalakad dahil masakit yung paa nya, diba ikaw? At tinakot mo pa kami ah e hindi ka naman kilala ng ej mo na yan hahhahah"

at nagsitawanan nga ang mga beaches!

" tandaan nyo itong gabing ito! Pag si ej napansin ako at nainlove sakin, hindi ko kayong kukunin ninang sa anak namin!"

"Sige astrid mangarap ka pa!" Say ni emma at nagsitawanan pa nga

"Mga beaches!"

At nauna na akong maglakad sakanila

"Hahahha si astrid na 8 years ng nangangarap na mapansin ni ej ay nauuna sa paglalakad, hindi naman nya alam ang daan papunta dun sa bar na nakita ko hahhaha"

"Talaga lang ah? Hindi ko alam? E ano yang nasa harapan natin"

At sabay sabay silang lumingon sa tinuro ko. Nasa harap kasi namin ang isang establisyemento na kulay black at nakasulat sa tuktok nito ay Guilly's bakeshop ay mali guilly's bar pala

"Wow astrid galing mo! May pagasa kana kay ej mo hahhaha"

"Beach"

say ko sa sinabi ni emma. Badtrip e biglang ganun!

MineWhere stories live. Discover now