Kabanata 6

28 1 2
                                    

"Totoo ba astrid na isasabay tayo ni jack?" Tanong ni mia saakin.

"Oo. Sabi nya e"
Sagot ko sakanya. Ako din naman hindi pa rin makapaniwala.

"Sa likod ka astrid sumakay mamaya" bulong ni emma sa likod ko.

Nasa labas na kami ngayon ng bar. Sila klein nauna na umuwi at yung ibang tropa pa nila. Ang natira nalang ay kaming apat at si jk ko.

Na ngayon ay umalis sandali para kunin yung sasakyan nya.
Sana ol may car diba! Sabagay mayaman kasi yang mahal ko e ako isang dukha lamang. Char!

"Pag kasya tayong tatlo. Pag hindi edi sa kandungan nalang nya hehhe" sinamaan nila ako ng tingin at kinurot.

"Ang harot ah! Ginayuma mo ba si jk mo at parang nagkabaliktad yata kayo ng sitwasyon.?" Paratang sakin ni emma habang yung dalawa nakapamewang pa.
Mga chismosa!

"Adik! Hindi ko nga nadala e. Kahit nga ako hindi ko din alam! Pero keri lang, jk na yan o aarte pa ba?" Taas kilay ko sakanilang sagot.

Mainggit kayo! Ako ang mauunang magkakajowa sainyong lahat. Bwahahhahah!

Magcocomment pa sana sila. Ng may humarang na sasakyan sa harap namin. Isang ford ranger na color black. Sa sobrang tinted hindi mo makikita yung tao sa loob. Tss! Pang playboy na sasakyan.

Sabi kasi nila pag sobrang tinted daw ng sasakyan mga babaero daw yun. Pero di ko sure kung true. Alamin nalang natin next time.

Ano ba itong sasakyan na to' masyadong mayabang kailangan sa harapan pa namin magtambay? Ganun na ba kami kamukhang dukha!

Gigilid na sana kaming apat ng biglang magbukas ang bintana nito.

At tumambad saamin ang guwapong mukha ng mahal ko.

"Hop in. Ladies" pagkasabi nya nun nagkatinginan pa kaming apat. Ako na ang naunang sumakay. At agad na din naman silang sumunod sakin. Kahit na mukhang naguguluhan.
Bahala sila dyan maguluhan, basta ako hindi stress. Loveless lang pero mukhang hindi na. Sana!

Itataas ko palang yung paa ko nang magsalita si emma

"Astrid ikaw na sa harap. Hindi tayo kakasya dito" biglang ganun! Kanina sabi nya tabi tabi daw kami tsk!

"Kasya pa ems." Say pa ni ava

"Hindi na. Dun kana sa tabi ni jack" sabay ngiti. Ngiting pang-asar
Acting lang yata nila yung mukhang naguguluhan. Mga plastic talaga!

"Hey, come here astrid. Dito ka sa tabi ko" untag ni jack na nagpatigil saamin

"O tawag kana ng jk mo, sus kilig pempem ka nanaman dyan astrid." Bulong sakin ni ava.

"Mga tse! Mga rhodora x din kayo e kanina ayaw nyo ngayon pinagtutulakan nyo ako. Tss! SALAMAT" sabay sarado ko sa pintuan nila at umikot para dun sumakay sa passenger seat.

Ngiti ni jk ko ang sumalubong sakin pagkapasok. Hay! Tigilan mo ako sa ngiti na yan baka magkaroon ng round two na kissing scene dito.

Pinaandar na ni jk ang sasakyan nya. Yung tatlo naman sa likod nagchichismisan. Marami daw silang nakasayaw na mga yummyness na papalicious shuwariwap!

Ako naman nakatitig sa taong mahal ko.
Gwapo nya talaga. Kung kanina sa bar gwapo na sya mas lalo ngayon, na mas malinaw kung nakikita yung mukha nya.

Mga mata nyang kumiskislap. Na parang laging nakangiti, perfect nose and jawline. And my most favorite part. His lips.

shemay! Kinikilig pa din ako hanggang ngayon, akala ko hanggang imagination ko lang na hinahalikan ni jk ang mga labi ko. Hindi man lang sumagi sa isip ko na magkakatotoo pala ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 02, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MineWhere stories live. Discover now