Kabanata 5

17 2 3
                                    


"Still hurt?" Napabalik ako sa present sa tanong nya, bago ako sumagot napatingin muna ako sa kamay ko na hawak nya pa din.

Napansin nya siguro kaya tinanggal niya kaagad. Sus! Nahiya pa okay lang naman kahit kunin nya na kamay ko. Hihihi

"Sakto lang, nakastilletos yata yung nakatapak sakin. Sakit e tagos hanggang inggron ko! Hayp na babae yun pag nalaman ko kung sino sya sasampalin  ko leeg nya makita nya!"

Nangagalaiti kong turan sakanya.
Dahilan naman kung bakit sya napatawa ng malakas.

Nangunot naman ang perfect kong noo!

(Noo mo lang kasi ang perfect sayo hahaha kaya hindi ka magugustuhan  ng jk mo!)

Bwiset ka! Sampalin ko noo mo dyan makita mo.

napatingin tuloy ang mga tao na sa kanilang mga lamesa.

Wala naman kasing manners tumawa!
Pero ang hot nya pa din mas lalo ngayon na ngumisi-ngisi nalang  sya.

And his composure look so cool! Just like his name Jack.

Jk kasi ang pangalan nya sakin. Kumbaga code ko yun sakanya ng sa ganun, hindi mahalata ng mga tao sa paligid ko na si jack kennedy at jk ko ay iisa lang.

Mahirap na noh kakantyawan lang ako at worst malaman pa nya.

Only  me, my family and friends ko lang ang nakakaalam na si jack kennedy ang lalaking minamahal ko ng patago sa loob ng siyam na taon.

Naupo nalang ako at pati rin sya.
Nagulat ako ng bigla nalang syang tumayo at lumipat sa tabi ko.

At mas kinagulat ko pa ng inakbayan nya ako.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kinilos nya. Sa sobrang kilig na nararamdaman ko para na akong lutang,  hindi pa sya nakuntinto hinimas at pinisil nya pa. Siguro kung ibang lalaki to' sasabihin kong minamanyak nya ako pero dahil sya to' yung mahal kong jk parang gusto ko nalang dito habambuhay.

nahihiya ako dahil first time ko ganituhin ng lalaki at worst pa dahil si jk to!

"Look at me,"  bulong nya sa tenga ko. Jusme jk magtigil ka!

"Please?" Sabay hawak nya sa mukha ko dahilan kaya kami ngayon ay magkaharap na.

"Bakit ba kasi? Nahihiya nga ako e."

"Bakit ka nahihiya?"

tanong nya habang nakangisi.
Shemay! wag kang ganyan.

"E para na kasi tayong magjowa nito! Mamaya bigla nalang akong sampalin nila emma at sabihin ang harot ko. Hmmp!"

Pacute ko ha! Hindi pwedeng ikaw lang jk ang marunong mangharot.

"At tsaka may mga taong nakatingin saatin."  Baka mamaya andito pala gf nya masabunutan pa ako ng wala sa oras

"I know. Kaya nga ako lumipat at inakbayan ka, because of those assholes!" Sabay tingin nya sa malayo, sinundan ko ang tingin nya sa isang grupo ng mga lalaki hindi kalayuan sa table namin.

"At bakit naman sila naging asshole?" Tanong ko sakanya.

"They checking you out! Simula ng bumalik tayo nakatingin na sila sayo. Fuck! And i hate it!"

Wait! Shet naguguluhan ako bat sya nagagalit? Nagseselos ba sya? Why? Hindi pwede yun kasi may gf sya! Pakshet naman itong jack kennedy na to' eh! Paasa pa ata

Bumalik ang tingin ko sa grupo ng mga kalakihan mukhang kasing age lang namin sila. At hindi ko masyadong maaninag yung mga face nila kasi medyo madilim yung pwesto nila.

MineWhere stories live. Discover now