Nako! nako!
Pa-yahoo-yahoo lang yan pero deep inside masakit talaga yung break up nila.
Ganyan talaga kadalasan sa mga lalaki kunware hindi apektado, kunware hindi nasaktan, kunware malakas, pero ang totoo gusto na nilang ayain ang buong tropa ng inuman!
Doon lang na papawi ang lahat!
"Kaylangan mong gumawa ng mas masayang araw para ma-overcome yung masasayang nakaraan."
E' ano pa nga bang gagawin n'ya? malamang sa malamang isang linggong walwalan:
Lunes- barkada sa street nila
Martes- barkada sa school
Miyerkules- batchmates
Webes- Mga pinsan
Byernes- Boarding housemates
Sabado- Isa pang barkada
Linggo- Nagsisi >^<
~~~
Masarap magkaroon ng mga kaybigan a.k.a. Barakada . Kahit pustahan tayo sa isang buong barakada meron kang isang matuturin mong Bestfriend, diba?
Ladies and Gentlemen, please welcome my Bestfriend! na itatago nalang natin sa pangalang Sulaiman.
Hindi yan ang tunay n'yang pangalan pero mas kilala s'ya sa pangalan na yan.
Marami kaming pagkakapareho ng gusto, halimbawa nalang ay manood ng Anime o kaya naman ay mag-drawing, tulungan as bawat assignments or project o kahit sa Programming Project.
May istyura talaga s'ya, Oppa nga raw s'ya ng school namin eh, tapos ako naman ay nevermind.
(Walang Bromance Dito! Kadiri Kayo XD)
Bukod doon may Girlfriend din s'ya kagaya ko rin, NOON
Kaya since Complicate ang status ko dahil sa paulit-ulit na Closures na nangyayari samin ng aking nakaraan ay sinasamahan ko nalang si pare kung may ireregalo s'ya sa Girlfriend n'ya, inshort 3rd party ako, ganon.
Kapag mag'me-meet sila sasama ako, tapos pagmagkasama na sila tapos na ang mission ko, sisibat na ako, ganon lang support-support nalang sa tropa ko. lol
While in the other side:
Hindi ko talaga alam kung ano pa kami ni May , s'ya yung ex ko na hindi mo maware kung anong sitwasyon naming dalawa. Puro closures pero kapag nag-invite na kumain sa labas sasama naman, puro away - pataasan ng Pride, basta angulo!
Pero ang alam ko talaga wala na kami, may pa-freedom song na nga ako kanina eh.
Uso talaga break up sa ber months ng taon na ito, kaya nga nagulat nalang ako na break na rin si sulaiman at yung Girlfriend n'ya at marami rin iba pang couple kuno na wala na.
To make the long story short: hindi ako nag-iisa. lol
~~~
Pero sa kabila ng pa-condolence ko kay Sulaiman, nagtataka talaga ako kung pano sila nag-break. Anyway wala na rin naman akong pake doon, aasikasuhin ko nalang itong pa-fall na S.S.G. member na'to.
Nakakatawa lang na napasubo ako sa challenge ng barkada ko, yun ay: makipag-date kay Shiemarie , sa kadahilanang malupet~~~~
Trowback:
Dahil sa Extremely-Extra-Ordinary-Complicated-Status (Ano daw?!) namin ni May hindi ko na naiwasan sabihin ito sa mga kaybigan ko. Bilang mga uto-utong kaybigan, kapanig ko sila. lol
"Bilang lalaki ayaw ko kase talaga na ako yung nakikipag-break sa kanya, okay lang na s'ya, kaso hindi n'ya ginagawa, pero hirap na kaming dalawa at hindi na nag'wo-work yung relasyon namin"
"Shhhh.. tol, madali lang yan. nakikita mo si Shiemarie? pwede mo s'yang i-date, bagay din naman kayo, kaya okay lang. Ano? G?"
Hindi ko alam ang plano nila noon, pero...
After Class:
"Wala ka bang gagawin Shiemarie? tara libre kitang float"
At natuloy nga ang Dating Orplan para samin ni Shiemarie...
Kinagabihan noong araw na yun: "1 messenge"
"Sino yung ka-date mo kanina?;
from: May; 9:14pm"
Oh Shoot! Napisti na!
~~~
So...
Yun ang Plano nila -_-
Hanggang sa tuluyan nagkaloko-loko ang status, pero sakabila noon nakikipag-date parin ako kay Shiemarie, babaero ang galawan, pero ginagawa ko lang ito para wala nang mahirapan.
Hindi lang isa o dalawa kami nakapag-date ni Shiemarie, pero minsan wala s'ya kase busy s'ya sa pagiging S.S.G.
~~~
Apparently, kay Shiemarie muna tayo, wala naman sigurong masama sa isang single na makipag-date sa kanya, diba?
Siguro ang hindi lang maganda ay kakatapos ko lang sa isang relasyon, tapos nakikipag-date agad ako.
Parang Corona Virus ang pagkalat ng issue sa pagitan namin ni Shiemarie, Ambilis!
Pati yung mga teacher sa school o yung mga S.S.G. officer, alam agad nila na nag'de-date kami ni Shiemarie. Ang kaso lang, ayaw ko naman talaga ng gento, napasubo lang ako, sa planong hindi ko alam.
Habang tumatagal, lalo kong iniisip kung ano nang next kong gagawin? Medyo nalilito na'ko!
Naalala ko nga pala yung palage kong ginagawa kapag may sitwasyon na kagaya nito.
"Step-back, Relax and Think"
Sa kabila ng paglala ng komplikadong relasyon namin ni May, dumagdag pa itong issue na ala-corona virus. Habang sumasabay sa daloy ng nangyayari sakin ngayon, ilang gabi ko na rin iniisip kung ano ang gagawin ko para maging mapayapa na ulit ako.
"There's no comfort in the growth zone, and there's growth in the comfort zone"
Ayan ang mga salita na naalala ko habang nagrereklamo ako sa sitwasyon ko ngayon, nabasa ko lang yan sa isang bulletin board sa simbahan namin.
Meanwhile: mas pinili kong tawanan nalang ang lahat, yung iba nga walang makain eh.
I're-relax ko nalang ang sarili ko, para kunware malakas.
Ano ba itong napasok ko...
Dalawa lang ang Option n'yan: Pwedeng Comeback o Comehere.
Comeback, babalik ako kay May, tapos Comehere itutuloy ko yung kay Shiemarie. Ang iniisip ko ngayon, pano ko lalabanan ang konsensya ko? na ngayon palang ay umaarangkada na.
Kaylangan may bagong plano, kaylangan talikuran ko ang lahat at gumawa ng bagong mundo, kaylangan kalimutan ko na, kaylangan ko parin s'ya.
Hindi pwedeng gawin yan at hindi ko magagawa yan! Dahil kung wala ang nakaraan, wala ang kasalukuyan.
"Ang nakaraan ang humulma ng ngayon"
Kaya pano ko magagawa yun? alam kong may solusyon, pero ano yun?
~~~
Gabi na noong gabi na yun; kumain na ako sa labas, yung tipong pag-uwi ko tamang Bihis-Tulog routine nalang. Nakatingin ako sa kisame at nagbubulay-bulay ng mga bagay-bagay.
Makakatulog na sana ako ng may...
"Cling!"
"Jhay-Em mention you in the comment!"
Hindi ko pa pala napapatay yung data ng Cellphone ko, lowbat na pati.
Tinignan ko yung mention sakin.
"WHAT THE HECK !!!"
*to be continue*
----
Author's note:
I'm trying to make it 1k words!
Check out the next Chapter.
Let's Go!!
BINABASA MO ANG
Sakto lang
RandomIt is the true to life story of two broken hearted person who fall in love to each other. They forgot everything together, they have fun together, they healed each other's heart.
