"Oo nga, yun nga yung pangalan n'ya naalala ko na" sabi sakin ni Angel habang nag'te-training kami.
Ang totoo: hindi ko na rin maalala kung pano kami naging magkaybigan sa Facebook.
Basta ang naaalala ko lang ay yung gabi na yon:Flashback:
Nag-reply ako sa comment na yon para sa aking last hugot sa gabi na yon, pinapadama ko lang sa sarili ko na broken talaga ako.Matapos ang pag-reply ko sa comment pinatay kona data ko at gabi na may pasok pa bukas...
Kaso bago ko mapatay yung data ko, nag reply pa rin sa Comment box yung admin ng CRT: Secret files page, kaya tinignan ko muna...
At napansin ko na mahaba na yung convo. namin ng admin sa comment box, kaya minarapat ko nalang mag-personal messenge sa kanya; tutal kilala ko naman talaga kung sino s'ya, hindi ko na kaylangan pang manghula...Siya si Jacquilyn Rose , yung Girlfriend ni Sulaiman, dancer s'ya at kapag dancer ka dito sa Cabanatuan malamang medyo kilala ka, okaya naman ay kilala ka talaga. Nasa section s'yang kung tawagin ay: All Girls Power, at balita ko sa kasama namin sa Journalism, isa s'ya sa pinakamagulo sa klase...
At kung hindi mo pa naintindihan: S'ya yung Admin sa CRT: Secret files na Page.~~~
Ayan ang dahilan kung bakit kami nagkaka-chat, at isa pa nangyayari lang yun kapag itatanong n'ya kung pumasok si Sulaiman o kaya naman ay kung kamusta s'ya. Siguro dahil alam n'ya na kaybigan ko si Sulaiman.Hindi ko naman masyadong nakaka-chat si Shiemarie, kase minsan lang s'ya kung mag-online...
Flashback:
Monday: @ Philosophy Class.
Nasa likod ako nakaupo, pero hindi lang naman ako pati yung mga tropa ko.
Kahit Alpuerto ang apilyedo ko na dapat nasa harapan ay pinipilit kong umupo sa likod.Habang nagtuturo si sir Ric nagdudutdot ako sa Cellphone ko, may ka-chat eh, haha!
Nag-chat kase yung Girlfriend ni Sulaiman, as usual! kinakamusta s'ya. Tinatanong kung pumasok ba s'ya.Kahit sa...
Habang natuturo si Ma'am non, napahinto s'ya, kase may tao na sumisilip sa binta ng pintuan ng Class room namin. Nilapitan n'ya, binuksan at kinausap...
"Lhenard! tawag ka ni Shiemarie" sinabi ni Ma'am sa buong klase...
Oh My Gosh. It's so annoying, kase ayan nanaman ang mga tingin ng classmate ko, at yung "Ayiee" effect nila.
Pero lumabas parin ako, patayo palang ako...
"Cling!"
May nag-chat!
Sige mamaya nalang, lalabas muna ako...Pagkatapos nila akong tuksuhin kay Shiemarie at pagkatapos kong sabihin kay Ma'am na walang kami ni Shiemarie umupo na ako.
Pero noong uwian ko na nabasa yung Chat sakin ng Girlfriend ni Sulaiman.Wag n'yo nang hulaan yung sinabi ng Girlfriend n'ya: malamang kinamusta nanaman si Sulaiman.
Ayaw pa kase magbati netong dalawang ito, pati ako nadadamay sa Cool-off nila.Sabagay, ganon din naman kami ni May, pati si mama nadadamay.
Sana nga hindi ako tuluyang madamay sa kanila.
Kung mangyayari yon, patay na!~~~
Meanwhile:
Tinawagan ko si mama after ng Training, tinuloy lang n'ya yung pakiusap n'ya sakin na mag-ayos kami ni May. Hindi nalang ako nagsalita hanggang kinamusta na'ko ni mama tungkol sa buhay ko sa School.Gento talaga kapag malayo sa bahay n'yo yung school, kaylangan mag-boarding house.
Sa Dingalan Aurora pa kase sila mama, tapos ako nag-aaral dito sa Cabanatuan Nueva Ecija.
Ayaw ko nga sanang mag-aral dito sa malayo, kase kaylangan pa ng sapat na pera tapos malayo pa sa pamilya.Pero may bagay na tumutulak sa akin para mag-aral dito, hindi ko lang alam kung ano. Si May kaya yung dahilan kaya parang gustong gusto kong mag-aral sa malayo, para magkasama kami? Hmm... Siguro nga. Pero kung s'ya bakit naging ganito yung sitwasyon namin. Ano kaya yung ibang pang dahilan kung bakit gustong gusto mag-aral sa malayo...
~~~
Pag-uwi ko sa Apartment, nagbihis agad ako, humiga habang nakatutok sa Cellphone.
Nang biglang kumulo yung tiyan ko...
Bumangon ako, kumuha ng pera sa wallet at bumili sa tindahan sa tapat ng bahay namin.Habang nakatambay, nagmimiryenda, nag'se-Cellphone, nag-chat si May...
Kung okay lang na samahan ko s'ya sa labas.
Aba! Okay to ah, parang walang issue kung makapag-chat ng ganito. Akala mong hindi dinadapuan ng Awkwardness sa katawan.Pero syempre naalala ko yung sabi ni mama, kaya nagbihis ako ulit at sinamahan s'ya...
Grabe! Hindi ko kinaya! yung galawan n'ya parang kami parin, parang walang nangyaring hiwalayan.Ano bang gusto n'yang iparating? o gusto lang n'ya na maalala ko yung dating kami? Naaalala ko naman yun, pati nga yung dahilan kung bakit kami naghiwalay...
Sobrang nakakalito talaga yung status namin ni May, feeling ko nga pati si Madam Virtud hindi kayang ipaliwanag ang gulo ng relasyon na ito...
~~~
Next Day:
Vacant namin noon, tapos lahat may kanya-kanyang ginagawa, yung mga masisipagmag-aral gumagawa ng research at nag're-review, yung mga pasaway nasa labas, yung iba nag'me-make-up, yung iba sa mga tropa ko naglalaro ng Bomb Squad.Ako naman ay nakikipag-chat lang sa mga pweding ka-chat;
Si Toper , yung pinakamataba sa barakada namin ay nasa likuran ko, kaya napansin n'ya na may mga ka-chat ako. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nilapit ni Toper yung paningin n'ya sa screen ng Cellphone ko at nakita n'ya sa akto na nasa Chat box ako namin ni Jacquilyn.
Nagulat s'ya at sumigaw s'ya ng: "Yay ka-chat n'ya si Jacquilyn!"
Ka-issue naman netong baboy na'to, hindi lang naman s'ya yung ka-chat ko.In short: narinig nilang lahat at inasar ako:
"Yay! kala ko ba si Shiemarie!"
"Hoo! pati ba naman si Jacqui!"
"May May ka na nga eh, tapos may Shiemarie pa, tapos hihirit kapa"
"Yay! si Lhenard oh!"
"Manyak!"
"Aagawan mo pa si Sulaiman"
"Kapag may Bf na, target cancelled"
"Babaero!!"
"Hahahahahah!!!"
"Galawang Lhenard..."
"Galawang Babaero"
"Galawang Manyak"
"Hahahahahaha" nagtawanan lahat ng tropa ko.
"Galawang Malibog" nagtawanan lahat kahit hindi ko tropa.
"Sabihin nga natin kay Sulaiman, hahaha!"
Kapag nga naman mga tropa mo nang-asar sayo, imbis na maasar ka, matatawa ka nalang eh.
Si Angel tahimik lang alam n'ya kase na wala lang sakin yun, kase nakakasama ko lage s'ya sa New Building.Pero patuloy parin silang nang-aasar sakin.
Hay nako!
Buti nalang wala si Sulaiman ngayon, kung nandito s'ya nakakahiya yun.
Baka sabihin traydor ako, haha!Bumukas yung pinto, may papasok ata...
huh??
"Oy, nandyan na si Sulaiman" sabi ni Toper the Pig
"Nako yare" -_---------
Author's note:
Come Follow Me!
Read-Vote-Comment-Share
See ya next Chapter! Enjoy!
Let's Go!

BINABASA MO ANG
Sakto lang
AcakIt is the true to life story of two broken hearted person who fall in love to each other. They forgot everything together, they have fun together, they healed each other's heart.