Kabanata 2: Pa-fall

14 0 1
                                    

"WHAT THE HECK!!"

Ano ba talaga to? Comment box o Group chat?!

Grabe itong mga lalaki na'to, ang lalakas talaga ng trip ng mga barakada ko, bakit ano bang meron?

"CRT: Secret Files"

Ayan yung pangalan ng page kung saan ako minention ni jhay-em, usong uso talaga yung gentong page, tapos papatamaan mo yung Crush mo okaya naman ay magpaparinig ka ng hinanaing mo tungkol sa school. Yung mga admin ng gento kadalasan ay famous talaga, okaya naman ay pinanganak bilang keyboard warrior.

Nga pala, minention nila ako sa isang hugot post; mga kataga na patama sa kaybigan namin o sa bestfriend ko na si Sulaiman.

As usual.! syempre, hindi na ako manghuhula, halatang halata naman na Girlfriend ni Sulaiman yun, or Ex na ata.
Kaya nakidutdot na rin ako sa Group Chat sa Comment box ng hugot post sa Page na yon.

Nag-comment na rin ako ng hugot na sa tingin ko ay magandang pang-entry sa ganap noong gabi na yon.

Pero mukang broken talaga yung admin, kaya humugot ulit s'ya bilang reply sa comment ko.
Pero hindi ako papatalo!! Broken din naman ako eh! kaya nag-reply ulit ako ng sa tingin ko ay mas magandang hugot.
Pero humugot parin s'ya ng humugot!!
At nag-reply ako sa comment na yon para sa aking last hugot sa gabi na yon, pinapadama ko lang sa sarili ko na broken talaga ako.

Matapos ang pag-reply ko sa comment pinatay kona data ko at gabi na may pasok pa bukas...

~~~

*8:10am

Nako! GG naman ako neto kay sir Lem! late nanaman mga sir!

7:30am dapat nasaloob na ng classroom, eh pano yan, 7:30am ako nagising.

Pagbukas ko ng pinto ng classroom...

"Goodmorning sir! Sorry po late ako! kase..."
hindi pa tapos yung sinasabi ko nagsalita na agad si sir Lem ng...
"Late ka, pumunta kana sa New Building, may training ng Compusearch"

Huh? talaga?

Freak! sabado nga pala!! training pala namin ng Journalism! Yes! Ligtas!

Kaya naglakad ako mula sa Old Building papunta sa New Building: Sa Old Building kase nandoon yung mga College at ICT Senior High, while sa New Building nandoon na yung lahat ng Senior High.

Kaya minsan naiisip ko na masaya talaga sa Journalism kahit English Editorial Cartoonist ka lang; retain! exempted! chill! basta maraming blessing.

Umupo na ako kung saan ang lage kong pwesto habang nag'te-training, sa tapat ng aircon. Ilang oras din akong nakatambay doon pagkatapos kong gawin yung lahat ng pinapagawa sakin.

Aftermath: Lumabas ako ng room kung saan kami nag'te-training, at nakita ko yung mga tropa ko nagtatawanan, ano nanaman ang trip netong mga to.

Lumapit ako sa kanila at ang unang salita kong sinabi ay... "Bakit? anong meron?" na parang chismoso ang galawan.
Sinabi nila na dumaan daw yung Girlfriend ni Sulaiman, tapos nakatingin sa kanya pero hindi n'ya pinansin. Bitter na Bitter pa raw sila.

Ngayon alam ko na ang dahilan kung bakit sila nagtatawanan ng ganon. Teka! kala ko break na sila?
"Hindi pa, nag-cool-off lang sila" paliwanag ni Jhay-em sakin. At least ngayon alam ko na kung ano ba talaga sila, puro fake news kase naririnig ko eh.

"Teka lang, nakita mo na ba yung Girlfriend ni Sulaiman?" tanong sakin ni Jhay-em.
Lage ko s'ya nakikita kapag sinasamahan ko si Sulaiman kapag may meeting sila, ang kaso lang hindi ko pa talaga namumukaan noon, kase parang magkakamuka silang magkakaybigan.

"AHAHAHAHA!!!" nagtawanan nanaman ang buong tropa.
Pero isang beses namukaan ko s'ya, actually last week lang.

Break time namin ng training para sa DSPC:2017.
Tapos nag'te-table tennis kami ng dumating yung barkada n'ya, may mga magaganda sa barkada n'ya kaya napatingin talaga ako.
Pero isang beses lumayo ang bola ng table tennis kaya pinulot ko, tapos pagkuha ko ng bola nakita ko kasama ng mga magaganda yung Girlfriend ni Sulaiman, kaya namukaan kong s'ya nga yon.

"Ano may tanong ka pa ba jhay-em?" tanong ko.
"Meron pa." sagot n'ya.
"Ano yun?"
"Kamusta kayo ni Shiemarie?" pang-asar na tanong n'ya, kaya napa-"Ayieee!" lahat ng tropa namin.

Tsss -_-

Speaking of that: nag-text s'ya sakin...

"Saan ka ngayon?"

"Papunta na." reply ko agad.

Ngayon, sa mga oras na'to kasama ko si Shiemarie, nasa mall kami at parehas may hawak na mcfloat.

"Gusto mo sumama sa akin?"
tanong n'ya.
"Ahmm... Oo ba! kahit saan" sagot ko agad.
"Weh? talaga?" sabi n'ya.
"Oo ako bahala" sabi ko.

ATM: @ Simbahan

Nako po! Buti nalang nagkasya yung sungay ko. Haha joke lang.

Natapos din yung session sa simbahan nila, kaya naglalakad kami ngayon papunta sa toda kung saan nagtatrabaho yung papa n'ya.
Nagpaalam s'ya sakin at nagpasalamat, pagkatapos ay umalis narin ako para umuwi.

~~~

Monday: @ Philosophy Class.

Nasa likod ako nakaupo, pero hindi lang naman ako pati yung mga tropa ko.
Kahit Alpuerto ang apilyedo ko na dapat nasa harapan ay pinipilit kong umupo sa likod.

Habang nagtuturo si sir Ric nagdudutdot ako sa Cellphone ko, may ka-chat eh, haha!
Nang may kumatok sa pintuan ng classroom, pinagbuksan n'ya at kinausap.

"Lhenard!! tinatawag ka ng dalagang galing sa pinanggalingan, si Shiemarie" sabi ni sir Ric sa harap ng klase.

Naalert ako dahil baka mahuli na nag'se-cellphone lang ako, kaya tumayo ako, pero hindi na'ko nagulat na tutuksuhin nanaman kami ng... "Ayiiee"
Kinausap ko s'ya sa labas ng classroom, at may tinanong s'ya...

"May Puncher ka?"

Talaga? tinawag mo'ko sa loob para lang itanong yan?

"Ahh... Wala eh, ikaw ba meron?"
sagot at tanong ko.

"Baliw! Pero okay lang na mag-usap tayo mamaya?" seryoso ata ito ahh.

"Oo naman! after class" sagot ko.

Kaya pumasok ako sa room, pero walang pinagbago nang-aasar parin sila. Yung mga tingin nila parang tingin na nagtatanong na kung "ano kaya yung pinag-usapan nila.?"
Ganon ang sa tingin ko ang takbo ng utak nila, pero ang iniisip ko, seryoso s'ya, ano kaya yung sasabihin n'ya...

AFTER CLASSES:

Nasa red table kami noon, nakatingin s'ya sakin ng maayos, yung tipong medyo singkit na nga s'ya tapos pinasisingkit n'ya pa yung mga mata n'ya...

"Ahm... Ano ulit yung sasabihin mo?" tanong ko naman.

"Gento kase..."

*to be continue*

-----
Author's note:
Sorry for some immature context.
See ya next Chapter!
Read-Vote-Comment-Share
Let's Go!

Sakto langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon