Kabanata 3: Estranghera

18 0 0
                                    

So yun na nga...

Naglalakad ako ngayon...

Ng mag-isa...

Walang kasama...

Ako lang...

May gagawin pa daw kase si Shiemarie para sa research nila, masipag talaga s'ya mag-aral, magkasalungat kami.
Kaya wala akong kasama ngayon bago umuwi...

Iniisip ko parin yung mga sinabi n'ya andami kase n'ya sinabi...

"Oyy! Lhenard! bakit ikaw lang nasan si Shiemarie? Hahaha!"
Tukso sakin ni Carlo na matagal nang palihim na may gusto at nanliligaw kay Shiemarie. Kasama n'ya yung mga tropa n'ya, ewan ko kung saan sila galing.

"Haha! Wala eh" sagot ko lang sakanya.
Mabilis lang ang pag-uusap kase naka-tricycle sila, kaya nagpatuloy ako sa paglalakad pauwi.

~~~

Next Day: ICT-CSS Class (Major)
Alright! Major na! Duguan na'to, kaya hindi naman ako nag'se-cellphone ng oras na yon. Focus dapat! Mahaba kase yung gagawin sa Part 4 ng CSS (Computer Set-up Service).

Habang natuturo si Ma'am non, napahinto s'ya, kase may tao na sumisilip sa binta ng pintuan ng Class room namin. Nilapitan n'ya, binuksan at kinausap...

"Lhenard! tawag ka ni Shiemarie" sinabi ni Ma'am sa buong klase...

Oh My Gosh. It's so annoying, kase ayan nanaman ang mga tingin ng classmate ko, at yung "Ayiee" effect nila.

Pero lumabas parin ako, patayo palang ako...

"Cling!"

May nag-chat!
Sige mamaya nalang, lalabas muna ako...

Wala akong Calculator, Puncher, Protractor, Compass, sana alam mo yan, kaya I'm begging you, wag mong itatanong yan.

"Oyy, Hi! bakit?" magalang kong bati.
"May ano ka ba?" tanong n'ya.

Don't you dare...

"May ano?" tanong ko ulit.
"May gagawin ka mamaya? kase diba? yung sinabi ko sayo." Sabi n'ya.

Wew! kala ko tinawag mo nanaman ako kase may kaylangan ka...

"Ahh.. meron ata akong gagawin mamaya eh, mag gagawa kami ng research namin" sagot ko sa kanya.
"Ayy ganon, sige next time nalang" sabi n'ya ulit.

Kaya pumasok ako sa room ulit, at sabi ko na nga ba! lahat ng mga mata nila sakin nakatingin, haysst...
Pero nagpatuloy akong naglakad papunta sa upuan ko, nasa kalahatian palang ako ay...

"Kayo na ba ni Shiemarie?" tanong ni Ma'am.
Kaya nagtawanan ang klase at nag-"Ayiiee" nanaman.
Napatingin ako kay Ma'am ng pagulat at pagkatapos napatingin din ako kay Carlo.

"Luh? Si Ma'am oh" sabi ko nalang.
Nawala na sa "192.168.101.1" yung topic, napunta na samin ni Shiemarie.
Hindi nalang ako nagsalita, oo nalang din.

~~~

JGH from school:
Hindi naman talaga kami gumawa ng research eh, walang kami! ako lang! ako lang kase yung gumagawa ng research NAMIN.

Kaya nakatakas ako sa alok ni Shiemarie na maging apostoles n'ya...
Isa sa mga sinabi n'ya sa akin sa red table yung tungkol sa 12 apostoles na gagawin n'ya, at gusto n'ya na maging isa ako dun. Sabi ko nalang pwede naman, pero deep in side: anong gagawin ko doon? maggugulo?

Ano nga naman kase ang gagawin ko doon? Hindi naman ako bagay na maging apostoles ng isang babae na dine-date ko...

"Cling!"

Nag-chat si mama, baka may padala na...

"Kuya! Anyare sa inyo ni May?"

Ayy nako po, pati ba naman si mama dinamay pa ni May sa issue namin. Kaylan ba matatapos itong kadiwaraan na ito?! Kala ko ba wala na kami, kala ko ba ayaw na n'ya, sinabihan na nga n'ya ako noon ng: Acceptance lang ang kaylangan Lhenard!.
Tapos ngayon eto nanaman.

Patuloy na ngulit si mama na mag-ayos na kami, ang kaso hindi na pweding ayusin ang relasyong matagal na dapat inayos, now it's too late.

Ganyan naman s'ya umaalis-bumabalik, mananakit-manunuyo. Tapos na kami, ayaw ko na. Ayaw ko na makasakit at masaktan.

~~~

Next Day: Compusearch Training para sa parating na DSPC:2017.
Puspusan talaga ang training ngayong araw, tutok samin si Sir Nath ngayon, kaya medyo pagod and araw ko.

"Break time muna!" sigaw ni Sir Nath

Yes! kaya lumabas kami at nagbinat ng utak at ng katawan.
Samantalang paparating yung isang grupo ng babae na kasama yung Girlfriend ni Sulaiman, at kinausap nila yung kasama ko sa Journalism.
Hindi ko alam pinag-usapan nila pero feeling ko, usapang pambabae lang...
Tumalikod ako at kinausap nalang si Angel na isa rin sa mga tropa ko. Siya naman ang Tagalog Editorial Cartoonist ng Compusearch.

Sa pakikipag-usap ko kay Angel, napadaan ang paningin ko ulit sa grupo ng babae na nag-uusap, sila kase yung nag-iisang Section sa school na puro kababaihan ang nasa loob ng klase, madalas silang kung tawagin ay : All Girls Power.

??

Napansin ko lang na tumitingin samin yung Girlfriend ni Sulaiman, tumingin muna ako sa likod, kase baka hindi talaga kami yung tinitignan n'ya.
Hindi naman s'ya tumitingin na parang tulala, kung baga pasulyap-sulyap lang, kase may kinakausap din s'ya...

Ano ba? bakit s'ya tumitingin samin ni Angel, may dumi ba kami sa mukha?
O kaya naman baka gusto n'ya samin kamustahin si Sulaiman.
Well, okay lang s'ya wag kanang tumingin-tingin, okay?

Hindi talaga ako sanay sa titig ng isang estranghera, hindi naman kami close eh, at isa pa sa chat lang kami nakakapag-usap.

"Neh, tumingin..." sabi ni Angel sakin.
"Hah? Sino?" tanong ko.
"Yung Girlfriend ni Sulaiman" sagot n'ya.
"Sa...?" - kunware hindi ko napansin.
"Dito, tignan mo" sabi ni Angel.

Sinabi ko nalang kay Angel na baka gusto satin ipakamusta si Sulaiman. Sinabi ko rin na nagkaka-chat kami n'yan, kase ano...
Hindi pa'ko tapos sa sinasabi ko nagsalita na agad s'ya...

"Ano nga ulit pangalan n'ya?" tanong sakin ni Angel habang nagkakamot ng ulo.

Tinanong n'ya yung bagay na yun dahil nabanggit na sakanya yun dati, ang kaso nalimutan n'ya.

"Teka! Teka! Friend ko yata s'ya sa Facebook eh" kasunod na sinabi ni Angel.
Kaya dinukot n'ya sa bulsa n'ya yung Cellphone n'ya para tignan kung friend n'ya sa Facebook yung Girlfriend ni Sulaiman.

"Ano ulit yung pangalan n'ya?" ikalawang tanong n'ya sakin...
"Ahm... ano..."

"Ring!Ring!Ring!"
Wait lang tumatawag si mama...

Kinausap ko lang ng saglit si mama: Tungkol nanaman ito sa pinipilit n'ya samin ni May.
Sinabi ko nalang na may training ngayon, at mamaya nalang s'ya tumawag.

Nasan na ulit tayo Angel?
Ay! sa pangalan ng Girlfriend ni Sulaiman...

"Okay! Back to Training na ulit guys!" sigaw ni Sir Nath samin.

-------
Author's note:
BTW this is my first time to write some love story: Sorry!
See ya next chapter!
Read-Vote-Comment-Share
Let's Go!

Sakto langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon